2. Kahulugan ng Dula
Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang
pampanitikang panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng
dula, nailalarawan ang buhay ng tao na
maaaring malungkot, masaya,mapagbiro,
masalimuot at iba pa.
7. PANUNULUYAN
Ito ay ang pag-balik tanaw sa buhay ni Hesus
noong manganak si Maria sa bayan ng Betlehem
ngunit wala silang matuluyan dahil puno na ang
mga tahanan doon kaya minabuti ng mag-asawa
na Jose at Maria na tumuloy na lamang sa isang
sabsaban at doon ipinanganak si Jesus na siyang
tagapagligtas ng sanlibutan. Ang dula ay
ginaganap uwing besperas ng pasko.
8. PANUNULUYAN
Halimbawa: Sa tuwing bisperas ng
pasko o kaya sa araw ng pasko at
isinasadula ang kapanganakan ni
Hesus hanggang sa tatlong hari.
10. TIBAG
Ito ang pagsasadula sa paghahanap nina
Reyna Elena at Prinsipe Constantino sa krus
na pinagpakuan kay Hesus.
Ginaganap ito tuwing Mayo sa mga
lalawigan ng Bulacan, NuevaEcija, Bataan,
Rizal.
15. Salubong
Ito ay ginaganap sa araw ng lingo ng
pagkabuhay. Nagpoprosisyon ang
mga tao sa madaling araw at
kanilang dinudula ang araw lingo ng
pagkabuhay ni Hesukristo.
18. Senakulo
Ito ay ginagawa tuwing biyernes santo
na kung saan ay isinasadula ang mga
pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago siya namatay at
pagkaraang ipako siya sa krus.