1. 3.ANG KABUTIHAN AT KASAMAAN NG KILOS AYON SA
PANININDIGAN,GINTONG ARAL,AT PAGPAPAHALAGA
Itinuturing na mabuti ang isang makataong kilos
kung ginamit ang isipupang makabuo ng
mabuting layunin at ang kilos-loobupang
isagawa ito sa mabuting pamamaraan. Likas sa
tao na naisin at gawin ang isang bagay na
magbibigay ng kaligayahan sa kaniya.
Hindi ang layunin o bunga ng kilos ang batayan
sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng
kilos. Hindi maaaring sa layunin dahil magiging
masalimuot ang paghahanap ng pamantayan.
Gayundin ang bunga dahil kailangan pang
hintayin ito bago malaman kung mabuti o
masama ang kilos. Aniya, ang batayan ay ang
mismong pagpapahalagang ipinakikita habang
isinasagawa ang kilos.