3. SLIDESMANIA.COM
Tinatawag na bansa ang mga lupaing bumubuo sa mundo. Isa na
rito ang bansang Pilipinas.
Maituturing na bansa ang isang tiyak na lupaing tahanan ng
pangkat ng mga tao na pinagbubuklod ng kultura at kasaysayan.
Ang bawat bansa ay espesyal dahil sa mga katangian, element at
sagisag nito.
4. SLIDESMANIA.COM
Katangian ng mga Bansa
May iba’t ibang katangian ang bawat bansa. Ang mga ito ay
nagbibigay pagkakaiba sa isang bans amula sa iba pang bansa
sa mundo. Ang taglay na sukat at uri ng lupain ng isang bansa ay
isang paraan sa pagkilala rito,
5. SLIDESMANIA.COM
Sukat ng kalupaan
Nakabubuti ang malaking sakop na lupain ng bansa. Dito nakakakuha ng mga
produktong maaaring mapagkunan ng kita ng bansa. Sa buong mundo, ang
pinakamalaki at pinakamalawak na bansa ay RUSSIA, na may sukat na 17.08
milyong kilometro kuwadrado (km2).
Kasunod dito ay ang Canada (9.98 milyon km2), Estados Unidos (9.63 milyon km2)
at Tsina (9.60 milyon km2).
6. SLIDESMANIA.COM
• Samantala sa Pilipinas ay 300, 000 km2. Ito ay ika-74 na bansa
sa mundo batay sa laki. Ang Ivory Coast (322 463 km2), New
Zealand (270 467 km2), at United Kingdom (242 495 km2).
• Sa kabila nito mayroon din namang maliliit na bansa at ito ay
madaling pamunuan dahil magkakalapit ang lupain. Ang
pinakamaliit na bansa ay Vatican City na may sukat na 0.44
km2. Monaco 2.02km2, Nauru 21km2, at Tuvalu 26km2.
8. SLIDESMANIA.COM
Tinatawag na landlocked countries ang bansang napaliligiran
ng kalupaan na walang anyong tubig sa hangganan nito.
Halimbawa, Chad, Austria, at Paraguay.
9. SLIDESMANIA.COM
Tangway naman ang tawag sa bansang makikitid at
nagkokonekta sa higit na malalaking lupain. Halimbawa
rito ay ang, Espanya, korea at Panama.
10. SLIDESMANIA.COM
Ang isang bansa ay maari ring arkipelago o kapuluan. Ito ay
bansang binubuo ng daan-daang mga pulo gaya ng bansang
Hapon, Indonesia, at Pilipinas.
11. SLIDESMANIA.COM
Mayroon din naming bansa na binubuo lamang ng isang isla at
napalilibutan ng anyong tubig ang sakop nitong lupain. Gaya
ng; Madagascar, Sri-Lanka, at Taiwan. Ang tawag sa kapuluan
ng mga bansang ito ay island countries.
12. SLIDESMANIA.COM
Gawain
Sagutin nang pasalaysay ang mga tanong. (Answer the questions
in essay)
1. Ano ang pinakagusto mo sa apat na katangian ng bansa?
2. Mula sa 4 na uri ng kalupaan ng mga bansa, ano ang mas
magandang katangian at Bakit?
13. SLIDESMANIA.COM
3. Panno maituturing na bansa ang bansang Pilipinas?
4. Paano nakatutulong sa pagkilala ng isang bansa ang lawak at
pisikal na kapaligiran nito.
Sagutin nang pasalaysay ang mga tanong.
(Answer the questions in essay)