2. Sa bawat pagdaloy ng aking mga luha, sa
bawat araw na pagpatak nito sa aking mga
mata, at sa bawat salita na lumalabas sa
bibig, bawat naririnig at nakikita. Isa-isang
tumitino sa aking buong diwa, na mga
salitang nagpapababa sa aking kumpiyansa!
-MDV-
3. “Ma……kailangan ko ng pambayad sa
pagpapapatahi ng PT uniform ko, 1000 daw
ang downpaymnent para sa tela tapos iyung
bayad ng tahi ay 750, iyan ang dayalogo ko
kay mama kaninang umaga, buti naman at
binigyan ako ng pera, pero siyempre bago
niya iniabot sa akin, mahabang seremonya
muna ang pinagdaanan ko.
4. Ngayon, hindi ko lubos maisip na ang
trailer ng aking pelikula ay malapit nang
matapos, malapit ko nang mapanood ang
bunga ng aking pinaghirapan, malapit ko ng
marinig ang hagulhol ng aking ina( tears of
happiness kumbaga)
–ALPD-
5. “Pulubi!....Mahina!.....Mahirap!.... “Palagi
ko nalang naririnig. Palagi na lang ba? Paulit-
ulit….Nakakasaw….Nakakabingi! Ano,,,ano
masaya na ba kayo? Bakit niyo ako
pinagtatawanan? Bakit niyo ako hinihila
pababa? Diyos ba kayo para gawin niyo iyan?
Pero bago niyo ako husgahan pakingga niyo
muna ang sasabihin ako.
–DDA-
6. (Sinong mag-aakala na ang isang anak na
isang mahirap na pamilya, ay makakaakyat sa
entablado para kunin ang kanyang diplomang
pansekundarya.)
Nati!!! Totoo ba na mag-aaral daw sa
kolehiyo si pepe? (Tanong ng kanilang
kapitbahay)…. Aba! Nangarap pa ang bata!
Paano makakapag-aral yan sa kolehiyo, eh
dukha lang naman silang kagaya natin.
(Tawanan ang magkumare)
–ZRF-
7. Subalit sa kalagitnaan ng aking pagtahak at
paglalakbay, naisipan ko na rin sumuko at
bumigay. Sa dami nga naman ng
pinagkakaabalahan;
demonstrasyon,pagsusulit pagsasagawa’t
pagbigkas ng sabayan – sino nga ba naman
ang di mapapagod ang utak at katawan.
-LAE
8. Pangarap! Pangarap! Pangarap! Nagsisimula
na ang pag-eensayo ng aming pagtatapos.
Nakapila sa mainit na dulo ng gymnasium at
animo’y rarampang sikat na aktor!
-MPM-
9. Ano mang dumating at darating, masama o
mabuti mang problema/balita mag-aapoy ang
mumuntng pangarap na kahit katas man ng
bituin aking aabutin!
-RTT-
10. Batay sa resulta ng pagsulat ng deklamasyon sila
ang mga nakanaw ng pansin sa sinuri at binasa ni: G.
nujnujramski