SlideShare a Scribd company logo
1 of 28
Download to read offline
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Disaster Response
10
ii
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lawrence A. dela Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Disaster Response
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Response.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Response.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.
Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikatlong Yugto ng Disaster
Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin sa
panahon ng pagtugon sa panahon ng kalamidad. Nahahati ito sa tatlong aralin:
 Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Response
 Leksyon 2 – Mga Pagtataya sa Disaster Response
 Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Response
Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Response;
2. natatalakay ang tatlong uri ng pagtataya sa Disaster Response; at
3. nasusuri ang kahalagahan ng mga gawain nakapaloob sa yugto ng
Disaster Response.
Mga Tala para sa Guro
Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa
inilaang sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng Disaster Risk Reduction and Management
(DRRM) Plan?
A. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Response
2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction
and Management Plan?
A. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang
masamang epekto ng mga kalamidad
C. inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad
D. sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad
3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng
Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?
A. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang
kalamidad
B. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang
komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating
na kalamidad
C. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad
D. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad
4. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa mga pangangailangan ng
mga biktima ng kalamidad?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
5. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang
pagkasira ng mga ari-arian at/o imprastruktura dulot ng kalamidad?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
3
6. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa pansamantalang pagkawala
ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
7. Paano nagkakaugnay ang konsepto ng damage at loss?
A. ang loss ay resulta ng damage
B. ang damage ay resulta ng loss
C. walang damage kung walang loss
D. wala silang kaugnayan
8. Nabaha ang lupang taniman ni Mang Tonyo. Sa anong pagtataya nararapat
mailagay ang kanyang sitwasyon?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
9. Gumuho ang mga gusali sa paaralang pinapasukan ni Ana. Sa anong pagtataya
nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
10. Si Joy ay isang cashier sa pinapasukang department store. Baha sa kanyang
mga dadaanan at hindi siya makapapasok. Sa anong pagtataya nararapat
mailagay ang kanyang sitwasyon?
A. Damage Assessment
B. Loss Assessment
C. Needs Assessment
D. Risk Assessment
11. Si Juan ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Bagong Nayon. Ayon sa kanyang
ginawang assessment ay hindi makakontak ang mga tao sa kanilang mga
kaanak upang makahingi ng tulong. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang
maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga
tao sa Bagong Nayon?
A. magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar
B. magsagawa ng medical mission upang magamot ang may sakit
C. tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang
isaayos ang mga nasirang poste
D. magsagawa ng clearing operations sa mga kalsada dulot ng mga
nagbagsakang puno
4
12. Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Barangay Santa Rosa ay
inerekomendang i-lockdown ito. Ayon sa pinakabagong census ay mas marami
ang senior citizens sa kanilang lugar. Alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat
isama sa kanilang mga relief goods ayon sa kondisyon ng kanilang residente ng
kanilang barangay?
A. mga delata at instant noodles
B. mga gamot at bitamina
C. mga damit at kumot
D. mga sabon at toothpaste
13. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga
tao sa panahon ng kalamidad?
A. paglalaro ng mobile games
B. bigas, delata at tubig na inumin
C. tahanang may bubong at dingding
D. mga damit na maisusuot
14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM
Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?
A. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan
B. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga
opisyales ng pamahalaan
C. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektado ng
kalamidad
D. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat
15. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad
ano ang maitutulong mo sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng
DRRM Plan?
A. Magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad
B. Mag-post nang mag-post sa social media ng walang katuturang bagay
C. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas
D. Sumuway sa utos ng mga nagpapatupad ng batas
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
5
Aralin
1
Ikatlong Yugto ng DRRM
Plan: Disaster Response
Sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mga
namamahala ang nararapat gawin upang matugunan ang pangangailangan ng mga
tao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Kinakailangan na alam ng mga ito
ang mga pangangailangan ng mga tao na dapat maibigay; ang mga gusali at
imprastruktura na kailangang isaayos; at ang mga serbisyong nawala na kailangang
maibalik upang manumbalik sa normal na daloy ng buhay ang mga tao.
Balikan
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikalawang Yugto ng DRRM
Plan na Disaster Preparedness. Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito,
punan ang Checklist sa ibaba ng mga nararapat gawin bago tumama ang isang
kalamidad. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel.










6
Tuklasin
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salitang may
kaugnayan sa araling tatalakayin. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang
papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga salitang nabuo ang pamilyar sa iyo?
2. Ano ang kasing-kahulugan ng mga ito sa wikang Filipino?
3. Kaya mo bang bigyan ng kahulugan ang mga ito?
Ang aralin ito ay tatalakay sa mga paghahandang nararapat gawin ng
pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa panahon ng kalamidad. Kung marami
kang nasagot sa mga katanungan sa itaas ay madali mong maiintindihan ang
paksang pag-aaralan. Kung kaunti naman ang iyong nasagot ay dapat lamang na
pag-aralan mong mabuti ang susunod na babasahin at gawin ang mga gawain binuo
para maintindihan mo ang ating paksang-aralin.
Suriin
Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ay
inaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ang impormasyong
makukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon sa
mga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang
komunidad.
PORENSSE
DESEN
SOSL
MAGEDA
7
Binubuo ng tatlong pagtataya ang yugto ng Disaster Response. Ito ay ang
Needs Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment.
1. Needs Assessment- inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga
nakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at iba
pang kagamitan. Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mga
nasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan. Dahil
dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman
kailangan ng mga biktima ng kalamidad.
2. Damage Assessment- inaalam ang mga nasirang ari-arian at
imprastruktura bunsod ng kalamidad. Inaalam rito kung may nasirang mga
tulay, kalsada at maging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan.
Mahalaga ito upang malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang
manumbalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad.
8
3. Loss Assessment- inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ng
tubig, kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan. Inaalam rin dito
kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sa
pagkain at gamot. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga
kinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik
agad upang magamit ng mga tao.
Sa tatlong assessment na ito, maituturing na magkaugnay ang damage
assessment at loss assessment. Ang mga bagay na nawawala (loss) ay dulot ng mga
bagay na nasisira (damage). Halimbawa, kapag nasira ang mga ospital ay
maaapektuhan nito ang serbisyo na ibinibigay sa mga taong maysakit. Gayundin sa
mga paaralan, kung saan, natitigil ang pasok ng mga mag-aaral dahil sa mga hindi
magamit na pasilidad. Isa pang halimbawa nito ang pagkasira ng mga tulay at
kalsada na nagpapatigil sa tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyan. Ang pagkasira
naman ng mga taniman at hayupan ay nagdudulot pagkahinto ng produksyon ng
mga pagkain.
