SlideShare a Scribd company logo
1 of 15
Download to read offline
1
GRADE VI
MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN
Tingnan mo ang kapaligiran sa iyong lungsod, lalawigan, bayan at hanggang sa
barangay. Ano-ano ang ikinabubuhay ng mga tao roon na may kaugnayan sa sining
pang-industriya? Alam mo ba ang mga lawak, hanapbuhay at mga kabutihang
natatamo sa gawaing ito? Humanda ka at marami kang matututuhan sa modyul na
ito.
ALAMIN MO
2
1. Ano-ano ang ibat ibang materyales sa iyong kapaligiran na maaaring gawing
proyekto? Pagpangkat-pangkatin ang mga materyales na ito sa grupong gusto
mo. (Isulat mo sa kuwaderno).
2. Ano-ano ang mga industriya sa pamayanan na alam mo? Ilista ito sa
kuwaderno at paghambingin sa mga industriyang pag-aaral an mo sa modyul
na ito.
Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba.
Ang sining pang-industriya ay isang bahagi ng asignaturang Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayn (EPP) na may apat na komponent. Ang Home
Economics (H.E.), Retail Trade (R.T), Elementary Agriculture (E.A) at Industrial
Arts (I.A). Sa Industrial Arts matututunan mo ang materyales, wastong
kagamitan, kasangkapan at pamamaraan upang makabuo ng mga
kapakipakinabang na proyekto sa paaralan at tahanan. May dalawa itong lawak,
ang gawaing kamay at pangkahalatang industriya. Ang kaalaman ng mga ito ay
mahalaga para sa iyong panimulang kaalaman at matutukoy ang mga proyektong
maaaring gawin sa bawat lawak. Marami kang magagawa na makadaragdag sa
kita na makakatulong sa iyong pamilya at pamayanan.
PAGBALIK-ARALAN MO
PAG-ARALAN MO
3
Mga gawain sa sining pang-industriya at mga halimbawa ng mga gawain
sa bawat lawak.
A. PANGKAHALATANG INDUSTRIYA
1. Seramika-Sa industriyang ito, ginagamit ang pinong-pinong lupa o
clay (china clay) na binubuo sa molde, pinaiinitan sa pugon o “kiln” sa
kontroladong temperatura. Upang mapakintab ang proyekto ay
itinutubog sa kemikal o “glaze” at muling paiinitan sa “kiln”.
Kahit na ang araling ito ay kasama sa pangkahalatang industriya,
hindi pa ito lubos na naituturo sa elementary. Sa halip, mga teorya
lamang at pottery works kagaya ng mga paso ng halaman, palayok at
iba pang maliliit na proyekto.
Halimbawa:
2. Mga sining panggrapika (graphic arts)
Maraming tao ang nabibiyayaan sa hanapbuhay na ito.
Ang grapika ay nagsimula sa salitang “Grapo” na ang kahulugan
ay “letra” kaya ang mga gawain dito ay nauukol sa makasining na
pagleletra.
4
Halimbawa:
3. Elektrisidad- pinag-aaralan dito ang ilang teorya hinggil sa boltahe
(volts) kuryente (current) at resistensiya (resistance) o tinatawag nating
panimulang kuwantidad sa elektrisidad. Matututuhan mo rin ang mga
uri ng sirkito, materyales at kasangkapan, mga simpleng
pagkukumpuni at paggawa ng proyekto. Napakahalaga ng gawaing ito,
sapagkat lahat ng istraktura sa ating kapaligiran ay gumagamit ng
elektrisidad. Madaming hanapbuhay ang naghihintay sa iyo kung
matututuhan mo ang gawaing ito. Pati na ang mga pangkaligtasang
prekusyon na matutuhan mo.
Halimbawa:
a. Extension light
5
b. Mga uri ng sirkito sa wiring board.
4. Gawaing metal (metal craft)
Mapapansin mo na ang pangunahing materyales sa gawaing ito ay
yari sa metal o bakal. Malalaman mo ang mga panimulang
pamamaraan sa gawaing metal at paggawa ng padron ng proyekto
(pattern development) na magiging gabay sa pagbuo ng mga proyekto.
Halimbawa:
5. Gawing kahoy ( wood working)
Sa gawaing ito, matututuhan mo ang mga panimulang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy at mga proyektong maaaring gawin.
