Pagkatapos ng aralingna ito, ikaw ay inaasahang:
Naiisa -isa ang sitwasyong pangwika mula sa mga
nabasang pahayag , panayam , balita sa radyo ,
telebisyon at social media;
Nakagagawa ng isang halimbawang sulatin gamit ang
wika mula sa iba’t ibang pahayag sa social media ;
Naisaalang – alang ang pagiging responsible sa
wikang ginamit sa pagbabalita , pakikipanayam at sa
social media;
Naipamamalas ang pagmamahal sa katotohanan sa
paglalahad ng balita sa radyo.
3.
SUBUKIN
_____1. Isang mahalagangkasangkapan na ginagamit upang
maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng isang tao.
A. Salita
B. ugali
C. Wika
D. prinsipyo
_____2. May pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay
katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak
na kapasidad sa pagtuklas.
A. Sangkatauhan
B. mamamayan
C. kabataan
D. dalubhasa
4.
_____3. Ang pinakausosa panahon ngayon pinakamababang
antas ng wika nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan.
A. hugot
B. balbal
C. pick up lines
D. makabago
_____4. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maaari kang
magpahayag ng iyong nararamdaman, katanungan at nais mong
malaman at ipost.
E. Facebook
F. Instagram
G. Messenger
H. Blogs
5.
_____5. Ito ayparang pagtetext lamang ang tanging kaibahan lamang
ito ay konektado sa internet at Facebook. Maaari mong padalhan ng
mensahe ang sinumang nais mo kung siya ay mayroong Facebook
account.
A. Facebook
B. Instagram
C. Messenger
D. Blogs
_____6. Isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao.
Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at pakikipagpalitan ng kaisipan at
kaalaman sa bawat mamamayan.
E. Facebook
F. Vlogs
G. Messenger
H. Social Media
6.
_____7. Ang itinuturingna pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito
A. Facebook
B. Messenger
C. Telebisyon
D. Instagram
_____8. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng mga
makabagong teknolohiya at karaniwang may code switching sa
paggamit ng wika.
E. Kabataan
F. Netizens
G. Makabago
H. Moderno
7.
_____9. Isa samga nagsisilbing daluyan ng wika at madalas gumagamit
ng wikang Filipino (lingua franca), wikang Ingles o Taglish, upang
mailahad ang mga balitang nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa
iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas.
A.Pahayagan
B.Aklat
C.Magasin
D.Tabloid
_____10. Mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito.
E.Pahayagan
F.Aklat
G.Magasin
H.Tabloid
8.
Aralin
1
Mga Sitwasyong Pangwikaat
Kakayahang Pangkomunikatibo
3
Ang pinakadiwa ng wika ay
panlipunan. Maraming gamit o
tungkulin ang wika sa lipunan. Ang
wika rin ay isang sistema ng
pakikipag-ugnayan na nagbubuklod
sa mga tao. Hindi matatawaran ang
mahalagang gamit nito sa lipunan.
Ang isang tao na gumagamit ng
9.
3
Ito ba angsinasabing mahalaga at mahal raw ng
mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit
gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa
mga masasamang ideya, at kuro-kuro na nabuo
sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa
Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika.
Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang
Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at
saanman magpunta.
10.
3
Malinaw na angwika ay isang mahalagang
kasangkapan na ginagamit upang maiparating
ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng
isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din
ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan
at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at
kaisipan.
11.
3
Ayon kay JomarI. Empaynado , isang
propesor at manunulat , isa sa sitwasyong
panwika ay anumang panlipunang phenomenal
sa paggamit at paghulma ng wika .
Ayon kay Ryan Atezora , isang akademiko sa
Wikang Filipino ito na ang sitwasyon ng wika
ay kung gaanong wika ang ginagamit sa iba’t
ibang sektor ng lipunan at ang status ng
pagkagamit nito.
12.
3
Samakatuwid ang sitwasyongpangwika ay mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa patakaran sa Wika
at Kultura.
13.
6
Gamit ng Wika
Angwika ang nagsisilbing tulay sa mabisang
komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at
mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa pamamagitan
ng paggamit ng wika malaya nating naipahahayag ang
ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay- bagay.
Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento
sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod-buklod
ng mga mamamayan ng isang bansa. Pinagtitibay nito
ang diwa ng pagkakaisa at pakakintindihan ng mga
mamamayang nasasakupan.
14.
6
Social Media atWikang Filipino sa
Akademikong Pag-aaral
Ano-ano ba ang iba’t ibang uri ng
social media at paano ito nakatutulong
sa akademikong pag-aaral?
15.