Kaya naman mahalaga ang
koordinasyon ng mga ahensya na
pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan
na may kaugnayan sa paggawa ng DRRM
Plan. Ang mga naisagawang paghahanda sa
Una at Ikalawang Yugto nito ay dapat
magamit at maisagawa sa Ikatlong Yugto.
Mayroon kasing mga pagkakataon na
naisasawalang bahala ang mga naiplano sa
mga naunang yugto kapag tumama na ang
kalamidad sa isang lugar dahil sa kawalan
ng maayos na komunikasyon at
koordinasyon sa mga sektor na tumutugon
sa kalamidad. Nararapat ring isa-alang-
alang ang kaligtasan ng bawat isang
tumutugon sa gitna ng mga kalamidad.
Dapat siguruhing may sapat na kakayahan
at pagsasanay ang mga taong kabilang sa
mga tutugon sa mga kalamidad na darating.
Ilustrasyon ng koordinasyon mula sa
nasyunal na pamahalaan hanggang
sa lokal na pamahalaan
9
Sa kabuuan, mahalagang maisagawa ang mga assessment sa Ikatlong Yugto
ng Disaster Risk Reduction and Management Plan upang makatugon nang maayos
ang mga taong nakatalaga para rito. Matutukoy ng mga assessment na ito kung ano-
ano ang pangangailangan ng mga tao, ano-anong gusali at imprastruktura ang dapat
maisaayos upang manumbalik ang mga serbisyo at produksiyon na kailangan ng
mga mamamayang umaasa lamang dito para mabuhay. Ang maayos na pagtugon sa
mga kalamidad na dumarating sa isang lugar ay makapagpapadali sa pagbangon at
panunumbalik sa normal na daloy ng buhay ng mga tao.
Narito ang isang halimbawa ng disaster monitoring form halaw mula sa
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito ay
inaalam ang mga impormasyon ukol sa naganap na sakuna gaya ng lokasyon, bilang
ng masugatan o namatay, mga nasirang imprastruktura at marami pang iba. Sa
pamamagitan nito ay makikita ng mga tutugon sa kalamidad kung ano ang kanilang
aasahan at kung paano nila tutugunan ang kalamidad na naranasan sa isang lugar.
Disaster Monitoring Form
I. Uri ng kalamidad: Pagbaha dulot ng Bagyong Dodong
Pangalan ng
Bayan/Barangay
Brgy. Maligaya Tinatayang
bilang ng
nakatira:
950
Pangalan ng namumuno sa komunidad: G. Juan dela Cruz
Petsa: Setyembre 29, 2017 Oras: 8:00am-9:00pm
II. Demograpiya
Bilang ng mga taong: Namatay: 1 Nasugatan: 20 Nawawala: 2
Bilang ng mga bahay na
naapektuhan
Bahagyang
Pinsala: 10
Malubhang
Pinsala: 3
Tuluyang
Nawasak: 1
Bilang ng pamilyang
apektado
Kasalukuyang bilang ng mga
bakwit: 500
Tinatayang
kabuuang bilang
ng mga pamilya:
230
III. Pangangailangan ng mga tao (lagyan ng tsek)
 Pagkain  Tubig  Damit  Kumot
 Gamot  Toiletries  Sabong
Panlaba
 Banig
 Iba pang pangangailangan (ilista)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
IV. Kalagayan ng mga Imprastruktura
 Nasira/natabunang kalsada May bumagsak na puno sa Kalye
Mabini.
 Nasira/bumagsak na tulay Walang nasirang tulay
 Nasira/bumagsak na
telecommunications tower
May tumamang sanga ng puno sa
isang tore sa Sitio Mapulang Lupa
 Nasirang mga gusali Walang nasirang gusali
   
   
Mga gamit sa paggawa ng bahay gaya ng pako, plywood at iba pa
10
V. Kalagayan ng Agrikultura
 Mga nasirang taniman Nabaha ang 2 ektarya ng taniman ng
palay.
 Mga nasirang palaisdaan Nabaha ang 1 ektarya ng palaisdaan sa
Purok 2
 Mga nasirang paghahayupan May 10 baboy, 100 na manok ang
natangay ng baha.
Iba pang mga tala
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Pagyamanin
A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang akrostik sa ibaba na tutukoy ng
kahulugan ng disaster response. Gumamit lamang ng tig-iisang pangungusap para
sa bawat titik. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel.
R
E
S
P
O
N
S
E
11
B. Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang mabuo ang kahulugan ng
disaster response. Piliin ang tamang sagot mula sa mga kahon sa ibaba. Isulat ang
inyong sagot sa inilaang sagutang papel.
Tinatawag na Disaster Response ang ________________ Yugtong
_________________ Plan. Dito ay inaalam ang ________________ ng
_________________ dulot ng isang _________________.
Ang _________________ makukuha rito ay magsisilbing _________________
upang maging maayos ang _________________ sa mga _________________ ng
mga mamamayang nakaranas ng _________________ sa isang
komunidad.
C. Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyon
ukol sa tatlong assessment na isinasagawa sa Disaster Response. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang sagutang papel.
Needs Assessment
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
Damage Assessment
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
Loss Assessment
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
(1)
(2) (3)
(4) (5)
(6) (7)
(8) (9)
(10)
Para sa bilang 1-5
DRRM Ikatlong kalamidad
lawak pinsalang
Para sa bilang 6-10
batayan impormasyong kalamidad
pagtugon pangangailangan
12
D. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at alamin kung ito ay tumutukoy
sa Needs Assessment, Damage Assessment o Loss Assessment. Isulat sa inilaang
sagutang papel ang mga titik na NA kung ito ay tumutukoy sa Needs Assessment,
DA kung ito ay tumutukoy sa Damage Assessment o LA kung ito naman ay
tumutukoy sa Loss Assessment.
_______ 1. Inaalam rito ang pagkawala ng serbisyo at pagtigil ng produksyon.
_______ 2. Tinutukoy dito ang mga napinsalang ari-arian o imprastruktura.
_______ 3. Inaalam sa assessment na ito ang mga pangangailangan ng mga
nasalanta ng kalamidad.
_______ 4. Mahalaga ito upang matukoy ang kailangang kumpunihin o ayusing
imprastruktura upang makabalik sa normal na buhay ang mga tao.
_______ 5. Mahalaga ito upang malaman kung ano ang kailangan ng mga tao na
nasalanta ng kalamidad.
_______ 6. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga pagkain, damit at
tirahan.
_______ 7. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga nasirang tulay,
kalsada at mga gusali.
_______ 8. Maaaring mapasama rito ang kawalan ng serbisyo ng mga hospital,
kawalan ng pasok sa paaralan at kawalan ng suplay ng kuryente at
tubig.