Mapapansin mo na ang mga pangunahing materyales sa proyekto ay
yari sa kahoy.
6
Halimbawa:
B. GAWAING KAMAY
1. Gawaing himaymay (Fiber craft)
Sa gawaing ito, ang mga proyekto ay yari sa mga himaymay ng
abaka o yari sa mga himaymay ng mga bahagi ng katawan ng mga
hayop at iba pang kauring materyales. Napakahalaga ng mga
proyektog magagawa sa nasabing materyales na magagamit sa tahanan
at maaaring ipagbili sa pamayanan.
Halimbawa:
2. Paggawa ng laruan (Toy making)
Matutukoy mo ang mga laruang yari sa iba’t ibang, materyales na
matatagpuan sa pamayanan. Dapat mong tukuyin ang mga magagamit
na patapong materyales (recycling) upang maging kapaki-pakinabang.
Isa ito sa mga malaking pinagkakakitaan sa pamayanan.
7
Halimbawa:
Paper mache laruang ibon na yari sa lata
3. Paggawa ng lambat (net making)
Sa tabing dagat at lawa marami kang makikitang lambat. May
gumagawa at may nagre-repair ng lambat (net mending). Subalit hindi
lang panghuli ng isda ang ginagawa dito kundi maraming proyekto na
kung matututunan mo ay madali mo ring maipagbibili. Tingnan ang
iba pang halimbawa.
4. Gawang katad (leather craft)
Maraming balat ng hayop ang naitatapon lamang dahil sa
kakulangan ng kaalaman sa pagpoproseso nito upang magawang
proyekto sa gawaing katad. Sa gawaing ito, malaki rin ang naiambag
nito sa mga hanapbuhay sa pamayanan. Ang ilan dito ay ang mga
sumusunod:
8
5. Gawaing kabibe (sea shell craft)
Galing sa dagat ang pangunahing materyales na ginagamit sa
gawaing ito katulad ng kabibe, capiz at iba pa. Napakahalaga nito
lalo na sa mga mamamayang nakatira sa tabing dagat na
makagagawa ng mga proyektong ang materyales ay nasa kanilang
kapaligiran lamang.
Halimbawa:
6. Basketri
Sa gawaing ito, maglalala o maghahabi ka (weaving) ng kahit na
anong materyales upang makabuo ka ng isang lalagyan o sisidlan.
Maraming gamit sa tahanan na yari sa gawaing ito. Maaaring gamitin
ang kawayan, ugat ng halaman, baging (vines), dahon, at maaring
9
manipis na metal para magamit sa pagbuo ng proyektong
mapakikinabangan at mapagkakakitaan.
Halimbawa:
7. Gawaing Plastik
Mapapansin mo na ang pangunahing gamit sa mga bahay ngayon
ay yari sa plastik. Maraming patapong plastik at “cellophane” ang
maaring gamiting kapakipakinabang na proyekto sa tahanan at maaring
ipagbili sa pamayanan. Malaking tulong ito sa mga mamamayang
walang pinagkakakitaan at makatutulong din ito sa “zero waste
management” ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “recycling”.
Halimbawa:
8. Gawaing Yantok (Rattan craft)
Ang mga pangunahing materyales sa mga proyekto ay yantok o
rattan. Ang mga “wicker” na rattan ang orihinal na ginagamit sa basket
o tray. Isa ito sa mga napakalaking pinagkakakitaan ng “Handicraft
industries” sa ating bansa.
10
Halimbawa:
Arnis “cane” “tray” rattan chair
9. Gawaing bao (coco-shell-craft)
Ang pangunahing materyales sa mga proyekto ay yari sa bao.
Ang bao ay ginagawa ring uling na ginagamit sa pag-iihaw ng isda at
karne. Marami rin sa mga gamit sa tahanan ay yari sa bao.
Halimbawa:
Panabo ng tubig (water dipper)
Napkin holder
11
Kawot (cooking dipper)
10. Gawaing kawayan (bamboo craft)
Sa gawaing kawayan napakaraming proyekto ang magagawa mo.
Maraming proyekto sa basketry at iba pang gamit sa bahay ang yari sa
materyales na ito. Gayon din, sa mga pangdekorasyon sa tahanan at
iba pang gusaling pangkalakalan ay yari din sa kawayan.
Halimbawa:
Bamboo wall vase alkansiyang kawayan
Sawali
12
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot sa mga tanong.
1. Ibigay ang dalawang lawak ng sining pang-industriya.
a.___________________
