5. Tatay ang
nagmamaneho po
ba ng mga sasakyan
ay alam din nila ang
mga batas na iyon?
Tanong ni Marlo.
Oo, anak. Kapag pula ang
nakaharap sa kanila hihinto
sila. Kapag dilaw,
naghahanda na silang
umandar, at kapag berde
na, haharurot na sila sa
pagtakbo.
Madali lang naman
po pala ang mga
panuto sa pagtawid.
Salamat po tatay.
Wakas.
7. Noong unang panahon, sa isang malayong lugar, ay may isang
matandang babaing nakatira sa isang lumang kubong may
malawak na bakuran.
8. Sa gawing likuran ng kaniyang bakuran ay may isang malaking puno ng sampalok.
Napakarami at napakatamis ng bunga ng punong ito. Kakaiba ang punong ito
sapagkat hindi ito nauubusan ng bunga sa loob ng buong taon.
9. Ngunit sadyang napakadamot ng matandang naninirahan sa
kubo. Ayaw niyang mamigay ng mga bunga ng sampalok.
Ang sinumang nagtatangkang manghingi ay kaniyang
sinisigawan at ipinahahabol sa aso.
Hanggang isang araw, may dumating na isang matandang
lalaking nakatungkod.
10. Magandang
umaga. Maaari
po bang
makahingi ng
ilang bunga ng
sampalok?
Ipanggagamot ko
lang sa anak
kong may sakit.
Hindi maaari!
Kahit isang
bunga lang nang
gumaling na ang
anak ko.
Matigas ang
ulo mo ha!
12. ngunit bago siya masaktan nang todo, mabilis niyang naihampas
ang tungkod sa puno ng sampalok.
13. Biglang umuga ang puno at kumidlat nang matalim. Nakabibingi
ang kulog na para bang may gumugulong na mga bato.
Bumuka ang lupa at kinain ang puno, gayundin ang matandang
babae at ang kaniyang malulupit na aso.
Umulan nang malakas hanggang sa lumaki nang lumaki ang
tubig.
14. Makaraan ay naging lawa ang buong nayon. Mula noon,
tinatawag ang pook na ito na “Lawa ng Sampalok”.
Wakas.
19. Maraming
laman na pera
ito, kuya.
Pera? Magkano
ang pera.
Rolly?
Dali-daling binilang ni Rolly ang pera.
sampung tig-
isandaang piso!
Kay rami!
Talagang
masuwerte ako.
20. Teka muna. Hindi iyo
ang perang iyan.
Dapat nating isauli
ang pitaka sa may-
ari.
Kuya, napulot ko ito
sa daan. Akin na ang
napulot ko, di ba?
21. Hindi, Rolly. Kawawa
naman ang may-ari ng
pitaka. Sige, tingnan natin
ang loob ng pitaka. Baka
may pangalan.
Heto ang isang
calling card.
Nakatala rito ang
pangalan ng may-ari
ng pitaka.
Sabay abot ng pitaka sa kapatid.
22. Dan Solis, 1525 Rizal
St., Sta. Ana, Manila.
Aba, kapitbahay pala
natin ang may-ari ng
pitakang napulot mo.
23. Tama ka, kuya. Hindi
ko dapat angkinin
ang hindi sa akin.
Kahit napulot ko.
Napangiti si Eric. Natuwa siya at nagbago ng pasiya
si Rolly.
Halika, isauli natin
sa kaniya ang
pitaka.
Mabuti, halika na.
Wakas.
24. Halaw sa aklat na Wastong Pag-uugali sa
Makabagong Panahon
25. Sa gabi nag-aaral ng leksiyon si Nilda. Nagsisindi siya ng ilaw.
Kailangan ni Nilda ng ilaw sa kanyang pagbabasa at pagsusulat.
26. Pagkatapos niyang mag-aral, pinapatay niya ang ilaw dahil hindi
na niya kailangan sa kanyang pagtulog.
Wakas.
27.
28. Bumili ang magkapatid ng ice candy sa tindahan.
Ang sarap ng ice
candy.
Sabi ni Zsa Zsa.
Oo nga! Ang
tamis pa!
Sabi naman ni Oscar.
29. Itinapon ni Oscar ang plastic ng ice candy sa bakuran nila. Sa
tamang basurahan naman itinapon ni Zsa-Zsa ang kanyang
pinagkainan. Naglalaro sila.
30. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo ang
magkapatid sa loob ng bahay.
Nakita ni Oscar na natangay ng malakas na ihip ng hangin ang
plastic ng ice candy sa kanal nila.
Baha! Baha!
Takot na sigaw ni Zsa-zsa. Mabilis na umakyat ang magkapatid sa
itaas ng bahay.
31. Kumuha sila ng kumot at nagtalukbong. Napansin ni Oscar na
basa na ang kaniyang higaan. Napakataas na pala ng baha.
Naanod ang magkapatid.
Tulong! Tulong!
32. “Gising Oscar! Gising!” nag-aalalang sabi ni Aling
Zorra.
Hay, Salamat!
Akala ko totoo
na, panaginip
lang pala.
Wakas.
34. Madilim pa lamang ay gumising na ako dahil ang sabi ni
Ima kagabi, kami ay pupunta sa palengke.
Habang kami ay kumakain ng almusal, panay ang bilin
niya
Humawak kang mabuti sa akin para
hindi ka mawala, maraming tao roon, at
hindi puwedeng magturo ng magturo
ng nais mong ipabili.
35. Maaga kaming umalis ng bahay, dala-dala ni Ima ang kanyang bayong. Hindi ako
mapakali sa dyip na aming sinasakyan. Palinga-linga ako sa paligid na aming dinaraan
dahil sabik na akong makarating doon.
36. Sa wakas, nasa palengke na kami. Maraming tao, maingay, iba-iba ang amoy
pinaghalo-halong amoy ng isda, karne, gulay, at manok. Suki! Suki! Ate! Ale! Ineng!
Ano hanap mo? Tila ba magkakakilala ang lahat. Mukhang galit pero hindi naman
kung kaya’t maingay ang iyong maririnig.
Halos maiwan ako ni Ima habang siya ay naglalakad dahil
nakatuon ang aking tingin sa mga nakasabit. Mayroong
makukulay, kakaiba, at nakakatakot.
Naku! Nais ko nang magturo ng aking ipabibili dahil matatapos
na si Ima sa pamimili subalit sa tuwing titingin ako kay Ima, sabay
itong umiiling.
37. Habang pumipili si Ima ng gulay, napatuon ang aking tingin sa
mga makukulay na pulang kabayo. Makikintab at puno ng
disenyo.
Sana maibili ako
ni Ima.
38. Nasa dyip na kami pauwi ng biglang may maalala
siya.
Naku, may
naiwan pala
ako.
Dali-dali siyang bumaba ng dyip. Hindi pa rin maalis
sa isip ko ang pulang kabayo.
Di bale, may
nilagang mais
naman akong uwi.
39. Maya-maya natanaw ko si Ima, dala-dala ang isang plastic na
halos kulay pula. Isang pulang kabayo! Salamat Ima! Sabay yakap
ko sa kanya ng mahigpit.
Wakas.
41. Ang Rehiyon IV-A CALABARZON ay binubuo ng mga lalawigan at lungsod. Sa bawat
lalawigan at lungsod na ito ay makikita ang naiiba at natatanging produktong
maipagmamalaki hindi lamang dito sa ating bansa maging sa ibang bansa.
Ito ay ginagawa ng masisipag na mamamayan.
42. Ang tela at damit na may burda tulad ng barong na pinya at husi
na gawa sa Laguna at Batangas ay sadyang tinahi nang
maganda at makulay.
Gayundin ang mga makabagong hikaw, kuwintas, at purselas na
yari sa niyog at water lily na sadyang kaakit-akit.
Mayroon ding mga produktong pampaganda na ginamit ng
kababaihan. May mga gamot din at iba pang pampalusog ng
katawan.
43. Matibay at mura ang mga sapin sa paa tulad ng sapatos at
tsinelas mula sa Liliw, Laguna. Maginhawa at angkop itong isuot
ng mga bata at matanda.
44. Marami rin at magaganda ang mga gawang sumbrero, bag, pamaypay, at iba pa na
yari sa buri. Matibay rin at maganda ang mga kagamitan sa bahay tulad ng mesa,
upuan at iba pa na mula sa Rizal.
45. Masasarap at masusustansiya ang mga pagkaing mula sa Rehiyon IV-A
CALABARZON tulad ng mga kakanin. Ang puto Biñan, buko pie, at pulang
itlog ng Laguna ay tunay na katakam-takam.