_______ 9. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay
na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad.
_______ 10.Mahalaga ang bahaging ito upang malaman kung anong serbisyo o
produksyon ang kinakailangang maibalik upang magamit ng mga tao.
E. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba
ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng koordinasyon at mga kakayahan sa
pagsasagawa ng Disaster Response. Isulat ang inyong sagot na inilaang sagutang
papel.
13
F. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang salitang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa inilaang
sagutang papel.
_________ 1. Kapag nagtutugma ang mga naiplano sa Una at Ikalawang Yugto sa
mga gagawin sa Disaster Response ay magiging maayos ito.
_________ 2. Ang kawalan ng kakayahan at mga pagsasanay ng mga taong
magsasagawa ng Disaster Response ay magdudulot ng disgrasya.
_________ 3. Dapat ay magkaiba ang ginagawa ng lokal na pamahalaan at
nasyonal na pamahalaan sa disaster response.
_________ 4. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng pamahalaan.
_________ 5. Ang pagkakaisa ng lahat sa panahon ng kalamidad ay makakatulong
upang matugunan ang pangangailangan ng lahat.
_________ 6. Mahalaga ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga
taong nakatalaga sa pagsasagawa ng Disaster Response.
_________ 7. Kinakailangang panatilihin ang hindi pagkakaintindihan kahit pa sa
panahon ng pagtugon sa mga kalamidad.
_________ 8. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng mga mamamayan.
_________ 9. Ang tamang pagpaplano ay makapagpapadali sa proseso ng
pagtugon tuwing may sasapit na mga kalamidad.
_________ 10.Magtatagumpay ang Disaster Response kahit hindi naisagawa ang
Una at Ikalawang Yugto ng DRRM Plan.
Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang inyong sagot sa
inilaang sagutang papel. Limang puntos bawat isa.
1. Bakit mahalagang maisagawa ang Disaster Response sa isang lugar na
nasalanta ng isang kalamidad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
14
2. Ano ang kaugnayan ng mga konsepto ng damage at loss? Magbigay ng mga
halimbawa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang may koordinasyon at kakayahan ang mga nagsasagawa ng
Disaster Response?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Isagawa
Panuto: Punan ang isang halimbawa ng Disaster Monitoring Form na halaw mula sa
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Aalalahanin
o magtanong-tanong ukol sa isang kalamidad na naganap sa inyong barangay.
Upang magabayan ka sa isasagawa mong gawain ay isaisip ang sumusunod na
sitwasyon:
Sitwasyon: Ipagpapalagay mo na ikaw ay bahagi ng DRRM team ng inyong
barangay. Mayroong naganap na kalamidad at kinakailangan mong punan
ang isang Disaster Monitoring Form sa inilaang sagutang papel.
Kinakailangang tama ang mga datos na maitatala mo rito upang
makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga tutugon sa pangangailangan
at mga nasirang imprastruktura. Mamarkahang ang ginawa mong disaster
response form sa rubric sa ibaba.
Rubric sa Pagmamarka ng Disaster Monitoring Form
Kraytirya
Di- Pangkaraniwan
4
Kahanga-
hanga
3
Katanggap-
tanggap
2
Pagtatangka
1
1.Kalidad ng
datos
Angkop at may
kaugnayan ang
mga datos sa
paksa.
May
kaugnayan sa
paksa
May kaugnayan
sa paksa ngunit
ang ibang datos
ay di - angkop.
Walang
kaugnayan at
di - angkop.
2.Bilang ng
datos
Higit sa
itinakdang bilang
Nakasunod sa
itinakdang
bilang
May ilang
kakulangan
Maraming
kakulangan
15
3.Kayarian
May kaiga-
igayang
kayarian,
artistiko, maayos
ang kabuuang
ginawa.
May kaiga -
igayang
kayarian,
maayos ang
kabuuang
ginawa.
Maayos ang
pagkakasulat
subalit hiwa -
hiwalay ang mga
pahina.
Di- maayos
ang
pagkasulat,
hiwa-hiwalay
ang pahina.
4.Pagpapasa
ng gawa
Nakapagsumite
sa itinakdang
araw.
Nakapagsumite
sa tamang
oras.
Nakapagsumite
ngunit huli sa
itinakdang araw.
Higit sa 1
linggo ang
kahulihan.
Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa
inilaang sagutang papel.
1. Pang-ilang Yugto ang Disaster Response sa Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
A. Una
B. Ikalawa
C. Ikatlo
D. Ikaapat
2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa yugto ng Disaster Response?
A. tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad
B. inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad
C. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang
masamang epekto ng mga kalamidad
D. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad
3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng
Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?
A. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad
B. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad
C. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang
kalamidad
D. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang
komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating
na kalamidad.
16
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Needs Assessment?
A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga
kalamidad
B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas
ng kalamidad
D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Damage Assessment?
A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng
kalamidad
B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas
ng kalamidad
D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Loss Assessment?
A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng
kalamidad
B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas
ng kalamidad
D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya sa
mga tao
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng damage at loss?
A. ang loss ay idinudulot ng damage
B. ang damage ay idinudulot ng loss
C. walang damage kung walang loss
D. wala silang kaugnayan
8. Nasira ang pangunahing kalsada patungong Barangay San Simon. Sa anong
pagtataya nararapat mailagay ang sitwasyong ito?
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Capacity Assessment
9. Namatay ang mga alagang manok ni Aling Tessie dahil sa malawakang pagbaha
sa kanilang nayon. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang
sitwasyon?
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Capacity Assessment
10. Nangangailangan ng mga damit at kumot ang pamilya ni Ben na nasunugan
noong isang araw. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang
sitwasyon?
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Capacity Assessment
17
11. Si Pedro ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Maliksi. Ayon sa kanyang
ginawang assessment ay nasira ang tulay na nagdudugtong sa Bayan ng Maliksi
sa iba pang kalapit-bayan. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang
maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa
nasabing bayan?
A. magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar
B. magsagawa ng medical mission upang magamot ang maysakit
C. tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang
isaayos ang mga nasirang poste sa Maliksi
D. gumawa ng pansamantalang madadaanan hanggang sa magkaroon na ng
pondo upang mapagawa ang nasirang imprastruktura
12. Dahil sa tagal ng paghupa ng baha sa Barangay Nagbalon ay naubusan na ng
suplay ng pagkain ang mga tagaroon. Bilang pagtugon ng DRRM team ng
kanilang barangay, alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat mapasama sa
kanilang relief goods?
A. mga delata at instant noodles C. mga damit at kumot
B. mga gamot at bitamina D. mga sabon at toothpaste
13. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga tao sa
panahon ng kalamidad?