b.___________________
2. Ano-ano ang mga gawain sa pangkalahatang industriya?
a.__________________
b.__________________
c.__________________
d.__________________
e.__________________
3. Ano-ano ang mga gawain sa gawaing kamay?
a. _________________
b. _________________
c. _________________
d. _________________
e. _________________
f. _________________
g. _________________
h. _________________
i. _________________
j. _________________
SUBUKIN MO
13
May dalawang lawak ang sining pang-industriya na ang bawat lawak ay may
nasasaklaw na mga gawain na nakabubuti at nakakatulong sa mga mamamayan ng
bansa.
Si Jose ay batang mag-aaral sa ika-6 na baitang. Bukod sa itinuturo ng kanyang
guro sa mga gawain sa sining pang-industriya, pilit pa niyang inaalam ang iba pang
gawain sa iba’t ibang lugar upang madagdagan ang kanyang kaalaman at kasanayan.
Anong katangian mayroon si Jose? Makabubuti ba sa kanya ang kanyang
ginagawa? Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang gagawin mo? Bakit?
Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno.
A. Punan ang puwang ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno.
1. Gumagawa si Jose ng nilala o hinabing dahon upang makabuo ng isang
lalagyan o sisidlan. Saang industriya o lawak nabibilang ang kanyang
ginawa? _______________
2. _________________ ang gawaing tinatalakay ang boltahe, resitensiya at
kuryente.
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
GAWIN MO
14
3. Nagpatatak o nagpaletra si Adel ng T-shirt, saang industriya ito?
____________________
4. Kumikita si Andres ng malaki sa pagtatabas at pagbebenta ng rattan na
ginagamit sa palakasang “arnis.” Saang gawain kasama ito?
____________________
5. Ang gawaing __________________ ay pagsasagawa ng mga proyekto na
yari sa balat ng hayop.
B. Kailangang natutukoy mo ang mga gawain sa pamayanan na nakatutulong sa iyo
at sa mga mamamayan.
Lagyan ng tsek (√ ) ang mga nakakatulong na gawain at ekis (x) naman kung
hindi. Sipiin sa kuwaderno at dito gawin.
1. Paggawa ng mga proyekto sa gawaing kamay_______
2. Pagsusunog ng mga natirang materyales upang maging malinis ang
pinaggawaan_________
3. Mga industriya na pinapayagan ng pamahalaan________
4. Kahit na anong industriya na makakatawid ng gutom sa mga
mamamayan___________
5. Industriyang hindi masyadong nagdudulot ng polusyon sa
kapaligiran____________
1. Pag-ugnayin ang mga industriya sa Hanay A sa mga gawain sa Hanay B. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.
________1. Seramika a. bench hook, bangko
________2. Gawing bao b. dust pan na yari sa galon ng langis
________3. Gawaing yantok (motor oil)
________4. Gawaing plastik c. dust wiper, shoe brush
________5. Gawaing kahoy d. paggawa ng streamer o karatula
________6. Gawaing katad e. paglalala, paghahabi ng sisidlan
PAGTATAYA
15
________7. Gawaing metal f. paggawa ng extension cord/
________8. Gawaing himaymay pagpapalit ng fuse
________9. Gawaing Kabibe g. water dipper/cooking dipper
_______10. Sining panggrapika h. lamp shade na yari sa capiz
_______11. Paggawa ng laruan i. tool box na yari sa yero
_______12. Paggawa ng lambat k. alkansya, sawali
_______13. Gawaing kawayan l. arnis
_______14. Basketri m. laruang ibon na yari sa lata ng gatas
_______15. Elektrisidad n. plato, tasa, inodoro
2. Sa mga nabasa at napag-aralan mo sa modyul na ito. Magbigay ng mga kabutihan
at naitutulong ng gawaing industriya sa pamayanan at sa bansa.
Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging
pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-
aralan ang susunod na modyul.

