3. 22 Mga babae, pasakop kayo sa
sari-sarili ninyong asawa tulad ng
pagpapasakop ninyo sa
Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki
ang ulo ng kanyang asawa, tulad
ni Cristo na Siyang ulo ng iglesya,
na Kanyang katawan, at Siyang
Tagapagligtas nito.
EFESO 5:22-32
4. 24 Kung paanong nasasakop ni
Cristo ang iglesya, gayundin
naman, ang mga babae ay
dapat pasakop nang lubusan sa
kanilang asawa.
EFESO 5:22-32
5. 25 Mga lalaki, mahalin ninyo ang
inyong asawa na gaya ng
pagmamahal ni Cristo sa iglesya.
Inihandog Niya ang Kanyang
buhay para sa iglesya 26 upang
ialay ito sa Diyos, matapos linisin
sa pamamagitan ng tubig at
ng salita.
EFESO 5:22-32
6. 27 Ginawa Niya ito upang ang
iglesya ay maiharap Niya sa
Kanyang Sarili bilang isang
maluwalhating iglesya na walang
anumang dungis ni kulubot man
upang ito ay maging banal at
walang kapintasan.
EFESO 5:22-32
7. 28 Gayundin naman, dapat
mahalin ng mga lalaki ang
kanilang asawa tulad ng sarili
nilang katawan. Ang lalaking
nagmamahal sa kanyang asawa
ay nagmamahal sa kanyang
sarili.
EFESO 5:22-32
8. 29 Walang taong namumuhi sa
sarili niyang katawan. Sa halip,
ito'y kanyang pinapakain at
inaalagaan, tulad ng ginagawa
ni Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga'y
mga bahagi ng Kanyang
Katawan.
EFESO 5:22-32
9. 31 Gaya ng sinasabi sa
Kasulatan, "Dahil dito'y, iiwan
ng lalaki ang kanyang ama't ina,
at magsasama sila ng kanyang
asawa; at sila'y magiging isa.“
EFESO 5:22-32
10. 32 Ito ay isang dakilang hiwaga
na aking inihahayag tungkol
sa kaugnayan ni Cristo sa
iglesya.
EFESO 5:22-32
13. 8 Gumawa ang Panginoong
Yahweh ng isang halamanan
sa Eden, sa dakong silangan, at
doon dinala ang taong
Kanyang nilalang.
GENESIS 2:8-9
14. 9 Pinatubo Niya roon ang lahat ng uri
ng punongkahoy na magagandang
pagmasdan at masasarap ang
bunga. Sa gitna ng halamanan ay
naroon ang punongkahoy na
nagbibigay-buhay, at gayundin ang
punongkahoy na nagbibigay-
kaalaman tungkol sa mabuti
at masama.
GENESIS 2:8-9
15. 18 Matapos gawin ang lahat ng
ito, sinabi ng Panginoong
Yahweh, "Hindi mabuti na
mag-isa ang tao; bibigyan Ko
siya ng isang angkop na
makakasama at makakatulong."
GENESIS 2:18
16. 28 At sila'y pinagpala Niya. Sinabi
Niya, "Magpakarami kayo at
punuin ninyo ng inyong mga
anak ang buong daigdig, at kayo
ang mamahala nito. Binibigyan
Ko kayo ng kapangyarihan sa
mga isda sa tubig,
GENESIS 1:28
17. sa mga ibon sa himpapawid, at
sa lahat ng mga hayop na nasa
ibabaw ng lupa.
GENESIS 1:28
19. 1 Tungkol naman sa nilalaman
ng inyong sulat, sinasabi ko sa
inyo na mabuti sa isang lalaki
ang huwag mag-asawa. 2 Ngunit
para maiwasan ang pakikiapid,
bawat lalaki o babae ay dapat
magkaroon ng sariling asawa.
1 CORINTO 7:1-7
20. 3 Dapat tuparin ng lalaki ang
tungkulin niya sa kanyang
asawa, at gayundin naman
ang babae.