I. paglalaro ng mobile games
II. bigas, delata at tubig na inumin
III. tahanang may bubong at dingding
A. I at II C. I at III
B. II at III D. I, II at III
14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM
Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?
A. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat nang nasalanta
B. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat
C. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan
D. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga
opisyales ng pamahalaan
15. Si Sarah ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad ano
kaya ang maitutulong niya sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng
DRRM Plan?
A. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas
B. Sumuway sa utos ng mga nakatataas
C. magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad
D. Magpost nang magpost sa social media ng walang katuturang bagay
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pag-
aaral sa paksa ng ating modyul. Dahil dito, handa ka nang harapin ang mga susunod
pang modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang
aking pagbati!
18
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Gumawa ng isang bidyo ng balita patungkol sa isang kalamidad naganap
sa inyong barangay. Maaari mong gamiting basehan ang mga impormasyong
nakalap mo sa naunang gawain. Siguruhing mabanggit ang mga
pangangailangan, mga nasira at mga nawala sa panahon ng kalamidad na iyon. I-
record at ipadala sa inyong guro ang nagawang balita. Mamarkahan ang inyong gawa
sa pamamagitan ng sumusunod na rubrik:
PAMANTAYAN
NAPAKAHUSAY
(4)
MAHUSAY
(3)
NALILINANG
(2)
NAGSISIMULA
(1)
NILALAMAN (50%)
Ang ibinalita ay:
 may tuwirang
kaugnayan sa
paksa
 buo ang diwa
 magkakaugnay
 makatotohanan
Nagpamalas ng
4 mula sa 4 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 3 mula sa
3 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 2 mula sa
2 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 1 mula sa 1
na
pamantayan
PAGTATANGHAL
(25%)
Nagpamalas ng:
 pagkamalikhain
 kahandaan
 malinaw at maayos
na bidyo-
 kalinawan sa
pagsasalita
Nagpamalas ng
4 mula sa 4 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 3 mula sa
3 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 2 mula sa
2 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 1 mula sa 1
na
pamantayan
PANGKALAHATANG
IMPAK (25%)
Sa kabuuan ang
pagbabalita ay:
 nag-iwan ng
tumpak na
mensahe
 nakahikayat ng
manonood
 positibong
pagtanggap
 madaling
intindihin
Nagpamalas ng
4 mula sa 4 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 3 mula sa
3 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 2 mula sa
2 na
pamantayan
Nagpamalas
ng 1 mula sa 1
na
pamantayan
19
B. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ukol sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan: Disaster Response. Maaaring talakayin ang
kahalagahan nito at ang mga pagtataya na nakapaloob rito. Limitahan ito sa tatlong
talata na may tig-lima hanggang sampung pangungusap lamang. Isulat ito sa
hiwalay na papel na ipapasa mo sa iyong guro. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba:
Kraytirya Di-
Pangkaraniwan
4
Kahanga-hanga
3
Katanggap-
tanggap
2
Pagtatangka
1
1. Paksa Naipapaliwanag
ng malinaw ang
mga
nasasaliksik
na relatibong
detalye na may
kaugnayan sa
paksa
Naipaliwanag
nang malinaw
Naiugnay ang
relasyon ng
pang-
suportang
detalye sa
paksa ngunit
di-sapat
Walang
kaugnayan
ang teksto sa
paksa
2. Organisasyon Naisasaayos ng
mabuti ang
pagkakasunod-
sunod nang
mga detalye at
nakapagprodyus
ng isang kaaya-
ayang
komposisyon
Naisaayos nang
mabuti ang
pagakakasunod-
sunod ng mga
detalye
Ang
organisasyon
ng mga ideya
ay hindi
sunod-sunod
at kulang ang
detalye
Hindi
organisado
ang gawain
3. Balarila Nagpamalas ng
mayaman at
malawak na
kaalaman sa
paggamit ng
mga salita at
wastong bantas.
Nagpamalas ng
malawak na
kaalaman sa
paggamit ng mga
salita at wastong
bantas
Nagpamalas
ng limitadong
kaalaman sa
paggamit ng
mga salita at
wastong
bantas
Di-angkop
ang mga
salitang
ginamit at
mali ang
paggamit ng
bantas
4. Tono ng
sanaysay
Tumpak at
angkop para sa
pormal na
salaysay at
nagpamalas ng
kahusayan at
tiwala sa sarili
Angkop para sa
pormal na
sanaysay at
nagpamalas ng
kahusayan
Nagpamalas
ng limitadong
kaalaman sa
paggamit ng
mga salita at
wastong
bantas
Di-wasto at
di-angkop
ang sanaysay
5. Kayarian ng
sanaysay
May matatag at
malinaw na
argumento na
sinuportahan ng
mahusay na
pagsusuri ng
mga detalye at
wikang ginamit
May matatag at
malinaw na
argumento na
sinuportahan ng
mahinang
pagsusuri ng
mga detalye at
wikang ginamit.
Simple ang
argumento na
sinuportahan
ng mahinang
pagsusuri ng
mga detalye
at wikang
ginamit
Hindi
mahusay ang
argumento at
walang
ginawang
pagsusuri sa
mga detalye
at wikang
ginamit
20
Susi sa Pagwawasto
ISAGAWA
May
kaniya-kaniyang
sagot
SUBUKIN
1.
D
11.
C
2.
D
12.
B
3.
D
13.
A
4.
C
14.
C
5.
A
15.
C
6.
B
7.
A
8.
A
9.
A
10.
B
TUKLASIN
PORENSSE
RESPONSE
DESEN
NEEDS
SOSL
LOSS
MAGEDA
DAMAGE
Pamprosesong
Tanong:
1.
May
kaniya-kaniyang
sagot
2.
May
kaniya-kaniyang
sagot
3.
May
kaniya-kaniyang
sagot
PAGYAMANIN
A.
May
kaniya-kaniyang
sagot
B.
1.
Ikatlo
2.
DRRM
3.
lawak
4.
pinsalang
5.
kalamidad
6.
impormasyong
7.
batayan
8.
pagtugon
9.
pangangailangan
10.
kalamidad
PAGYAMANIN
C.
May
kaniya-kaniyang
sagot
D.
1.
LA
2.
DA
3.
NA
4.
DA
5.
NA
6.
NA
7.
DA
8.
LA
9.
NA
10.
LA
PAGYAMANIN
E.
May
kaniya-kaniyang
sagot
F.
1.
TAMA
2.
TAMA
3.
MALI
4.
MALI
5.
TAMA
6.
TAMA
7.
MALI
8.
TAMA
9.
TAMA
10.
MALI
TAYAHIN
1.
C
11.
D
2.