6
Isa sa pinakakilalaat pianakamaraming
gumagamit na social media ay ang Facebook.
Ito ay isang application na kung saan ay maaari
kang magpahayag ng iyong nararamdaman,
katanungan at nais mong malaman at ipost.
Maaari itong makita ng mga friends o kaibigan
mo sa app din na ito, maaari silang magreact
base sa kanilang nais hingil sa paksa na iyong
ipinahayag. Maaari din silang magkumento
rito at maaari nila itong ibahagi sa iba.
16.
6
Isa pa ayang Messenger, ito naman ay parang pagtetext
lamang ang tanging kaibahan lamang ito ay konektado sa
internet at Facebook. Maaari mong padalhan ng mensahe
ang sinumang nais mo kung siya ay mayroong Facebook
account. Maaari ring gumawa ng grupo na bawat
mensaheng inilalagay roon ay makikita ng lahat ng
miyembro ng grupong ito. Dito ay maaari kang magtanong
at mabilis ka ring masasagot ng iyong kaibigan.Marami
pang ibang uri ng social media na maaaring makatulong sa
akademikong pagaaral. Isa itong magandang senyales na
ang mga app na ito ay nagagamit ng tama. Ngunit laging
tatandaan ang lahat ng sobra ay maaaring makasama.
17.
6
Facebook. Maaari mongpadalhan ng mensahe ang
sinumang nais mo kung siya ay mayroong Facebook
account. Maaari ring gumawa ng grupo na bawat
mensaheng inilalagay roon ay makikita ng lahat ng
miyembro ng grupong ito. Dito ay maaari kang
magtanong at mabilis ka ring masasagot ng iyong
kaibigan.Marami pang ibang uri ng social media na
maaaring makatulong sa akademikong pagaaral. Isa itong
magandang senyales na ang mga app na ito ay nagagamit
ng tama. Ngunit laging tatandaan ang lahat ng sobra ay
maaaring makasama.
18.
6
Sa makabagong henerasyonmababatid natin ang
mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating
wika at kultura. At dahil sa malikhaing pag-iisip at
pananaliksik nakakatuklas ang ang mga tao ng mga
bagong kaalaman tungkol sa teknolohiya katulad
na lamang ng mga “social media”. Ang social media
ay isang sistema na nilikha para komunikasyon ng
mga tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at
pakikipagpalitan ng kaisipa kaalaman sa bawat
mamamayan.
19.
6
Ito’y sistema parasa pagpapahayag at
pagtanggap ng mga gumagalaw na mga
larawan at tunog sa kalayuan. Ito’y
pangmasang panghatid ng libangan,
edukasyon, o mga balita. Ngunit ano ang
nagagawa o tulong ng telebisyon sa pag-
unlad ng Wikang Filipino? May masama ba
itong dulot sa mga kabataan lalo’t higit sa
maling paraan ng pag-gamit nito? Sa Wika
Filipino?
20.
6
Telebisyon sa pagpapaunladng Wikang Filipino
Sa paggamit ng telebisyon ay nakakapagbigay ito ng
impormasyong pormal at di-pormal na mayroong malaking
epekto sa ating mga manonood. Hindi kataka- takang
nagagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan ng
pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Nagdudulot ito ng
madaling pagkakatuto at madaling pagbigkas ng mga salita
lalo na sa mga kabataan ngayon. Ngunit sa kabilang banda
nito ay nagdudulot pa rin ito ng masama o mga salitang hindi
na-aangkop sa pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng
pag-papaikli ng mga salita at, ang mga binabanggit o
naririnig sa telebisyon na mga salitang hindi na masyadong
makahulugan.
21.
6
Wika sa Pahayagan
Angmga pahayagan ang isa sa mga nagsisilbing
daluyan ng wika. Ang mga pahayagan ay madalas
gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca),
wikang Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga
balitang nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-
ibang sulok ng bansang Pilipinas. Mula pa sa mga
sinaunang panahon ay malimit nang ginagamit ng
mga pahayagan upang magbigay-balita ukol sa
mga isyung naganap, nagaganap, o gaganapin.
22.
6
Wika sa Teknolohiya
Sapag-usbong ng teknolohiya, sa paggamit nito ng
wika hindi natin maitatanggi na malaki ang epekto
nito sa ating sariling wika. Sa modernong panahon
mas madali na ang kumunikasyon kaya’t, mas
madaling maipapasa ang mga wikang di- pormal.
Nakakatawang isipin na kahit tayo ay mga Pilipino
may iilang tao parin ang hindi ganoon ka bihasa
gamitin ang wikang Tagalog.
23.