More Related Content

Similar to 23.Mga Gawain at Kapakinabangan(1).pdf

ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffff
ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffffARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffff
ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffffjonathan899997
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Rain Ikemada Sahagun-Tadeo
 
EsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxEsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxJuliusBayaga
 
E.P.P. V - Pangkalahatang Industriya
E.P.P. V - Pangkalahatang IndustriyaE.P.P. V - Pangkalahatang Industriya
E.P.P. V - Pangkalahatang IndustriyaApple Sanchez
 
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...RoquesaManglicmot1
 
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriya
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriyaEpp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriya
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriyaArnel Bautista
 
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017Rigino Macunay Jr.
 
Esp aralin 6 quarter 4 (1)
Esp aralin 6 quarter 4 (1)Esp aralin 6 quarter 4 (1)
Esp aralin 6 quarter 4 (1)Venus Amisola
 

Similar to 23.Mga Gawain at Kapakinabangan(1).pdf (13)

ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffff
ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffffARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffff
ARTS 5 fffffffffffffffffffffffffffffffff
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
 
EsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxEsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docx
 
Esp 6 q2 pt
Esp 6 q2 ptEsp 6 q2 pt
Esp 6 q2 pt
 
E.P.P. V - Pangkalahatang Industriya
E.P.P. V - Pangkalahatang IndustriyaE.P.P. V - Pangkalahatang Industriya
E.P.P. V - Pangkalahatang Industriya
 
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...
PPT - AP4 Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ...
 
A 2 kakapusan
A 2 kakapusanA 2 kakapusan
A 2 kakapusan
 
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriya
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriyaEpp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriya
Epp 6 industrial arts 3rd quarter- mga gawaing pang-industriya
 
Lesson Plan for demo
Lesson Plan for demoLesson Plan for demo
Lesson Plan for demo
 
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017
EPP 6 K-12 Teacher's Guide (q1) 2017
 
Esp 4 yiii a9
Esp 4 yiii a9Esp 4 yiii a9
Esp 4 yiii a9
 
DLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docxDLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docx
 
Esp aralin 6 quarter 4 (1)
Esp aralin 6 quarter 4 (1)Esp aralin 6 quarter 4 (1)
Esp aralin 6 quarter 4 (1)
 

