12. Ang pangangailangan ng tao ay may
pagkakaiba rin batay sa antas ng
pinag-aralan. Ang taong may
mataas na pinag-aralan ay
karaniwang mas malaki ang
posibilidad na maging mas mapanuri
sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.
13. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan
at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin
sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan.
Maaaring ang taong nasa mataas na
posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad
ng sasakyan sapagkat malaki ang
maitutulong nito upang lalo siyang maging
produktibo sa kaniyang mga obligasyon at
gawain.
14. Isa pa sa mga salik na
nakapagpapabago sa mga
pangangailangan ay ang
panlasa. Ang panlasa sa istilo ng
pananamit at gupit ng buhok ng
mga kabataan ay ibang-iba sa
istilo ng mga nakatatanda.
15. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na
nagkakasya na lamang siya sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain, damit, at pagkakaroon ngbahay.
Samantala, naghahangad ng malalaki at
modernong bahay ang mga taong may
malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas
madalas na malaki rin ang konsumo,hindi
lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na
itinuturing na kagustuhan.
16. Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa
pangangailangan ng tao. Kung malapit sa dagat
ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga
tao rito ay pangingisda, kaya malaki ang
pangangailangan sa mga produktong pangingisda.
Kung malamig naman ang lugar ay maaaring
maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding
lamig, tulad ng Heater. Samantala ang electric fan,
air condition unit, at iba pang mga kahalintulad nito
ang pangangailangan sa lugar na may mainit na
20. Panuto: Isulat ang GUSTO ko/kong/ng o
KAILANGAN ko/kong/ng. Sagutan ito sa isang
kapat ¼ na papel.
1. ______________pumunta sa party.
2. ______________ kumain ng prutas at gulay
upang manatiling malakas ang katawan.
3. ______________ magbubukas ng savings
account sa isang matatag na bangko.
4. ______________ lumipat sa may magandang
bahay na may aircon.
5. ______________ uminum ng tubig matapos
kumain.
6. ______________ mamahaling relo.
7. ______________ telebisyon
8. ______________ kumain ng pizza.
9. ______________ maglaro ng video game.
10. _____________ magsuot ng maayos na damit.