SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Abaygar, Harry Van N.BSED Math 1A CAS101
“How Social Media Can Make History”
Di ko makakailang kompleto ang aking smartphone ng mga social media app gaya ng Facebook,
Youtube, Twitter, Instagram at iba pang apps na pinanggagamitan ko upang makausap ko ang aking mga
kaibigan maging aking pamilya. Sa aspekto kung saan ang social media ay nagagamit upang makausap agad-
agad ang kahit sino man ay masasabi ko nang Nakagawa na ng marka ang social media sa kasaysayan ng mundo.
Dahil kung ikukumpara mo sa kung ano ang meron dati ay masasabi kong sobrang laki ng pinagbago ng media.
Hindi ko man ito lubusang naranasan pero angkwento ng aking mga magulang ay uso dati ang paggawa
ng liham. Liham kung saan magsusulat ka ng iyong saloobin sa papel at ilalagay mo ito sa isang sobre. Madalas
daw itong ginagamit upang makausap ang isang tao na malayo sa piling o kadalasan pa ay ang minamahal mong
turing. Oo’t kailangan mong maghintay ng ilang araw bago mabasa ang ipinadalang sulat at makatugon. Kakain
din ito ng oras sa paraang isususlat mo pa ang iyong gustong iparating. Ngunit ang maganda naman daw dito
ay masromantiko ito kumpara sa text messages na natatanggap natin ngayon. Pero kung ikukumpara ngayon,
halos sa isang kislap mata ay darating na agad ang mensaheng gusto mong iparating sa pamamagitan ng text
o ano mang social media application; maliban na lang kapag mahina ang internet. Pwede mo pang iparinig ang
maganda mong boses sa pamamagitan ng pagtawag. Iilan lang ito sa maraming bagay na pwede mong gawin
sa kasalukuyang social media. Kung dati ay hirap pa ang ating mga magulang o mga lolo’t lola na magligawan
ngayon ay isang click lang ay oo na agad.
Pagdating naman sa balita ay sa mga diyaryo lamang ito nababasa dati. Madalas ko pang makita noon
ang mga nakakaaliw na crossword puzzles na nakaimprinta sa diyaryo. Makakakita din ang mga nakakatawang
joke dito at kailangan pang ilipat sa kabilang pahina kapag natapos mo na ang unang pahina. Ngayon naman
ay isang click na lang sa cellphone ay bubungad na agad ang mga balita ng ibat-ibang awtor. Makakakita ka na
rin ng mga laro sa social media app sa pag-scroll mo nito. Hindi na mga sinaunang jokes ang makikita sa loob
nito kundi ang makabagong joke na nauuso ngayong tinatawag na memes. Limitado lamang dati ang nakalagay
sa dyaryo na mga balita pero ngayon sa Facebook, Instagram, Twitter, Reddit at iba pang social media app ay
walang katapusang balita ang makikita sa mga ito.
Ganun paman maganda man ang naidudulot ng social media at napapadali nito ang pagahad ng
impormasyon sa nakakarami, mabilis din ang paglaganap ng fake news sa mga platapormang ito. Mga
mapanlokong mga teksto, balita at panghihikayat. Dito nagsisimula ang mga tinatawag nilang online scams,
fraud at iba pa. Di talaga natin maiiwasan na sa mga bagay na maganda ang dulot ay may mga taong aabusuhin
ito at gagamitin ito sa pansariling motibo.
Ang pinakapunto ng lahat ng ito ay matagal nang nag-iwan ng marka ang social media sadyang ang
paunlad nito ay patuloy pa rin hanggang ngayon. Patuloy ang pag-unlad ng mundo at patuloy din sa pagbago
at pag-unlad din ang social media.
Abaygar, Harry Van N.BSED Math 1A CAS101
“Connected But Alone”
Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Sherry Turkle na ibang iba ang pakikipag-usap online kesa sa aktwal.
Nakadipende ito sa kung gaano kadalas natin ito nagagamit. Yung pakiramdam na akala mo sobrang kilala mo
na yung tao dahil araw-araw kayong nag-uusap online pero pagnagkita kayo sa personal ay nagkakahiyaan pa.
Madalas nakakaligtaan na natin makipaghalobilo sa tunay na mundo. Totoo na ibang-iba ang pag-uusap online
at pag-uusap ng harap harapan. Dahil online nakikipag-usap ka lang sa pamamagitan ng pages-send ng text-
message o mga salita;walang emosyon ang naibabahagi, kung meron man hindi ito eksakto. Pero kapag
harapharapan kayong nag-uusap nakikita nyo ang isat-isa nalalaman nyo ang reaksyon ng isat-isa at mas malaki
ang tsansang maramdaman mor in ang nararamdaman ng kausap mo kumpara sa hinuhulaan mo ang
nararamdaman ng kabila. Mula sa bidyo na napanood ko ay medyo nagbago ang ilan sa perspektib kopagdating
sa pakikipag-usap online.
Noon pa man ay madalas ko nang ginagawang malaking bagay ang pakikipag-usap online. Gaya na
lamang ng panghuhusga ko sa isang tao kung gaano sya ka interesado sa akin ay naka base sa kung gaano sya
kadalas magpadala na mensahe sa akin online. Dahil dito parang kinokonekta ko ito sa aktwal na buhay ko.
Kunwari di nya ako tinugon online at tinignan nya lang ang mensahe ko ay maiinis na agad ako at di na sya
papansinin sa personal. Pero ang katotohanan pala pagkakita nya sa mensahe ko ay di nya namalayan nakaidlip
na pala sya. Pero hindi land dahil sa bidyong ito kaya binago ko ang perspektib ko pagdating sa bagay na ito.
Mga nakaraang buwan may nangyaring di ko inaasahan na magpapabago ng buhay ko. May mga tao pala na
hindi madaldal online o di naman, minsan lang mag online. Kaya hindi ko na inuugnay ang mensahe online sa
relasyon ko sa isang tao sa personal.
Iniiwasan ko na ring gumamit ng cellphone ng madalas. Ginagamit ko na lang ito kapag may kailangang
sagutin, tignan o basahin. Di ko na ginagawa yung tumingin sa social media ng matagalan na pumapatay ng
oras ko. Kapag may oras ay masginagawa kong prodoktibo ang aking sarili sa pamamagitan ng paggawa ng
mga bagay na makakatulong sa akin. Masbinibigyang importansya ko na rin ang pakikipag-usap sa personal,
ipinagwawalang bahala ko na ang mga mensahe o pambobola online.
Ang konklusyon ko ay dapat hindi natin binababad ang sarili sa paggamit ng ating gadgets. Kung gusto
nating matuto na makipaghalobilo sa iba ay aktwal na makipaghalobilo sa iba. Hindi yung magkukunwari na lang
tayo panghabangbuhay na may ginagawa sa cellphone pero yung totoo ay ayaw lang natin makipaghalobilo.
Kapag nagsama kayong magkakaibigan ay isantabi nyo muna lahat ng gamit nyo para masepektibo ang
pagsasama nyo at makapag-usap ng masinsinan.