A
12.
A
3.
B
13.
B
4.
C
14.
A
5.
A
15.
A
6.
B
7.
A
8.
A
9.
B
10.
C
BALIKAN
May
kaniya-kaniyang
sagot
ISAISIP
May
kaniya-kaniyang
sagot
KARAGDAGANG
GAWAIN
A.
May
kaniya-kaniyang
gawa.
B.
May
kaniya-kaniyang
gawa.
21
Sanggunian
"Incident Monitored Reports". 2019. National Disaster Risk Reduction and
Management Council. http://ndrrmc.gov.ph/ attachments/article/
3850/Incidents_Monitored_covering_the_period_5AM_to_8M_30_August_201
9.pdf.
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:
Department of Education.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga
Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:
Department of Education.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
"The National Disaster Risk Reduction and Management Plan". 2011.
Department of Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/
PDF_File/reports_resources/DILG-Resources- 2012116-420ac59e31.pdf.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf

esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfnelietumpap1
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfnelietumpap1
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikKokoStevan
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velarojudithvelaro
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfnelietumpap1
 

Similar to AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf (20)

esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 

AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf

  • 1. Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response 10
  • 2. ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD. Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Lawrence A. dela Cruz Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD Virgilio L. Laggui PhD Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison Tagaguhit: Vincent D. Robles Tagalapat: Joyce O. Saraza Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V Librada M. Rubio PhD Angelica M. Burayag PhD Nestor Nuesca EdD Gregorio C. Quinto, Jr. EdD Rainelda M. Blanco PhD Agnes R.Bernardo PhD Virgilio L. Laggui PhD
  • 3. iii 10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response
  • 4. iv Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Response. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Response. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. v kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
  • 6. vi Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Alamin Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:  Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin sa panahon ng pagtugon sa panahon ng kalamidad. Nahahati ito sa tatlong aralin:  Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Response  Leksyon 2 – Mga Pagtataya sa Disaster Response  Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Response Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. natutukoy ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Response; 2. natatalakay ang tatlong uri ng pagtataya sa Disaster Response; at 3. nasusuri ang kahalagahan ng mga gawain nakapaloob sa yugto ng Disaster Response. Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
  • 8. 2 Subukin Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Disaster Rehabilitation and Recovery B. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Preparedness D. Disaster Response 2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan? A. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad B. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang masamang epekto ng mga kalamidad C. inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad D. sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad 3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng Ikatlong Yugto ng DRRM Plan? A. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang kalamidad B. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad C. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad D. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad 4. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment 5. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian at/o imprastruktura dulot ng kalamidad? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment
  • 9. 3 6. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment 7. Paano nagkakaugnay ang konsepto ng damage at loss? A. ang loss ay resulta ng damage B. ang damage ay resulta ng loss C. walang damage kung walang loss D. wala silang kaugnayan 8. Nabaha ang lupang taniman ni Mang Tonyo. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment 9. Gumuho ang mga gusali sa paaralang pinapasukan ni Ana. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment 10. Si Joy ay isang cashier sa pinapasukang department store. Baha sa kanyang mga dadaanan at hindi siya makapapasok. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon? A. Damage Assessment B. Loss Assessment C. Needs Assessment D. Risk Assessment 11. Si Juan ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Bagong Nayon. Ayon sa kanyang ginawang assessment ay hindi makakontak ang mga tao sa kanilang mga kaanak upang makahingi ng tulong. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa Bagong Nayon? A. magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar B. magsagawa ng medical mission upang magamot ang may sakit C. tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang isaayos ang mga nasirang poste D. magsagawa ng clearing operations sa mga kalsada dulot ng mga nagbagsakang puno
  • 10. 4 12. Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Barangay Santa Rosa ay inerekomendang i-lockdown ito. Ayon sa pinakabagong census ay mas marami ang senior citizens sa kanilang lugar. Alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat isama sa kanilang mga relief goods ayon sa kondisyon ng kanilang residente ng kanilang barangay? A. mga delata at instant noodles B. mga gamot at bitamina C. mga damit at kumot D. mga sabon at toothpaste 13. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga tao sa panahon ng kalamidad? A. paglalaro ng mobile games B. bigas, delata at tubig na inumin C. tahanang may bubong at dingding D. mga damit na maisusuot 14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito? A. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan B. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga opisyales ng pamahalaan C. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektado ng kalamidad D. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat 15. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad ano ang maitutulong mo sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng DRRM Plan? A. Magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad B. Mag-post nang mag-post sa social media ng walang katuturang bagay C. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas D. Sumuway sa utos ng mga nagpapatupad ng batas Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
  • 11. 5 Aralin 1 Ikatlong Yugto ng DRRM Plan: Disaster Response Sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mga namamahala ang nararapat gawin upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Kinakailangan na alam ng mga ito ang mga pangangailangan ng mga tao na dapat maibigay; ang mga gusali at imprastruktura na kailangang isaayos; at ang mga serbisyong nawala na kailangang maibalik upang manumbalik sa normal na daloy ng buhay ang mga tao. Balikan Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikalawang Yugto ng DRRM Plan na Disaster Preparedness. Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito, punan ang Checklist sa ibaba ng mga nararapat gawin bago tumama ang isang kalamidad. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel.          
  • 12. 6 Tuklasin Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salitang may kaugnayan sa araling tatalakayin. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga salitang nabuo ang pamilyar sa iyo? 2. Ano ang kasing-kahulugan ng mga ito sa wikang Filipino? 3. Kaya mo bang bigyan ng kahulugan ang mga ito? Ang aralin ito ay tatalakay sa mga paghahandang nararapat gawin ng pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa panahon ng kalamidad. Kung marami kang nasagot sa mga katanungan sa itaas ay madali mong maiintindihan ang paksang pag-aaralan. Kung kaunti naman ang iyong nasagot ay dapat lamang na pag-aralan mong mabuti ang susunod na babasahin at gawin ang mga gawain binuo para maintindihan mo ang ating paksang-aralin. Suriin Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ay inaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ang impormasyong makukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang komunidad. PORENSSE DESEN SOSL MAGEDA
  • 13. 7 Binubuo ng tatlong pagtataya ang yugto ng Disaster Response. Ito ay ang Needs Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment. 1. Needs Assessment- inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at iba pang kagamitan. Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mga nasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad. 2. Damage Assessment- inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad. Inaalam rito kung may nasirang mga tulay, kalsada at maging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan. Mahalaga ito upang malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang manumbalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad.
