Tusong Katiwala
COT sa Filipino
TANONG #1:
Mula sa mga ipinakitang larawan, ano kaya ang mensahing nais ipabatid nito sa atin?
Ipinababatid nito ang iba’t ibang paraan sa pagpapakita ng KAGANDAHANG ASAL.
Tanong #2:
Paano makakatulong ang mga mensaheng nakapaloob sa larawan sa pag-uugali ng isang tao?
Kayo ay inaasahang:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal.
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang ibinigay na tanong.
3. Nabibigyang puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda.
TUSO:
♣ mapanlinlang
♣ mapanglamanag
Halimbawa:
Talagang masama itong si Tasyo tuso kung makipagkalakalan sa ibang tao.
¹ Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan.
2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’
3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos.
4 Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’
5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’
6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’
7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’
8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag.
9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan.
10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami.
11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan?
12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan?
13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”
PARABULA
► ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng gma kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parab
Maikling Tugmang Ganap Na Tula
IV. Ang Pagbigkas Na Tradisyon Sa Tuluyan
III. Ang Pagbigkas Na Tradisyong Patula, Inaawit At Isinasayaw
presentation in filipino about tanaga, diona, pabula, parabula, and etc.

2. Ang parabula ay isang uri ng maikling kwento na may-aral
at kadalasan ito ay galing sa kwento ng Bibliya na matatagpuan
natin sa tatlong synoptic na ebanghelyo. Ito ay ginagamit para
makapagturo ng magandang asal at ispiritwal.
Ito ay isang salitang latin na kung saan nagmula sa salitang
greek na parabolē, ibig sabihin ay paghahambing.
Ang parabula ay isang makalupang pagsulat na may nakatagong
makalangit na kahulugan. Isang salita ng Dios na pumupuna sa
hindi kanais-nais na katangian ng isang tao.
Ang parabula ay iba sa pabula na may mga karakter na hayop at
halaman, kadalasan ito ang gabay sa isang tao na nahaharap sa
pangangailangang mamili.
3. MGA SIKAT NA PARABULA MULA SA
BIBLIYA
•Ang Alibughang Anak
•Parabula ng Sampung Dalaga
•Ang Mabuting Samaritano
•Parabula ng Nawawalang Tupa
•Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
•Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
•Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
•Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
4. ELEMENTO NG PARABULA
1.Tauhan - Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na
hinago sa banal na bibliya na maaring makapagbigay ng magandang aral sa mga
mambabasa.
2.Tagpuan - Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay
tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. AngTagpuan ay
puwedeng maging marami depende sa istorya.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababangit sa parabula.
5. ELEMENTO NG PARABULA
3. Banghay - Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring
naganap sa kuwento.
4. Aral o magandang kaisipan - Ito ang matututunan ng isang tao
matapos mabasa ang isang kwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na bibliya
6. KATANGIAN NG PARABULA NOONAT NGAYON
Ang mga parabula noon ay ginagamit upang maimulat sa tamang pag-uugali
ang ating kabataan lalo na sa tamang pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas ng
panahon, nagiging kwentong pambata ito dahil nagiging kaaliw-aliw ito para sa
mga bata.
Ngunit ang parabula ngayon ay ginagamit sa ibang paraan upang kapulutan pa
rin ng aral ngunit sa mas makabagong paraan. Katulad ng paggamit ng parabula
ng mga kompanya upang ipa-intindi sa mga empleyado ang kahalagan ng
tamang pakikitungo sa kapwa.