More Related Content

Similar to cas101.docx

Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng PamilyaEdukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
MadeeAzucena1
 
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
DesireTSamillano
 

Similar to cas101.docx (20)

Wazzup mga people
Wazzup mga peopleWazzup mga people
Wazzup mga people
 
day 3 ict.pptx
day 3 ict.pptxday 3 ict.pptx
day 3 ict.pptx
 
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyonEsp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Aralin 6 internet
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Aralin 6 internetEdukasyon sa Pagpapakatao 4 Aralin 6 internet
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Aralin 6 internet
 
Niko
NikoNiko
Niko
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
Q1-DAY1-ESP.pptx
Q1-DAY1-ESP.pptxQ1-DAY1-ESP.pptx
Q1-DAY1-ESP.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng PamilyaEdukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Komunikasyon ng Pamilya
 
ESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptxESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptx
 
Grade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 lasGrade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 las
 
Aralin 3 ESP Grade 8.pptx
Aralin 3 ESP Grade 8.pptxAralin 3 ESP Grade 8.pptx
Aralin 3 ESP Grade 8.pptx
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
 
Opinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptxOpinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptx
 
For presentation sample of Power point interactive
For presentation sample of Power point interactiveFor presentation sample of Power point interactive
For presentation sample of Power point interactive
 
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
gamit ng wika sa social media KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA...
 
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismoModyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
 
modyul5-140823102503-phpapp01.pdf
modyul5-140823102503-phpapp01.pdfmodyul5-140823102503-phpapp01.pdf
modyul5-140823102503-phpapp01.pdf
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

More from HarryAbaygar1

More from HarryAbaygar1 (10)

CW-101-LEC-2_0236 anshshshhshahshshshebsbsbsbssnjssj
CW-101-LEC-2_0236 anshshshhshahshshshebsbsbsbssnjssjCW-101-LEC-2_0236 anshshshhshahshshshebsbsbsbssnjssj
CW-101-LEC-2_0236 anshshshhshahshshshebsbsbsbssnjssj
 
GROUP 3- STS .pdf
GROUP 3- STS .pdfGROUP 3- STS .pdf
GROUP 3- STS .pdf
 
science-technology-and-nation-building_compress.pdf
science-technology-and-nation-building_compress.pdfscience-technology-and-nation-building_compress.pdf
science-technology-and-nation-building_compress.pdf
 
Lesson-1-Literature (1).pptx
Lesson-1-Literature (1).pptxLesson-1-Literature (1).pptx
Lesson-1-Literature (1).pptx
 
Lesson-1-Literature.pptx
Lesson-1-Literature.pptxLesson-1-Literature.pptx
Lesson-1-Literature.pptx
 
christian philosophy(1).pptx
christian philosophy(1).pptxchristian philosophy(1).pptx
christian philosophy(1).pptx
 
Module-4-KKK-and-the-Kartilya-ng-Katipunan.pptx
Module-4-KKK-and-the-Kartilya-ng-Katipunan.pptxModule-4-KKK-and-the-Kartilya-ng-Katipunan.pptx
Module-4-KKK-and-the-Kartilya-ng-Katipunan.pptx
 
Title Lorem Ipsum.pptx
Title Lorem Ipsum.pptxTitle Lorem Ipsum.pptx
Title Lorem Ipsum.pptx
 
PRESENTATION TITLE.pptx
PRESENTATION TITLE.pptxPRESENTATION TITLE.pptx
PRESENTATION TITLE.pptx
 
CLASS-SCHEDULE-1ST-SEM-2023-2024.pdf
CLASS-SCHEDULE-1ST-SEM-2023-2024.pdfCLASS-SCHEDULE-1ST-SEM-2023-2024.pdf
CLASS-SCHEDULE-1ST-SEM-2023-2024.pdf
 

cas101.docx

  • 1. Abaygar, Harry Van N.BSED Math 1A CAS101 “How Social Media Can Make History” Di ko makakailang kompleto ang aking smartphone ng mga social media app gaya ng Facebook, Youtube, Twitter, Instagram at iba pang apps na pinanggagamitan ko upang makausap ko ang aking mga kaibigan maging aking pamilya. Sa aspekto kung saan ang social media ay nagagamit upang makausap agad- agad ang kahit sino man ay masasabi ko nang Nakagawa na ng marka ang social media sa kasaysayan ng mundo. Dahil kung ikukumpara mo sa kung ano ang meron dati ay masasabi kong sobrang laki ng pinagbago ng media. Hindi ko man ito lubusang naranasan pero angkwento ng aking mga magulang ay uso dati ang paggawa ng liham. Liham kung saan magsusulat ka ng iyong saloobin sa papel at ilalagay mo ito sa isang sobre. Madalas daw itong ginagamit upang makausap ang isang tao na malayo sa piling o kadalasan pa ay ang minamahal mong turing. Oo’t kailangan mong maghintay ng ilang araw bago mabasa ang ipinadalang sulat at makatugon. Kakain din ito ng oras sa paraang isususlat mo pa ang iyong gustong iparating. Ngunit ang maganda naman daw dito ay masromantiko ito kumpara sa text messages na natatanggap natin ngayon. Pero kung ikukumpara ngayon, halos sa isang kislap mata ay darating na agad ang mensaheng gusto mong iparating sa pamamagitan ng text o ano mang social media application; maliban na lang kapag mahina ang internet. Pwede mo pang iparinig ang maganda mong boses sa pamamagitan ng pagtawag. Iilan lang ito sa maraming bagay na pwede mong gawin sa kasalukuyang social media. Kung dati ay hirap pa ang ating mga magulang o mga lolo’t lola na magligawan ngayon ay isang click lang ay oo na agad. Pagdating naman sa balita ay sa mga diyaryo lamang ito nababasa dati. Madalas ko pang makita noon ang mga nakakaaliw na crossword puzzles na nakaimprinta sa diyaryo. Makakakita din ang mga nakakatawang joke dito at kailangan pang ilipat sa kabilang pahina kapag natapos mo na ang unang pahina. Ngayon naman ay isang click na lang sa cellphone ay bubungad na agad ang mga balita ng ibat-ibang awtor. Makakakita ka na rin ng mga laro sa social media app sa pag-scroll mo nito. Hindi na mga sinaunang jokes ang makikita sa loob nito kundi ang makabagong joke na nauuso ngayong tinatawag na memes. Limitado lamang dati ang nakalagay sa dyaryo na mga balita pero ngayon sa Facebook, Instagram, Twitter, Reddit at iba pang social media app ay walang katapusang balita ang makikita sa mga ito. Ganun paman maganda man ang naidudulot ng social media at napapadali nito ang pagahad ng impormasyon sa nakakarami, mabilis din ang paglaganap ng fake news sa mga platapormang ito. Mga mapanlokong mga teksto, balita at panghihikayat. Dito nagsisimula ang mga tinatawag nilang online scams, fraud at iba pa. Di talaga natin maiiwasan na sa mga bagay na maganda ang dulot ay may mga taong aabusuhin ito at gagamitin ito sa pansariling motibo. Ang pinakapunto ng lahat ng ito ay matagal nang nag-iwan ng marka ang social media sadyang ang paunlad nito ay patuloy pa rin hanggang ngayon. Patuloy ang pag-unlad ng mundo at patuloy din sa pagbago at pag-unlad din ang social media.
  • 2. Abaygar, Harry Van N.BSED Math 1A CAS101 “Connected But Alone” Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Sherry Turkle na ibang iba ang pakikipag-usap online kesa sa aktwal. Nakadipende ito sa kung gaano kadalas natin ito nagagamit. Yung pakiramdam na akala mo sobrang kilala mo na yung tao dahil araw-araw kayong nag-uusap online pero pagnagkita kayo sa personal ay nagkakahiyaan pa. Madalas nakakaligtaan na natin makipaghalobilo sa tunay na mundo. Totoo na ibang-iba ang pag-uusap online at pag-uusap ng harap harapan. Dahil online nakikipag-usap ka lang sa pamamagitan ng pages-send ng text- message o mga salita;walang emosyon ang naibabahagi, kung meron man hindi ito eksakto. Pero kapag harapharapan kayong nag-uusap nakikita nyo ang isat-isa nalalaman nyo ang reaksyon ng isat-isa at mas malaki ang tsansang maramdaman mor in ang nararamdaman ng kausap mo kumpara sa hinuhulaan mo ang nararamdaman ng kabila. Mula sa bidyo na napanood ko ay medyo nagbago ang ilan sa perspektib kopagdating sa pakikipag-usap online. Noon pa man ay madalas ko nang ginagawang malaking bagay ang pakikipag-usap online. Gaya na lamang ng panghuhusga ko sa isang tao kung gaano sya ka interesado sa akin ay naka base sa kung gaano sya kadalas magpadala na mensahe sa akin online. Dahil dito parang kinokonekta ko ito sa aktwal na buhay ko. Kunwari di nya ako tinugon online at tinignan nya lang ang mensahe ko ay maiinis na agad ako at di na sya papansinin sa personal. Pero ang katotohanan pala pagkakita nya sa mensahe ko ay di nya namalayan nakaidlip na pala sya. Pero hindi land dahil sa bidyong ito kaya binago ko ang perspektib ko pagdating sa bagay na ito. Mga nakaraang buwan may nangyaring di ko inaasahan na magpapabago ng buhay ko. May mga tao pala na hindi madaldal online o di naman, minsan lang mag online. Kaya hindi ko na inuugnay ang mensahe online sa relasyon ko sa isang tao sa personal. Iniiwasan ko na ring gumamit ng cellphone ng madalas. Ginagamit ko na lang ito kapag may kailangang sagutin, tignan o basahin. Di ko na ginagawa yung tumingin sa social media ng matagalan na pumapatay ng oras ko. Kapag may oras ay masginagawa kong prodoktibo ang aking sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na makakatulong sa akin. Masbinibigyang importansya ko na rin ang pakikipag-usap sa personal, ipinagwawalang bahala ko na ang mga mensahe o pambobola online. Ang konklusyon ko ay dapat hindi natin binababad ang sarili sa paggamit ng ating gadgets. Kung gusto nating matuto na makipaghalobilo sa iba ay aktwal na makipaghalobilo sa iba. Hindi yung magkukunwari na lang tayo panghabangbuhay na may ginagawa sa cellphone pero yung totoo ay ayaw lang natin makipaghalobilo. Kapag nagsama kayong magkakaibigan ay isantabi nyo muna lahat ng gamit nyo para masepektibo ang pagsasama nyo at makapag-usap ng masinsinan.