2. Merong isang Professor na gustong
magpahatid sa Bangkero sa kabilang
side ng isla.
Sabi ng Professor:
Mr. Bangkero! Dalhin mo nga ako sa
kabilang side ng isla!
Yes sir! Sagot ng Bangkero.
3. At habang nagsasagwan ang Bangkero
nagtanong ang Professor.
Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa english?
Bangkero:
Naku, Sir hindi po, kasi grade 3 lang po ang
natapos ko.
Professor:
Ah ganun ba? Alam mo ba na 1/4 ng buhay
mo ang mawawala dahil dyan?
4. Napabulong na lang ang Bangkero,
grabe naman to! di lang ako
magaling sa ingles 1/4 na agad
ng buhay ko ang mawawala?
Nagtanong ulit ang Professor…
5. Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa math?
Bangkero:
Naku, Sir hindi rin po, mahina po ako
dyan.
Professor:
Ah ganun ba? So mawawala na ulit ang
1/4 ng buhay mo.
6. Bangkero:
Ilan na yun sir?
Kalahati na ng buhay mo ang
mawawala, sagot ng prof.
Bangkero: Grabe naman! Kalahati na
ng buhay ko ang mawawala?
Nagtanong ulit ang Professor…......
7. Professor:
Mr. Bangkero magaling ka ba sa
science?
Bangkero:
Naku, Sir lalong hindi rin po, mahina
po ako dyan.
Professor:
Ah ganun ba? So 1/4 na ulit ang
mawawala sa buhay mo.
8. Bangkero:
Tatlong 1/4 na ang mawawala sa
buhay ko sir?
Ilan na lang po ang natira sir?
1/4 na lang, sagot ng prof.
Bangkero: Isang tanong na lang
ubos na buhay ko sir?
At habang sumasagwan ang Bangkero
sa kalagitnaan ng isla, ay sobrang
kabado na sya.
9. Baka magtanong ulit si Professor, at baka
ang itanong ulit sa kanya ay subject sa
school, sigurado mauubos na ang buhay
nya.
Kaya ang ginawa nya ay binilisan nya ang
pagsagwan para makarating na agad sa
kabilang side ng isla.
Sa sobrang bilis nya, tumaob ang bangka!
10. At pagkataob na pagkataob ng
bangka, nagsisigaw ang Professor
ng..... TULONG!!!
At ang Bangkero naman ay
lumalangoy palayo.
Ang Bangkero naman ang
nagtanong sa Professor.
12. Bangkero:
Sir! Professor gamitin mo ang
ingles, math, at science para
maligtas ka, kasi ako 1/4 na lang
ang natitira sa buhay ko sabi mo.
Kung hindi, you will lose 100%
of your life! 🙂
13. POINT OF THE STORY
Minsan kailangan nating maging humble, dahil baka
ang kausap mo ay may alam na hindi mo alam.
Ipakita mo na makakatulong ka sa kanya at hindi
magmataas.
May alam siyang gawin na hindi mo alam gawin.
At may alam ka din gawin na hindi niya kayang
gawin.
ALWAYS REMAIN HUMBLE AT ALL TIMES.