Ang mga Pilipinoay lulong na lulong na sa social media. Ayon
sa aming pananaliksik mayroong 30 milliong tao ang gumagamit
ng facebook, 4.9 million naman sa twetter 25 million sa youtube
noong 2014. Dahil nga ba sa teknolohiya ay mas umosbong ang
di-pormal na mga salita? Heto ang mga halimbawa ng mga di-
pormal na salita o mga balbal:
24.
Ang telebisyon angitinuturing na pinakamakapangyarihang
media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang
naabot nito. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o
satellite connection para marating ang malalayong pulo at
ibang bansa.
25.
Wikang Filipino angnangungunang midyum sa telebisyon
sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Mga
halimbawa ng mga programang pantelebisyon na
gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga
pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and
public affairs, reality show at iba pang programang
pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon
partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong
manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng
mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita
ng wikang Filipino.
26.
Sitwasyong Pangwika saRadyo at pahayagan.
Wikang Filipino ang nangungunang wika saradyo sa AM man o sa
FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na
wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang
Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang
ginagamit sa broadsheet at Wikang Filipino naman sa tabloid.
Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat
mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga
katangian ng isang tabloid: – Nagtataglay ng malalaki at
nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang
mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na
naglalabas ng impormalidad. Hindi pormal ang mga salita.
27.
Sitwasyong Pangwika saPelikula
Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika
ang ginagamit. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng
mas maraming manunuod na malilibang sa kanilangmga
palabas at programa upang kumita ng malaki. Malawak
ang naging impluwensya dahil satulong nito mas marami
ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang nananaig na tono
ay impormal at waring hindi gaanong istrikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.
28.
Sitwasyong Pangwika satext
Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa. Humigit kumulang
4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap ng ating bansa
kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”. Madalas ang
paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng
mga salita. Walang sinusunod natuntunin o rule.
Siwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen. Karaniwang
may code switching. Mas pinag-iisipang mabuti ang mga
gagamiting salita bago ipost. Ingles ang pangunahing wika dito.
29.
Sitwasyong Pangwika saiba pang anyo ng
Kulturang Popular
Isa sa katangian ng wika ang pagiging
malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang ibàt ibang paraan ng malikhaing
paggamit dito dala na rin sa impluwensya ng
mga pagbabagong pinanalaganap ng media.
34.
maka-ilang ulit nagumawa ng kopya ng iyong sinulat
para maibahagi ito sa libu- libong mga mambabasa
na may interes dito. Gaya ng aklat, newspaper,
magazine, primer at iba pa. Sa partikular, ang pagbo-
blog ay maihahalintulad natin sa isang diary kung
saan isinusulat natin ang ating mga impormasyon na
napapatungkol sa mga karanasan at kaalaman na
ating natututunan sa pang-araw-araw na buhay. Ang
kaibahan ng blog, nakatransporma ang iyong sulatin
sa web o internet gamit ang computer at ito ay
nababasa ng lahat kung sino man ang may nagnanais.
36.
TAYAHIN
Panuto: Sagutin angmga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.Piliin ang letra ng tamang sagot.
(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at
bilang ng modyul.)
__________1. Ito ay ang pagtatalong oral na pa-rap
A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C. Hugot lines
D. Spoken poetry
__________2. Tinatawag ding loveliness o love quotes
A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C.Hugot lines
D. Spoken poetry
37.
_______3. Nagtataglay ngmalalaki at nagsusumigaw na headline
na naglalayong maakit agad ang mambabasa.
A. Telebisyon
B. Pahayagan
C. Balita
D. Blogs
_______4. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot
nito
E. Telebisyon
F. Pahayagan
G. Balita
H. Blogs
38.
________5. Ang tawagsa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig,
nakakatuwa, cute, cheesy at minsan nakakainis
A. Fliptop
B. Pick -up Lines
C. Hugot lines
D. Spoken poetry
________6. Ang texting capital of the world dahil 4 bilyon na
text ang pinadala araw-araw
A.Pilipinas
B. Singapore
C.Amerika
D. Hongkong
39.
____7. Ang modernongpamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng internet sa pagkuha ng mga
artikulo na may iba't-ibang mga partikular na paksa.
A.Telebisyon C. Pahayagan
B.Balita D. Blogs
____8. Ito ang madalas gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca),
wikang Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga balitang
nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang
Pilipinas
A. Telebisyon C. Pahayagan
B. Balita D. Blogs
____9. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maari kang magpahayag ng iyong
nararamdaman , katanungan at nais mong malaman at ipost.
A.Facebook C. Instagram
B.Messenger D. Twitter