1. Mel Angelie D. Bariquit Grade 8-Opal
BUGTONG:
1. Gamit ng kabataan,
dungis ang kapalaran.
~ Papel
2. Lumilipad at kumikislap,
sa gabi mo lang mahahanap.
~ Alitaptap
3. Kay liit ni Neneng,
kay galing ng kumendeng.
~ Bibe
4. Kay lapit na sa mata,
di mo parin makita.
~ Kilay
5. Mumunting biyaya sa kaitaasan,
nakababasa rin sa ating bumbunan.
~ Ambon
2. TANAGA:
Kay Gangdang Umaga
Sa pagmulat ng mata,
Sa pagbangon sa kama
Kasiyahan sa mukha ,
Pamilya ay nakita.
Init sa Tanghali
Ang init sa tanghali,
Maligo ay maigi
Palamig sa tanghali,
Hinahanap palagi.
Sa Gabi
Sa gabi na malamig,
Sa buwan nakatitig
Pagsigaw ng pag-ibig,
‘Di naman naririnig.
3. Ang Aking Ama
Ang aking ama’ng haligi ng tahanan
Ang unang lalaking aking nasilayan
Mukha niya ay hindi malilimutan
Ang aking ama’ng hindi mapapalitan
Isang mapagmahal na ama’t asawa
Mabuting budhi sa puso’y nakatala
Hindi nakalimot sa Diyos na may likha
Salamat sa iyong bigay Diyos,Ama
Ang aking ama na laging nandiriyan
Pag may problema siya’y nasasandalan
Ano mang mangyayari’y hindi nang-iiwan
Pagmamahal nya’y nais naming suklian
Mga bagyong dumating sa ating buhay
Paghihirap na hamon upang tumibay
Ika’y nariyan at aming kaagapay
Ang aming amang sa amin ay bumuhay
4.
5. DALIT:
Pagtatanim ng Galit
Ang Pagtatanim ng galit,
Sa puso’y napakasakit
Sa isip ay di mapilit,
Magpatawad ng higit.
Tuwa at Lungkot
Kay saya’ng makapiling ka,
‘Piling ka’y ikatutuwa
Kapag ikaw ay nawala,
Lungkot aking nadarama.
Pagod at Saya’y Naging Isa
Tambak na gawaing tula,
Utak ko ay pinipiga
Natala kay ‘raming tula,
Pagod,saya’y nadarama.