  • 14. 8 3. Loss Assessment- inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ng tubig, kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan. Inaalam rin dito kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sa pagkain at gamot. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga kinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik agad upang magamit ng mga tao. Sa tatlong assessment na ito, maituturing na magkaugnay ang damage assessment at loss assessment. Ang mga bagay na nawawala (loss) ay dulot ng mga bagay na nasisira (damage). Halimbawa, kapag nasira ang mga ospital ay maaapektuhan nito ang serbisyo na ibinibigay sa mga taong maysakit. Gayundin sa mga paaralan, kung saan, natitigil ang pasok ng mga mag-aaral dahil sa mga hindi magamit na pasilidad. Isa pang halimbawa nito ang pagkasira ng mga tulay at kalsada na nagpapatigil sa tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyan. Ang pagkasira naman ng mga taniman at hayupan ay nagdudulot pagkahinto ng produksyon ng mga pagkain. Kaya naman mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya na pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan na may kaugnayan sa paggawa ng DRRM Plan. Ang mga naisagawang paghahanda sa Una at Ikalawang Yugto nito ay dapat magamit at maisagawa sa Ikatlong Yugto. Mayroon kasing mga pagkakataon na naisasawalang bahala ang mga naiplano sa mga naunang yugto kapag tumama na ang kalamidad sa isang lugar dahil sa kawalan ng maayos na komunikasyon at koordinasyon sa mga sektor na tumutugon sa kalamidad. Nararapat ring isa-alang- alang ang kaligtasan ng bawat isang tumutugon sa gitna ng mga kalamidad. Dapat siguruhing may sapat na kakayahan at pagsasanay ang mga taong kabilang sa mga tutugon sa mga kalamidad na darating. Ilustrasyon ng koordinasyon mula sa nasyunal na pamahalaan hanggang sa lokal na pamahalaan
  • 15. 9 Sa kabuuan, mahalagang maisagawa ang mga assessment sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan upang makatugon nang maayos ang mga taong nakatalaga para rito. Matutukoy ng mga assessment na ito kung ano- ano ang pangangailangan ng mga tao, ano-anong gusali at imprastruktura ang dapat maisaayos upang manumbalik ang mga serbisyo at produksiyon na kailangan ng mga mamamayang umaasa lamang dito para mabuhay. Ang maayos na pagtugon sa mga kalamidad na dumarating sa isang lugar ay makapagpapadali sa pagbangon at panunumbalik sa normal na daloy ng buhay ng mga tao. Narito ang isang halimbawa ng disaster monitoring form halaw mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito ay inaalam ang mga impormasyon ukol sa naganap na sakuna gaya ng lokasyon, bilang ng masugatan o namatay, mga nasirang imprastruktura at marami pang iba. Sa pamamagitan nito ay makikita ng mga tutugon sa kalamidad kung ano ang kanilang aasahan at kung paano nila tutugunan ang kalamidad na naranasan sa isang lugar. Disaster Monitoring Form I. Uri ng kalamidad: Pagbaha dulot ng Bagyong Dodong Pangalan ng Bayan/Barangay Brgy. Maligaya Tinatayang bilang ng nakatira: 950 Pangalan ng namumuno sa komunidad: G. Juan dela Cruz Petsa: Setyembre 29, 2017 Oras: 8:00am-9:00pm II. Demograpiya Bilang ng mga taong: Namatay: 1 Nasugatan: 20 Nawawala: 2 Bilang ng mga bahay na naapektuhan Bahagyang Pinsala: 10 Malubhang Pinsala: 3 Tuluyang Nawasak: 1 Bilang ng pamilyang apektado Kasalukuyang bilang ng mga bakwit: 500 Tinatayang kabuuang bilang ng mga pamilya: 230 III. Pangangailangan ng mga tao (lagyan ng tsek)  Pagkain  Tubig  Damit  Kumot  Gamot  Toiletries  Sabong Panlaba  Banig  Iba pang pangangailangan (ilista) ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ IV. Kalagayan ng mga Imprastruktura  Nasira/natabunang kalsada May bumagsak na puno sa Kalye Mabini.  Nasira/bumagsak na tulay Walang nasirang tulay  Nasira/bumagsak na telecommunications tower May tumamang sanga ng puno sa isang tore sa Sitio Mapulang Lupa  Nasirang mga gusali Walang nasirang gusali         Mga gamit sa paggawa ng bahay gaya ng pako, plywood at iba pa
  • 16. 10 V. Kalagayan ng Agrikultura  Mga nasirang taniman Nabaha ang 2 ektarya ng taniman ng palay.  Mga nasirang palaisdaan Nabaha ang 1 ektarya ng palaisdaan sa Purok 2  Mga nasirang paghahayupan May 10 baboy, 100 na manok ang natangay ng baha. Iba pang mga tala ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang akrostik sa ibaba na tutukoy ng kahulugan ng disaster response. Gumamit lamang ng tig-iisang pangungusap para sa bawat titik. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. R E S P O N S E
  • 17. 11 B. Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang mabuo ang kahulugan ng disaster response. Piliin ang tamang sagot mula sa mga kahon sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. Tinatawag na Disaster Response ang ________________ Yugtong _________________ Plan. Dito ay inaalam ang ________________ ng _________________ dulot ng isang _________________. Ang _________________ makukuha rito ay magsisilbing _________________ upang maging maayos ang _________________ sa mga _________________ ng mga mamamayang nakaranas ng _________________ sa isang komunidad. C. Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyon ukol sa tatlong assessment na isinasagawa sa Disaster Response. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. Needs Assessment ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ Damage Assessment ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ Loss Assessment ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ (1) (2) (3) (4) (5) (6) (7) (8) (9) (10) Para sa bilang 1-5 DRRM Ikatlong kalamidad lawak pinsalang Para sa bilang 6-10 batayan impormasyong kalamidad pagtugon pangangailangan
  • 18. 12 D. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at alamin kung ito ay tumutukoy sa Needs Assessment, Damage Assessment o Loss Assessment. Isulat sa inilaang sagutang papel ang mga titik na NA kung ito ay tumutukoy sa Needs Assessment, DA kung ito ay tumutukoy sa Damage Assessment o LA kung ito naman ay tumutukoy sa Loss Assessment. _______ 1. Inaalam rito ang pagkawala ng serbisyo at pagtigil ng produksyon. _______ 2. Tinutukoy dito ang mga napinsalang ari-arian o imprastruktura. _______ 3. Inaalam sa assessment na ito ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad. _______ 4. Mahalaga ito upang matukoy ang kailangang kumpunihin o ayusing imprastruktura upang makabalik sa normal na buhay ang mga tao. _______ 5. Mahalaga ito upang malaman kung ano ang kailangan ng mga tao na nasalanta ng kalamidad. _______ 6. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga pagkain, damit at tirahan. _______ 7. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga nasirang tulay, kalsada at mga gusali. _______ 8. Maaaring mapasama rito ang kawalan ng serbisyo ng mga hospital, kawalan ng pasok sa paaralan at kawalan ng suplay ng kuryente at tubig. _______ 9. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad. _______ 10.Mahalaga ang bahaging ito upang malaman kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik upang magamit ng mga tao. E. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng koordinasyon at mga kakayahan sa pagsasagawa ng Disaster Response. Isulat ang inyong sagot na inilaang sagutang papel.
