1. PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY HESUS
BILANG HARI NG TAHANAN
PANGINOONG HESUS Minsan ay sinabi mo na “saan-man may
nagkakatipon-tipon sa Iyong pangalan, Ikaw ay naroon sa
kanilang gitna” Kaya’t naniniwala po kami at nananalig na
Ikaw ay naririto ngayon… bagaman at di ka naming nakikita ay
nararamdaman ka naman ng tibay ng aming
pananampalataya.
Maligayang pagdating sa aming tahanan, Panginoong Hesus!
Ikaw po ang aming pinakadakilang panauhing pandangal at
hari ng aming tahanan nagpapasalamat kami, Panginoong
Hesus, sa Iyong pagdalaw ngayon din sa laat ng biyayang
ipinagkaloob Mo sa amin.
Hugasan mop o ngayon an gaming budhi, gawin mo kaming
karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo sa aming puso. Basbasan
mo kaming lahat Panginoon… naririrto po sa harap mo ang
aking angkan na nagmamahal at nagpapasakop sa Iyo…
1 Ama Namin…
3 Aba Ginoong Maria…
3 Luwalhati…