1 CORINTO 7:1-7
21. 4 Sapagkat hindi na ang babae
ang may karapatan sa sarili
niyang katawan kundi ang
kanyang asawa. Gayundin
naman, hindi na ang lalaki ang
may karapatan sa sarili niyang
katawan kundi ang kanyang
asawa.
1 CORINTO 7:1-7
22. 5 Huwag ninyong ipagkakait
ang inyong sarili sa isa't isa,
malibang pagkasunduan
ninyong huwag munang
magsiping upang maiukol ninyo
ang panahon sa pananalangin.
1 CORINTO 7:1-7
23. Ngunit pagkatapos, magsiping
na muli kayo upang hindi kayo
matukso ni Satanas dahil sa
hindi na kayo makapagpigil.
6 Ang sinabi ko'y hindi utos
kundi pag-unawa sa inyong
kalagayan.
1 CORINTO 7:1-7
24. 7 Nais ko sanang ang bawat
isa ay makatulad ko. Ngunit
may kanya-kanyang kaloob
mula sa Diyos at ang mga ito'y
hindi pare-pareho.
1 CORINTO 7:1-7
28. a. Ang pag-aasawa ay nilikha ng
Diyos hindi lang para maging
masaya ang buhay ng dalawang
mag-asawa kundi nilikha Niya
para tuparin ang Kanyang
dakilang layunin at ito ay
magpakarami sa mundo.
29. 6. ANG BIYAYA NG DIYOS
ANG KAILANGAN NG
MAG-ASAWA PARA
MARATING NILA ANG
PINAKASUKDULANG
PAG-ASA NG MAG-ASAWA.
38. b. Ang asawang lalaki ay
hindi anyo o sagisag lang.
Siya ay totoong tiga-
panguna at tiga-pamuno
sa bahay.
39. 1 Sinabi ni Yahweh kay Noe,
"Pumasok kayong mag-anak
sa barko. Sa lahat ng tao'y
ikaw lamang ang nakita Kong
namumuhay ng matuwid.
GENESIS 7:1
40. 18 Palaki nang palaki ang tubig
habang palutang-lutang naman
ang barko. 19 Patuloy pang
lumaki ang tubig hanggang sa
lumubog ang lahat ng matataas
na bundok.
GENESIS 7:18-19
41. 2. KUNG ANG IGLESYA AY
NAGPAPASAKOP KAY KRISTO,
GANUN DIN ANG ASAWANG
BABAE NA SIYANG DAPAT
MAGPASAKOP AT KATUWANG
NG ASAWANG LALAKI.
42. 25 Mga lalaki, mahalin ninyo
ang inyong asawa na gaya ng
pagmamahal ni Cristo sa
iglesya. Inihandog niya ang
Kanyang buhay para sa
iglesya.
EPHESIANS 5:25
43. 3. ANG ASAWANG BABAE AY
KATUWANG AT
KAMANGGAWA NG
KANYANG ASAWANG
LALAKI.
44. 18 Matapos gawin ang lahat ng
ito, sinabi ng Panginoong
Yahweh, "Hindi mabuti na
mag-isa ang tao; bibigyan Ko
siya ng isang angkop na
makakasama at makakatulong."
GENESIS 2:18
61. Ang mga asawang lalaki ay
dapat unang magpakita ng
pagmamahal at huwag
asahang ang asawang babae
ang magpapakita ng unang
pagmamahal.
62. Mahalin natin sila tulad ng
pagmamahal ng Panginoon sa
Iglesya at ang asawang babae
ay magbabalik din ng
pagmamahal na ibinibigay
sa kanya.
63. Nilikha ng Diyos ang lalaki
para magmahal at ang babae
naman ay ang minamahal.
Ang asawang babae ay dapat
pasakop sa asawang lalaki
tulad ng pagpapasakop ng
Iglesya sa ating Panginoong
Hesus.