23.Mga Gawain at Kapakinabangan(1).pdf

  • 1. 1 GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN Tingnan mo ang kapaligiran sa iyong lungsod, lalawigan, bayan at hanggang sa barangay. Ano-ano ang ikinabubuhay ng mga tao roon na may kaugnayan sa sining pang-industriya? Alam mo ba ang mga lawak, hanapbuhay at mga kabutihang natatamo sa gawaing ito? Humanda ka at marami kang matututuhan sa modyul na ito. ALAMIN MO
  • 2. 2 1. Ano-ano ang ibat ibang materyales sa iyong kapaligiran na maaaring gawing proyekto? Pagpangkat-pangkatin ang mga materyales na ito sa grupong gusto mo. (Isulat mo sa kuwaderno). 2. Ano-ano ang mga industriya sa pamayanan na alam mo? Ilista ito sa kuwaderno at paghambingin sa mga industriyang pag-aaral an mo sa modyul na ito. Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayn (EPP) na may apat na komponent. Ang Home Economics (H.E.), Retail Trade (R.T), Elementary Agriculture (E.A) at Industrial Arts (I.A). Sa Industrial Arts matututunan mo ang materyales, wastong kagamitan, kasangkapan at pamamaraan upang makabuo ng mga kapakipakinabang na proyekto sa paaralan at tahanan. May dalawa itong lawak, ang gawaing kamay at pangkahalatang industriya. Ang kaalaman ng mga ito ay mahalaga para sa iyong panimulang kaalaman at matutukoy ang mga proyektong maaaring gawin sa bawat lawak. Marami kang magagawa na makadaragdag sa kita na makakatulong sa iyong pamilya at pamayanan. PAGBALIK-ARALAN MO PAG-ARALAN MO
  • 3. 3 Mga gawain sa sining pang-industriya at mga halimbawa ng mga gawain sa bawat lawak. A. PANGKAHALATANG INDUSTRIYA 1. Seramika-Sa industriyang ito, ginagamit ang pinong-pinong lupa o clay (china clay) na binubuo sa molde, pinaiinitan sa pugon o “kiln” sa kontroladong temperatura. Upang mapakintab ang proyekto ay itinutubog sa kemikal o “glaze” at muling paiinitan sa “kiln”. Kahit na ang araling ito ay kasama sa pangkahalatang industriya, hindi pa ito lubos na naituturo sa elementary. Sa halip, mga teorya lamang at pottery works kagaya ng mga paso ng halaman, palayok at iba pang maliliit na proyekto. Halimbawa: 2. Mga sining panggrapika (graphic arts) Maraming tao ang nabibiyayaan sa hanapbuhay na ito. Ang grapika ay nagsimula sa salitang “Grapo” na ang kahulugan ay “letra” kaya ang mga gawain dito ay nauukol sa makasining na pagleletra.
  • 4. 4 Halimbawa: 3. Elektrisidad- pinag-aaralan dito ang ilang teorya hinggil sa boltahe (volts) kuryente (current) at resistensiya (resistance) o tinatawag nating panimulang kuwantidad sa elektrisidad. Matututuhan mo rin ang mga uri ng sirkito, materyales at kasangkapan, mga simpleng pagkukumpuni at paggawa ng proyekto. Napakahalaga ng gawaing ito, sapagkat lahat ng istraktura sa ating kapaligiran ay gumagamit ng elektrisidad. Madaming hanapbuhay ang naghihintay sa iyo kung matututuhan mo ang gawaing ito. Pati na ang mga pangkaligtasang prekusyon na matutuhan mo. Halimbawa: a. Extension light
  • 5. 5 b. Mga uri ng sirkito sa wiring board. 4. Gawaing metal (metal craft) Mapapansin mo na ang pangunahing materyales sa gawaing ito ay yari sa metal o bakal. Malalaman mo ang mga panimulang pamamaraan sa gawaing metal at paggawa ng padron ng proyekto (pattern development) na magiging gabay sa pagbuo ng mga proyekto. Halimbawa: 5. Gawing kahoy ( wood working) Sa gawaing ito, matututuhan mo ang mga panimulang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy at mga proyektong maaaring gawin. Mapapansin mo na ang mga pangunahing materyales sa proyekto ay yari sa kahoy.
