3. 16 Isang araw, nang kami'y papunta sa pook-
dalanginan, nasalubong namin ang isang
batang babaing alipin. Siya'y nakakapanghula
dahil sinasapian siya ng masamang espiritu.
Malaki ang kinikita ng kanyang mga amo dahil
sa kanyang panghuhula. 17 Sinundan-sundan
niya kami nina Pablo, at sumisigaw ng ganito:
"Ang mga taong ito'y lingkod ng Kataas-
taasang Diyos! Ipinapahayag nila sa inyo kung
paano kayo maliligtas!"
ACTS 16:16-40
4. 18 Marami nang araw na ginagawa niya iyon
kaya't nainis na si Pablo. Hinarap niya ang
bata at sinabi sa espiritu, "Iniuutos ko sa iyo sa
pangalan ni Jesu-Cristo, lumabas ka sa babaing
iyan!" At noon di'y lumabas ang espiritu. 19
Nang makita ng mga amo ng bata na nawala
na ang kanilang pinagkakakitaan,
sinunggaban nila sina Pablo at Silas,
kinaladkad sa liwasang-bayan at iniharap sa
mga maykapangyarihan.
ACTS 16:16-40
5. 20 Iniharap sila sa mga pinuno ng lunsod at
pinaratangan ng ganito: "Nanggugulo po sa
lunsod ang mga Judiong ito. 21 Nagtuturo sila
ng mga kaugaliang labag sa kautusan
nating mga Romano. Hindi natin maaaring
sundin ang mga itinuturo nila.“ 22
Sinunggaban sila ng mga tao, pinahubaran
ng mga pinuno at ipinahagupit.
ACTS 16:16-40
6. 23 Pagkatapos hampasin nang paulit-ulit, sila'y
ipinabilanggo at pinabantayang mabuti.
24 Ipinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng
bilangguan at inilagay ang kanilang mga paa
sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
25 Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at
Silas ay nananalangin at umaawit ng mga
himno, at nakikinig naman ang ibang mga
bilanggo.
ACTS 16:16-40
7. 26 Walang anu-ano'y lumindol nang malakas at
nayanig pati ang mga pundasyon ng
bilangguan. Biglang nabuksan ang mga pinto
at nakalag ang mga tanikala ng lahat ng
bilanggo.27 Nagising ang bantay ng bilangguan,
at nang makita niyang bukas ang mga pinto,
inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
Dahil dito'y binunot niya ang kanyang tabak
at magpapakamatay na sana.
ACTS 16:16-40
8. 28 Ngunit sumigaw si Pablo, "Huwag mong
saktan ang iyong sarili! Narito kaming lahat!"
29 Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong
pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa
harapan nina Pablo at Silas.
30 Sila ay inilabas niya at sinabi, "Mga ginoo,
ano po ang dapat kong gawin upang ako'y
maligtas?"
ACTS 16:16-40
9. 31 Sumagot naman sila, "Sumampalataya ka sa
Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang
iyong sambahayan."
32 At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag
nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang
bahay.
ACTS 16:16-40
10. 33 Nang gabi ring iyon, hinugasan ng bantay
ang kanilang mga sugat at siya'y
nagpabautismo, pati ang buo niyang
sambahayan.
34 Pagkatapos, sila ay isinama niya sa kanyang
tahanan at ipinaghanda ng pagkain.
Masayang-masaya ang bantay at ang
kanyang buong sambahayan, sapagkat sila'y
nakakilala sa Diyos.
ACTS 16:16-40
11. 35 Kinaumagahan, inutusan ng mga pinuno ng
lunsod ang mga kawal na palayain sina Pablo
at Silas.
36 Kaya't sinabi ng bantay ng bilangguan kay
Pablo, "Iniutos po ng mga pinuno na palayain
na kayo. Lumabas na kayo at umalis nang
mapayapa."
ACTS 16:16-40
12. 37 Subalit sinabi ni Pablo sa mga kawal,
"Ipinahagupit nila kami nang hayagan at
ipinabilanggo nang hindi man lang nilitis
gayong kami'y mga mamamayang Romano!
At ngayo'y palihim nila kaming palalayain!
Hindi maaari! Sila ang pumarito at magpalaya
sa amin."
ACTS 16:16-40
13. 38 Ipinaalam ng mga kawal sa mga pinuno ng
lunsod ang sinabi ni Pablo, at natakot ang mga
iyon nang malamang sina Pablo at Silas pala
ay mamamayang Romano.
39 Kaya't sila'y pumunta sa bilangguan at
humingi ng paumanhin sa dalawa. Inilabas nila
sina Pablo at Silas at pinakiusapang lisanin ang
lunsod.
ACTS 16:16-40
14. 40 Pagkalabas ng bilangguan, sina Pablo at
Silas ay nagtuloy sa bahay ni Lydia at dinatnan
nila roon ang mga kapatid. Bago umalis ang
dalawa, pinagbilinan nila ang mga kapatid na
magpakatatag sa pananampalataya.
ACTS 16:16-40
21. Kapag nasa pagsubok ka,
dapat maging tahimik ka lang
sapagkat may ginagawa ang
Diyos. Ang dapat gawin natin
ay magpuri sa Diyos.
22. 25 Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at
Silas ay nananalangin at umaawit ng mga
himno, at nakikinig naman ang ibang mga
bilanggo.
ACTS 16:25
23. Kapag ikaw ay nasa
pagsubok, mahirap magpuri.
Subalit kapag naging ugali
mo na ang magpuri, hindi na
mahirap magpuri sa Diyos.
24. Kapag naging ugali mo na ang
magpuri, wala ka ng pinipiling
oras kung kailan ka magpupuri.
Hindi ka pwedeng pigilin ng
anumang sakit na
nararamdaman mo.
26. ANG PAGPUPURI AY HINDI
PUMIPILI NG LUGAR, MAGING
NASA MABUTI KA MAN O NASA
MASAMANG KALAGAYAN.
1
27. 26 Walang anu-ano'y lumindol nang malakas
at nayanig pati ang mga pundasyon ng
bilangguan. Biglang nabuksan ang mga
pinto at nakalag ang mga tanikala ng lahat
ng bilanggo.
ACTS 16:26
40. Dahil sa ating mga karanasan.
Naranasan na natin
ang kabutihan ng Diyos
sa ating buhay.
41. Sa anumang sitwasyon na
dumating sa ating buhay, tayo ay
umaasa sa Diyos dahil naranasan
na natin Siya, na sa lahat ng
panahon alam na natin na mas
higit pa ang Kanyang gagawin.
46. 20 Sa kanya na makakagawa nang
higit pa kaysa maaari nating hilingin
at isipin, sa pamamagitan ng kanyang
kapangyarihang naghahari sa atin;
MGA TAGA-EFES0 3:20
47. Paano ba ang pagpupuri ay
makakatulong sa iyo para
maayos ang iyong problema
na kinakaharap?
48. Ano ba ang ginawa ng Diyos
sa buhay mo na kailangan mo
Siyang purihin?
49. Ano-anong mga hakbang na
iyong dapat gawin para maging
ugali mo ang magpuri sa Diyos
araw-araw?
50. FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH GLOBAL
Presented By:
Ps. Vetty Gutierrez
FCC Main, San Mateo, Rizal, PH
7AM Mabuhay Service
July 30, 2017