2. Tulad ng tinuro ng kaniyang ina, maagang gumising si Czarina
kapag may pasok upang hindi siya mahuli sa klase.
Nasa ika-anim na baitang na siya ng pag-aaral.
Guro naman sa isang mataas na paaralan sa Maynila
ang kaniyang ina.
“Czarina, anak, gising na! Nagawa mo na ba ang
mga assignment mo?” malakas na tinig ngunit may
pag-aalalang tanong ng kaniyang ina habang
ianaayos ang almusal ng anak.
3. Nagawa ko na po, Mommy,” sagot ni Czarina sa tanong ng ina
habang nililigpit ang higaan.
Habang kumakain ng agahan, hawak ni Czarina
ang isang piraso ng bond paper na naglalaman ng
Kopya ng talumpating kaniyang binabasa. Si Czarina
ang napiling kalahok ng kanilang seksiyon sa darating
na paligsahan sa pagtatalumpati para sa ika-anim na
baitang ng kanilang paaralan.
“Hindi mo pa rin ba kabisado ang iyong piyesa?”
nag-aalalang tanong ng ina ni Czarina nang mapuna
nitong binabasa ng anak ang kopya ng talumpati
nito habang kumakain ng agahan.
4. “Kabisado ko na po, Mommy, ngunit payo kasi ng aking guro
si Bb. Reyes na kabisaduhing Mabuti ang piyesa upang
magkaroon ako ng tiwala sa sarili habang binibigkas
ito sa harap ng maraming tao,” paliwanag ni Czarina
sa kaniyang ina.
Nang dumating ang araw ng paligsahan, muling
binigyan ng tagubilin ng kaniyang gurong tagapayo si
Czarina. “Tumingin ka sa mga mata ng mga hurado.
kausapin mo sila sa paraang nanghihikayat na tama
ang sinasabi mo.
5. Wag kang kabahan. Kung may nakalimutan ka , huwag mo ipahalata.
Sabihin mo kaagad ang unang pumasok sa isip mo.
Kaya mo yan!”
Sinunod ni Czarina ang lahat ng paalala ng kaniyang
tagapayo. Dahil ditto, kapuwa humanga kay Czarina
ang mga hurado at mga manonood. Binigyan siya ng
mga ito ng masigabong palakpakan pagkatapos
niyang bigkasin ang kaniyang talumpati.
Nang ipahayag ang mga nagwagi sa paligsahan, si
Czarina ang itinanghal na nagkamit ng unang pwesto.