  • 6. 6 Halimbawa: B. GAWAING KAMAY 1. Gawaing himaymay (Fiber craft) Sa gawaing ito, ang mga proyekto ay yari sa mga himaymay ng abaka o yari sa mga himaymay ng mga bahagi ng katawan ng mga hayop at iba pang kauring materyales. Napakahalaga ng mga proyektog magagawa sa nasabing materyales na magagamit sa tahanan at maaaring ipagbili sa pamayanan. Halimbawa: 2. Paggawa ng laruan (Toy making) Matutukoy mo ang mga laruang yari sa iba’t ibang, materyales na matatagpuan sa pamayanan. Dapat mong tukuyin ang mga magagamit na patapong materyales (recycling) upang maging kapaki-pakinabang. Isa ito sa mga malaking pinagkakakitaan sa pamayanan.
  • 7. 7 Halimbawa: Paper mache laruang ibon na yari sa lata 3. Paggawa ng lambat (net making) Sa tabing dagat at lawa marami kang makikitang lambat. May gumagawa at may nagre-repair ng lambat (net mending). Subalit hindi lang panghuli ng isda ang ginagawa dito kundi maraming proyekto na kung matututunan mo ay madali mo ring maipagbibili. Tingnan ang iba pang halimbawa. 4. Gawang katad (leather craft) Maraming balat ng hayop ang naitatapon lamang dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pagpoproseso nito upang magawang proyekto sa gawaing katad. Sa gawaing ito, malaki rin ang naiambag nito sa mga hanapbuhay sa pamayanan. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
  • 8. 8 5. Gawaing kabibe (sea shell craft) Galing sa dagat ang pangunahing materyales na ginagamit sa gawaing ito katulad ng kabibe, capiz at iba pa. Napakahalaga nito lalo na sa mga mamamayang nakatira sa tabing dagat na makagagawa ng mga proyektong ang materyales ay nasa kanilang kapaligiran lamang. Halimbawa: 6. Basketri Sa gawaing ito, maglalala o maghahabi ka (weaving) ng kahit na anong materyales upang makabuo ka ng isang lalagyan o sisidlan. Maraming gamit sa tahanan na yari sa gawaing ito. Maaaring gamitin ang kawayan, ugat ng halaman, baging (vines), dahon, at maaring
  • 9. 9 manipis na metal para magamit sa pagbuo ng proyektong mapakikinabangan at mapagkakakitaan. Halimbawa: 7. Gawaing Plastik Mapapansin mo na ang pangunahing gamit sa mga bahay ngayon ay yari sa plastik. Maraming patapong plastik at “cellophane” ang maaring gamiting kapakipakinabang na proyekto sa tahanan at maaring ipagbili sa pamayanan. Malaking tulong ito sa mga mamamayang walang pinagkakakitaan at makatutulong din ito sa “zero waste management” ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “recycling”. Halimbawa: 8. Gawaing Yantok (Rattan craft) Ang mga pangunahing materyales sa mga proyekto ay yantok o rattan. Ang mga “wicker” na rattan ang orihinal na ginagamit sa basket o tray. Isa ito sa mga napakalaking pinagkakakitaan ng “Handicraft industries” sa ating bansa.
  • 10. 10 Halimbawa: Arnis “cane” “tray” rattan chair 9. Gawaing bao (coco-shell-craft) Ang pangunahing materyales sa mga proyekto ay yari sa bao. Ang bao ay ginagawa ring uling na ginagamit sa pag-iihaw ng isda at karne. Marami rin sa mga gamit sa tahanan ay yari sa bao. Halimbawa: Panabo ng tubig (water dipper) Napkin holder
  • 11. 11 Kawot (cooking dipper) 10. Gawaing kawayan (bamboo craft) Sa gawaing kawayan napakaraming proyekto ang magagawa mo. Maraming proyekto sa basketry at iba pang gamit sa bahay ang yari sa materyales na ito. Gayon din, sa mga pangdekorasyon sa tahanan at iba pang gusaling pangkalakalan ay yari din sa kawayan. Halimbawa: Bamboo wall vase alkansiyang kawayan Sawali