54. “Weeeh! Weeeh!” At sabay-sabay na bumuhos ang malakas na
ulan tangay-tangay sina Hulan at iba pang patak.
“Ang dami ng bata sa loob ng silid-aralan wika niya.” pansamantalang
nanatili roon si Hulan sabay nakipaglaro rin siya sa mga bata dahil
nagtatampisaw ang mga ito sa tubig-ulan.
55. Patuloy sa paglalakbay si Hulan hanggang sa mapagpad siya sa kakaibang
simbahan na may hugis buwan sa tuktok nito. Masjid kung tawagin ito.
Dito sumasamba ang mga Muslim.
58. Habang siya ay nililipad ni ibon, natanaw niya ang iba-ibang gusali tulad
ng ospital na pinagpapagamutan ng mga may sakit, pabrika na
pagawaan, Masjid na simbahan ng mga muslim.
59. Tumigil si ibon sa bahay-pamahalaan dahil sa sobrang lakas ng hangin at napakainit ng
sikat ng araw. Doon siya nanginain. Nakita ni Hulan ang laki ng gusali, maraming tao
ang pumapasok upang mag-ayos ng dokumento.
60. Sa tindi ng sikat ng araw at malakas na hangin, muli na namang
umakyat sa ulap si Hulan kasama ng kanyang kapatid sina Patak
Ulan.
Ang saya-saya ko,
kasi napakarami
kong nakitang
lugar sa lupa.
Wakas.
61.
62. Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo.
Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.
Swerte ko naman.
Hinog na at tila
matatamis ang
bunga ng ubas.
63. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bugkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at
muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
64. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at
malungkot na umalis palayo sa puno.
Hindi na bale, tiyak
na maasim naman
ang bunga ng ubas
na iyon.
Wakas.
66. Ang bayan ng Lucban, Quezon ay nagkakaroon ng kakaibang ganda at
ningning sa tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Isidro Labrador,
ang banal na patron ng mga magsasaka.
67. Nagiging makulay ang mga tahanan at mga kalye sa bayang ito tuwing sasapit ang
ika-15 ng Mayo. Pinapalamutian ang bawat tahanan ng iba’t ibang kulay ng hugis-
dahong mga pabitin na kung tawagin ay “kiping”.
68. Ang kiping ay gawa sa galapong (giniling na bigas) na may pangkulay at
inihuhugis sa dahon ng madre de cacao at saka iniluluto sa pugon upang
maging maninipis na wafer.
Pinatutuyo ang mga ito pagkatapos maluto upang magkaroon ng
kakaibang kinang.
Dahil dito nagmumukhang mamahaling hiyas ang mga palamuti. Ito ang
dahilan kung kaya tinawag na “Pahiyas” ang pagdiriwang.
69. Ang mga kiping ay isinasabit sa mga bintana at
inihuhugis na bulaklak o chandelier.
70. Bilang pasasalamat at pag-aalay kay San Isidro Labrador para sa isang
masaganang ani, ang mga tao sa Lucban, Quezon ay nagsasabit din ng
mga prutas at gulay bukod sa kiping.
Wakas.
72. Si Aurora ang magandang diyosa ng pag-
uumaga o pagsikat ng araw.
73. Isang umaga ay nanaog siya sa daigdig upang mamasyal. Sa
kanyang paglalakad, nakakita siya ng isang batang lalaki. Ito ay si
Alexis.
Nagustuhan ni Aurora si Alexis kaya hiniling niya sa mga diyos na
ito ay mabuhay nang walang hanggang kasama niya.
74. Sa pagdaan ng mga taon, napansin ni Aurora na tumatanda na si Alexis. Nakalimutan
pala niya na hilingin sa mga diyos na huwag itong patandain. Huli na ang lahat ng
gawin niya ito, tumanda na nang tumanda si Alexis at lumiit nang lumiit.
75. Mula noon, nagpalukso-lukso na ang unang tipaklong na si
Alexis. Dumami ang lahi niya. Sila ang ating nakikita sa mga
damo at halaman na dati ay pasyalan nila Aurora.
Wakas.
77. Likas sa bawat pamilya ang may
kinahihiligan. Isa na dito ang
panonood ng mga programa at
telebisyon. May teleserye, game
show, balita, at ulat-panahon
Nagdudulot ito ng aliw, saya at
lungkot, dahil sa mga
impormasyong nakikita dito.
Nakapagbabahagi rin ng
magandang aral.
Nagpapaunlad ng kaisipan ng
bawat isa. Nakapagpapalawak ng
emahinasyon. At sinusubok din ang
lakas at tatag ng kaisipan ng bawat
manonood.
Sa ngayon, ito ang mabisang
paraan ng komunikasyon maging
nga mayaman at mahirap, at bata
man o matanda.
Wakas.
78.
79. Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at
Kuneho ay nagkita.
Kaibigang Pagong,
ano kaya kung
magkarera tayo?
O sige.
81. Mabilis ang takbo ni Kuneho. Naging malayo ang agwat niya kay
Pagong. Mabagal tumakbo si Pagong.
Matutulog
muna ako.
82. Ay! Nahimbing ako! Nasaan
na kaya si Pagong! Aba!
Hayun na siya. Sayang!
Kung di ako nakatulog, ako
sana ang panalo.
Kahit na mabagal kung matiyaga, matatapos din
ang iyong ginagawa.
Wakas.
91. Hanggang isang araw, nakarating si Maninok sa gubat. Nagulat
siya sapagkat nagtipon-tipon ang lahat ng hayop. May
kasiyahang nagaganap.
92. Gutom na gutom na siya, kaya’t sinunggaban ni Maninok ang
mga pagkain.
Nagalit ang mga hayop sa ginawa ni Maninok.
Pinagtulungan nila ang matakaw na manok. Narinig sila ng hari
ng hayop.
93. Huwag ninyo
siyang saktan.
Ikinuwento ng mga hayop ang kasalanan ni Maninok.
Hindi ninyo siya dapat
saktan. Kausapin
ninyo siya nang
mahinahon.
Hindi nakakibo ang mga hayop.
Dapat matutong
magpaalam at
magsabi kapag
may gustong
kainin.
94. Simula noon natuto nang magsabi at magpaalam si Maninok
kapag may gusto siyang kainin.
Paminsan-minsan ay hindi niya maiiwasang magkamali. Pero
hindi na siya sinisigawan o sinasaktan.
Maninok, dapat
ay magpaalam
ka muna.
Ang laging paalala ng kaniyang ina.
Wakas.
96. Isang hapon, makalipas ang kaarawan ni Leng-Leng, nakatanggap siya ng
regalo mula sa kaniyang ninang Grace. Nakaupo ito sa isang bilog na
basket na may laso.
Tuwang-tuwang inabot ng kapatid niyang panganay na si
Ate Geng-Geng ang regalo.
98. Inalagaan nilang magkapatid si Chi. Makapal ang balahibo, abo
at puti ang kulay, bughaw ang mata, at malaki ang katawan.
99. Mahilig siyang pumunta sa toilet at gustong-gusto niya ang maligo.
Malinis siyang pusa. Sa pagtulog, tumatabi siya sa dalawang magkapatid
na animo’y naghahanap ng nanay na mayayakap.
100. Kapag tinatawag ang pangalan niya, agad siyang sumasagot ng
“ngiyaw, ngiyaw”, parang nauunawaan niya ang lahat ng bagay.
Tukoy din niya ang lugar ng kaniyang kainan. At mahilig siyang
makipaglaro.
Wakas.
102. Maingay, masaya, at amoy giniling na bigas
ang paligid.
Ano ba ang
mayroon?
May Puto Latik Festival ngayon. Isa itong pagdiriwang sa lungsod
Biñan. Ipinagdiriwang nila ang pasasalamat at pista ng patrong si
San Isidro Labrador.
103. “Tingnan mo nakakatuwang pagmasdan ang makukulay na
mananayaw gamit ang pinag-uumpog na bao ng pinagmulan ng
paglalatik sa kanilang Festival.
Nariyan din ang patimpalak sa paggawa ng puto.” Sagot ni
Daniel.
104. Malungkot itong umupo sa malaking bato.
Bakit ka
malungkot,
kaibigang
Daniel?
Hindi ka ba
natutuwa sa ating
napapanood
ngayon?
Nawawala ang
kesong puti na
dadalhin ko sa
festival.
105. Tinulungan ni Princess si Daniel upang makita ang hinahanap nito. Sa
wakas, nakita nila ang kanilang hinahanap, naiwan lang pala ni Daniel ang
kanyang keso sa may upuan.
Masaya silang naglalakad habang pinapanood ang mga makukulay na
palabas sa kalsada.
Wakas.