  • 19. 13 F. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. _________ 1. Kapag nagtutugma ang mga naiplano sa Una at Ikalawang Yugto sa mga gagawin sa Disaster Response ay magiging maayos ito. _________ 2. Ang kawalan ng kakayahan at mga pagsasanay ng mga taong magsasagawa ng Disaster Response ay magdudulot ng disgrasya. _________ 3. Dapat ay magkaiba ang ginagawa ng lokal na pamahalaan at nasyonal na pamahalaan sa disaster response. _________ 4. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng pamahalaan. _________ 5. Ang pagkakaisa ng lahat sa panahon ng kalamidad ay makakatulong upang matugunan ang pangangailangan ng lahat. _________ 6. Mahalaga ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga taong nakatalaga sa pagsasagawa ng Disaster Response. _________ 7. Kinakailangang panatilihin ang hindi pagkakaintindihan kahit pa sa panahon ng pagtugon sa mga kalamidad. _________ 8. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng mga mamamayan. _________ 9. Ang tamang pagpaplano ay makapagpapadali sa proseso ng pagtugon tuwing may sasapit na mga kalamidad. _________ 10.Magtatagumpay ang Disaster Response kahit hindi naisagawa ang Una at Ikalawang Yugto ng DRRM Plan. Isaisip Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang papel. Limang puntos bawat isa. 1. Bakit mahalagang maisagawa ang Disaster Response sa isang lugar na nasalanta ng isang kalamidad? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________
  • 20. 14 2. Ano ang kaugnayan ng mga konsepto ng damage at loss? Magbigay ng mga halimbawa. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Bakit mahalagang may koordinasyon at kakayahan ang mga nagsasagawa ng Disaster Response? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ Isagawa Panuto: Punan ang isang halimbawa ng Disaster Monitoring Form na halaw mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Aalalahanin o magtanong-tanong ukol sa isang kalamidad na naganap sa inyong barangay. Upang magabayan ka sa isasagawa mong gawain ay isaisip ang sumusunod na sitwasyon: Sitwasyon: Ipagpapalagay mo na ikaw ay bahagi ng DRRM team ng inyong barangay. Mayroong naganap na kalamidad at kinakailangan mong punan ang isang Disaster Monitoring Form sa inilaang sagutang papel. Kinakailangang tama ang mga datos na maitatala mo rito upang makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga tutugon sa pangangailangan at mga nasirang imprastruktura. Mamarkahang ang ginawa mong disaster response form sa rubric sa ibaba. Rubric sa Pagmamarka ng Disaster Monitoring Form Kraytirya Di- Pangkaraniwan 4 Kahanga- hanga 3 Katanggap- tanggap 2 Pagtatangka 1 1.Kalidad ng datos Angkop at may kaugnayan ang mga datos sa paksa. May kaugnayan sa paksa May kaugnayan sa paksa ngunit ang ibang datos ay di - angkop. Walang kaugnayan at di - angkop. 2.Bilang ng datos Higit sa itinakdang bilang Nakasunod sa itinakdang bilang May ilang kakulangan Maraming kakulangan
  • 21. 15 3.Kayarian May kaiga- igayang kayarian, artistiko, maayos ang kabuuang ginawa. May kaiga - igayang kayarian, maayos ang kabuuang ginawa. Maayos ang pagkakasulat subalit hiwa - hiwalay ang mga pahina. Di- maayos ang pagkasulat, hiwa-hiwalay ang pahina. 4.Pagpapasa ng gawa Nakapagsumite sa itinakdang araw. Nakapagsumite sa tamang oras. Nakapagsumite ngunit huli sa itinakdang araw. Higit sa 1 linggo ang kahulihan. Tayahin Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel. 1. Pang-ilang Yugto ang Disaster Response sa Disaster Risk Reduction and Management Plan? A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat 2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa yugto ng Disaster Response? A. tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad B. inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad C. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang masamang epekto ng mga kalamidad D. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad 3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng Ikatlong Yugto ng DRRM Plan? A. makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad B. magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad C. matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang kalamidad D. matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad.
  • 22. 16 4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Needs Assessment? A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga kalamidad B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya 5. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Damage Assessment? A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya 6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Loss Assessment? A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya sa mga tao 7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng damage at loss? A. ang loss ay idinudulot ng damage B. ang damage ay idinudulot ng loss C. walang damage kung walang loss D. wala silang kaugnayan 8. Nasira ang pangunahing kalsada patungong Barangay San Simon. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang sitwasyong ito? A. Damage Assessment C. Needs Assessment B. Loss Assessment D. Capacity Assessment 9. Namatay ang mga alagang manok ni Aling Tessie dahil sa malawakang pagbaha sa kanilang nayon. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon? A. Damage Assessment C. Needs Assessment B. Loss Assessment D. Capacity Assessment 10. Nangangailangan ng mga damit at kumot ang pamilya ni Ben na nasunugan noong isang araw. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon? A. Damage Assessment C. Needs Assessment B. Loss Assessment D. Capacity Assessment
  • 23. 17 11. Si Pedro ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Maliksi. Ayon sa kanyang ginawang assessment ay nasira ang tulay na nagdudugtong sa Bayan ng Maliksi sa iba pang kalapit-bayan. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa nasabing bayan? A. magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar B. magsagawa ng medical mission upang magamot ang maysakit C. tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang isaayos ang mga nasirang poste sa Maliksi D. gumawa ng pansamantalang madadaanan hanggang sa magkaroon na ng pondo upang mapagawa ang nasirang imprastruktura 12. Dahil sa tagal ng paghupa ng baha sa Barangay Nagbalon ay naubusan na ng suplay ng pagkain ang mga tagaroon. Bilang pagtugon ng DRRM team ng kanilang barangay, alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat mapasama sa kanilang relief goods? A. mga delata at instant noodles C. mga damit at kumot B. mga gamot at bitamina D. mga sabon at toothpaste 13. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga tao sa panahon ng kalamidad? I. paglalaro ng mobile games II. bigas, delata at tubig na inumin III. tahanang may bubong at dingding A. I at II C. I at III B. II at III D. I, II at III 14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito? A. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat nang nasalanta B. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat C. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan D. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga opisyales ng pamahalaan 15. Si Sarah ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad ano kaya ang maitutulong niya sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng DRRM Plan? A. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas B. Sumuway sa utos ng mga nakatataas C. magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad D. Magpost nang magpost sa social media ng walang katuturang bagay Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pag- aaral sa paksa ng ating modyul. Dahil dito, handa ka nang harapin ang mga susunod pang modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!