  • 12. 12 Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot sa mga tanong. 1. Ibigay ang dalawang lawak ng sining pang-industriya. a.___________________ b.___________________ 2. Ano-ano ang mga gawain sa pangkalahatang industriya? a.__________________ b.__________________ c.__________________ d.__________________ e.__________________ 3. Ano-ano ang mga gawain sa gawaing kamay? a. _________________ b. _________________ c. _________________ d. _________________ e. _________________ f. _________________ g. _________________ h. _________________ i. _________________ j. _________________ SUBUKIN MO
  • 13. 13 May dalawang lawak ang sining pang-industriya na ang bawat lawak ay may nasasaklaw na mga gawain na nakabubuti at nakakatulong sa mga mamamayan ng bansa. Si Jose ay batang mag-aaral sa ika-6 na baitang. Bukod sa itinuturo ng kanyang guro sa mga gawain sa sining pang-industriya, pilit pa niyang inaalam ang iba pang gawain sa iba’t ibang lugar upang madagdagan ang kanyang kaalaman at kasanayan. Anong katangian mayroon si Jose? Makabubuti ba sa kanya ang kanyang ginagawa? Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang gagawin mo? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno. A. Punan ang puwang ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno. 1. Gumagawa si Jose ng nilala o hinabing dahon upang makabuo ng isang lalagyan o sisidlan. Saang industriya o lawak nabibilang ang kanyang ginawa? _______________ 2. _________________ ang gawaing tinatalakay ang boltahe, resitensiya at kuryente. TANDAAN MO ISAPUSO MO GAWIN MO
  • 14. 14 3. Nagpatatak o nagpaletra si Adel ng T-shirt, saang industriya ito? ____________________ 4. Kumikita si Andres ng malaki sa pagtatabas at pagbebenta ng rattan na ginagamit sa palakasang “arnis.” Saang gawain kasama ito? ____________________ 5. Ang gawaing __________________ ay pagsasagawa ng mga proyekto na yari sa balat ng hayop. B. Kailangang natutukoy mo ang mga gawain sa pamayanan na nakatutulong sa iyo at sa mga mamamayan. Lagyan ng tsek (√ ) ang mga nakakatulong na gawain at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin sa kuwaderno at dito gawin. 1. Paggawa ng mga proyekto sa gawaing kamay_______ 2. Pagsusunog ng mga natirang materyales upang maging malinis ang pinaggawaan_________ 3. Mga industriya na pinapayagan ng pamahalaan________ 4. Kahit na anong industriya na makakatawid ng gutom sa mga mamamayan___________ 5. Industriyang hindi masyadong nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran____________ 1. Pag-ugnayin ang mga industriya sa Hanay A sa mga gawain sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan. ________1. Seramika a. bench hook, bangko ________2. Gawing bao b. dust pan na yari sa galon ng langis ________3. Gawaing yantok (motor oil) ________4. Gawaing plastik c. dust wiper, shoe brush ________5. Gawaing kahoy d. paggawa ng streamer o karatula ________6. Gawaing katad e. paglalala, paghahabi ng sisidlan PAGTATAYA
  • 15. 15 ________7. Gawaing metal f. paggawa ng extension cord/ ________8. Gawaing himaymay pagpapalit ng fuse ________9. Gawaing Kabibe g. water dipper/cooking dipper _______10. Sining panggrapika h. lamp shade na yari sa capiz _______11. Paggawa ng laruan i. tool box na yari sa yero _______12. Paggawa ng lambat k. alkansya, sawali _______13. Gawaing kawayan l. arnis _______14. Basketri m. laruang ibon na yari sa lata ng gatas _______15. Elektrisidad n. plato, tasa, inodoro 2. Sa mga nabasa at napag-aralan mo sa modyul na ito. Magbigay ng mga kabutihan at naitutulong ng gawaing industriya sa pamayanan at sa bansa. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul.