Ang unang kabihasnan ng Asya ay ang Fertile Crescent, na nasa pagitan ng Tigris at Euphrates River, na kinabibilangan ng mga sinaunang tao tulad ng Sumerian, Akkadian, Babylonian, at Assyrian. Ang Sumerian ang mga unang nagtatag ng mga lungsod-estado sa lugar, gumagamit ng theocracy at polytheism, at sila ang lumikha ng cuneiform na sistema ng pagsusulat. Ang Akkadian naman, sa pamumuno ni Sargon I, ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa mundo, pinagsama ang buong Sumeria sa ilalim ng iisang pamahalaan.