  • 24. 18 Karagdagang Gawain A. Panuto: Gumawa ng isang bidyo ng balita patungkol sa isang kalamidad naganap sa inyong barangay. Maaari mong gamiting basehan ang mga impormasyong nakalap mo sa naunang gawain. Siguruhing mabanggit ang mga pangangailangan, mga nasira at mga nawala sa panahon ng kalamidad na iyon. I- record at ipadala sa inyong guro ang nagawang balita. Mamarkahan ang inyong gawa sa pamamagitan ng sumusunod na rubrik: PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (4) MAHUSAY (3) NALILINANG (2) NAGSISIMULA (1) NILALAMAN (50%) Ang ibinalita ay:  may tuwirang kaugnayan sa paksa  buo ang diwa  magkakaugnay  makatotohanan Nagpamalas ng 4 mula sa 4 na pamantayan Nagpamalas ng 3 mula sa 3 na pamantayan Nagpamalas ng 2 mula sa 2 na pamantayan Nagpamalas ng 1 mula sa 1 na pamantayan PAGTATANGHAL (25%) Nagpamalas ng:  pagkamalikhain  kahandaan  malinaw at maayos na bidyo-  kalinawan sa pagsasalita Nagpamalas ng 4 mula sa 4 na pamantayan Nagpamalas ng 3 mula sa 3 na pamantayan Nagpamalas ng 2 mula sa 2 na pamantayan Nagpamalas ng 1 mula sa 1 na pamantayan PANGKALAHATANG IMPAK (25%) Sa kabuuan ang pagbabalita ay:  nag-iwan ng tumpak na mensahe  nakahikayat ng manonood  positibong pagtanggap  madaling intindihin Nagpamalas ng 4 mula sa 4 na pamantayan Nagpamalas ng 3 mula sa 3 na pamantayan Nagpamalas ng 2 mula sa 2 na pamantayan Nagpamalas ng 1 mula sa 1 na pamantayan
  • 25. 19 B. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ukol sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan: Disaster Response. Maaaring talakayin ang kahalagahan nito at ang mga pagtataya na nakapaloob rito. Limitahan ito sa tatlong talata na may tig-lima hanggang sampung pangungusap lamang. Isulat ito sa hiwalay na papel na ipapasa mo sa iyong guro. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba: Kraytirya Di- Pangkaraniwan 4 Kahanga-hanga 3 Katanggap- tanggap 2 Pagtatangka 1 1. Paksa Naipapaliwanag ng malinaw ang mga nasasaliksik na relatibong detalye na may kaugnayan sa paksa Naipaliwanag nang malinaw Naiugnay ang relasyon ng pang- suportang detalye sa paksa ngunit di-sapat Walang kaugnayan ang teksto sa paksa 2. Organisasyon Naisasaayos ng mabuti ang pagkakasunod- sunod nang mga detalye at nakapagprodyus ng isang kaaya- ayang komposisyon Naisaayos nang mabuti ang pagakakasunod- sunod ng mga detalye Ang organisasyon ng mga ideya ay hindi sunod-sunod at kulang ang detalye Hindi organisado ang gawain 3. Balarila Nagpamalas ng mayaman at malawak na kaalaman sa paggamit ng mga salita at wastong bantas. Nagpamalas ng malawak na kaalaman sa paggamit ng mga salita at wastong bantas Nagpamalas ng limitadong kaalaman sa paggamit ng mga salita at wastong bantas Di-angkop ang mga salitang ginamit at mali ang paggamit ng bantas 4. Tono ng sanaysay Tumpak at angkop para sa pormal na salaysay at nagpamalas ng kahusayan at tiwala sa sarili Angkop para sa pormal na sanaysay at nagpamalas ng kahusayan Nagpamalas ng limitadong kaalaman sa paggamit ng mga salita at wastong bantas Di-wasto at di-angkop ang sanaysay 5. Kayarian ng sanaysay May matatag at malinaw na argumento na sinuportahan ng mahusay na pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit May matatag at malinaw na argumento na sinuportahan ng mahinang pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit. Simple ang argumento na sinuportahan ng mahinang pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit Hindi mahusay ang argumento at walang ginawang pagsusuri sa mga detalye at wikang ginamit
  • 26. 20 Susi sa Pagwawasto ISAGAWA May kaniya-kaniyang sagot SUBUKIN 1. D 11. C 2. D 12. B 3. D 13. A 4. C 14. C 5. A 15. C 6. B 7. A 8. A 9. A 10. B TUKLASIN PORENSSE RESPONSE DESEN NEEDS SOSL LOSS MAGEDA DAMAGE Pamprosesong Tanong: 1. May kaniya-kaniyang sagot 2. May kaniya-kaniyang sagot 3. May kaniya-kaniyang sagot PAGYAMANIN A. May kaniya-kaniyang sagot B. 1. Ikatlo 2. DRRM 3. lawak 4. pinsalang 5. kalamidad 6. impormasyong 7. batayan 8. pagtugon 9. pangangailangan 10. kalamidad PAGYAMANIN C. May kaniya-kaniyang sagot D. 1. LA 2. DA 3. NA 4. DA 5. NA 6. NA 7. DA 8. LA 9. NA 10. LA PAGYAMANIN E. May kaniya-kaniyang sagot F. 1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. TAMA 6. TAMA 7. MALI 8. TAMA 9. TAMA 10. MALI TAYAHIN 1. C 11. D 2. A 12. A 3. B 13. B 4. C 14. A 5. A 15. A 6. B 7. A 8. A 9. B 10. C BALIKAN May kaniya-kaniyang sagot ISAISIP May kaniya-kaniyang sagot KARAGDAGANG GAWAIN A. May kaniya-kaniyang gawa. B. May kaniya-kaniyang gawa.
  • 27. 21 Sanggunian "Incident Monitored Reports". 2019. National Disaster Risk Reduction and Management Council. http://ndrrmc.gov.ph/ attachments/article/ 3850/Incidents_Monitored_covering_the_period_5AM_to_8M_30_August_201 9.pdf. K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig: Department of Education. K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig: Department of Education. "Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/ download/18275. "The National Disaster Risk Reduction and Management Plan". 2011. Department of Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/ PDF_File/reports_resources/DILG-Resources- 2012116-420ac59e31.pdf.
  • 28. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph