ESP
CLASS
With Teacher Mischell
Andres Bonifacio Integrated School
Tungkol saan ang video na
inyong napanood?
Pagpapatawad, Tanda
ng Kabutihan at
Pagmamahal
1. Naipaliliwanag na angkahulugan ng pagpapatawad.
2. Napapaigting ang pagnanais na misabuhay at mapaunlad
sa buhay ang pagiging mapagpatawad sa kamalian ng iba
lalo na sa kaibigan.
3. Naibabahagi ng mag-aaral ang mabuting naidudulot at
kahalagahan ng pagpapatawad sa buhay ng tao.
Ano ang pagpapatawad?
Pagpapatawad
Ay ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng
pagkakataong ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa.
Kapag ang pagpapatawad ay lubos, nawawala ang
hangad mong gumanti o ang galit na iyong
nararamdaman sa taong nakasakit o nagtaksil sa
iyo.
Bakit mahalaga na mapatawad
natin ang taong nakagawa ng
pagkakamali sa atin?
Kahalagahan ng
pagpapatawad
 Kalayaan sa nakaraan
May Kalayaan kang magalit at maghiganti o umunawa at
magpatawad. Kalayaan mo ring itali ang iyong sarili sa mga
hinanakit ng nakaraan at sisihin ang iba sa iyong mga
pagdurusa o kalimutan ang mga ito at ipagpatuloy ang
buhay nang may kapayapaan at kaginhawaan ng loob.
 Pagpapalaya sa mga
negatibong damdamin.
Kapag ikaw ay hindi nagpapatawad, nakararanas ka
ng matinding emosyon gaya ng pagdurusa o pighati.
Ang pagpapaptawad ay nakapagpapasigla ng
damdamin ng isang tao. Tinatanggal nito ang
matinding galit, pagkabalisa, depresyon, at pagka-
masungit.
 Mabuting kalusugan
Maraming negatibong epekto sa kalusugan ng tao ang
pagtatanim ng sama ng loob sa iba. Kabilang na dito
ang pagkasakit ng ulo, tiyan, leeg at likod.
Ang ibang tao ay nalululong sa alak, droga o sa
pagkain nang labis na nagdudulot ng ibat ibang
komplikasyon sa kalusugan.
Ang positibong epekto ng pagpapatawad ay ang
pagtulog ng mahimbing, pagkawala ng sakit ng ulo at
tiyan, pagkawala ng matinding kalungkutan at pag-ahon
mula sa depresyon.
Ang hindi nagpapatawad ay tanda ng
kagustuhan manatiling biktima ng iyong galit.
Bilang biktima, isinisisi mo sa iba ang
pagsisimula ng gulo at hinihintay mong
manggaling sa kanila ang pakikipag-ayos sa
halip na isipin mo kung paano mo
maisasaayos ang inyong ugnayan.
 Kalayaan mula sa
kalungkutan
Pahalagahan at ipanumbalik ang
uganyan
Sikaping matutong magpatawad sa
pamamagitan ng pag-unawa na ang lahat
ng tao ay nagkakamali. Kapag tinanim mo
sa iyong isipan na walang taong perpekto,
mas nagiging maunawain ka sa halip na
maghiganti sa iba.
Isa sa mga mabuting epekto ng pagpapatawad
sa pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa mga
kaibigan ay ang mapayapa, matiwasay at
masayang pakiramdam sa iyong puso na dati-
rati’y maaaring poot, kahinaan at paghihiganti
lamang ang siyang laman.
 Pagkaranas ng positibong damdamin
Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay kukuha ng salita sa kahon na magagamit
nila bilang panimula sa kanilang bubuoin na konsepto bilang sagot
sa tanong.
Pangkat I at Pangkat II
Bakit isang mapagpalaya at mapagpalang karanasan sa
maraming tao ang pagpapatawad? Pangatwiranan.
Pangkat III at Pangkat IV
Bakit sinasabing ang pagpapatawad ay tanda ng kabutihan at
pagmamahal? Pangatwiranan
Mga ideyang pagpapapilian
 Walang taong perpekto
 Ang pagpapatawad ay nakakapagpasigla ng katawan at
nakapagpapakalma ng isip.
 Nawawala ang pagnanais mo na maghiganti at magtanim
ng sama ng loob
 Nakapagpapadagdag ng masaya, mapayapa at
matiwasay na pakiramdam at pag-iisip.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagpapatawad ay ang pagbibigay sa taong nakasakit sa
iyo ng pagkakataong
a. Maipaliwanag ang kaniyang ginawa
b. Mailabas ang kaniyang mga saloobin
c. Ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa
d. Mawala ang galit na iyong nararamdaman.
2. alin sa mga sumusunod ang maling pananaw ukol sa
pagpapatawad?
a. Ang pagpapatawad ay mahirap, ngunit hindi imposibleng gawin.
b. Ang pagpapatawad ay nagbibigay ng kapayapaan ng damdamin
at isipan
c. Ang hindi pagpapatawad ay tanda ng kagustuhan mong
manatiling biktima ng iyong galit.
d. Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng paglimot sa maling
aksiyong ginawa sa iyo.
3. Bakit mahalaga ang pagpapatawad?
a. Nakararanas ng matinding emosyon gaya ng pagdurusa o
pighati
b. Ang pagpapatawad ay isang opsiyon na maaaring piliin bukod
sa paghihiganti
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang
batay sa kabutihan at pagmamahal
d. Ang pagpapatawad ay ay mahalaga upang patuloy na
dumaloy ang pagpapala ng Diyos sa ating buhay.
4. Lahat ay tamang paraan ng tunay na pagpapatawad bukod sa
a. Tuluyang pagbalewala sa kamaliang ginawa
b. Pagdarasal sa Diyos upang makalaya sa matinding galit
c. Pag-amin sa naging kasalanan mo sa kaguluhang nangyari.
d. Tanggapin ang sakit at kirot na nangyari s aiyo ngunit huwag
mong isantabi ang mga natutuhan mo sa karanasang ito.
5-10 Bakit mahalaga ang pagpapatawad? Ipaliwanag.
Paano nagiging paraan ng pagpapaunlad
ng sarili at pakikipagkapwa ang
pagpapatawad? Ipaliwanag.

sssssssssssssssssssssssssssAralin 7.pptx

  • 1.
    ESP CLASS With Teacher Mischell AndresBonifacio Integrated School
  • 3.
    Tungkol saan angvideo na inyong napanood?
  • 4.
  • 5.
    1. Naipaliliwanag naangkahulugan ng pagpapatawad. 2. Napapaigting ang pagnanais na misabuhay at mapaunlad sa buhay ang pagiging mapagpatawad sa kamalian ng iba lalo na sa kaibigan. 3. Naibabahagi ng mag-aaral ang mabuting naidudulot at kahalagahan ng pagpapatawad sa buhay ng tao.
  • 6.
  • 7.
    Pagpapatawad Ay ang pagbibigaysa taong nakasakit sa iyo ng pagkakataong ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa. Kapag ang pagpapatawad ay lubos, nawawala ang hangad mong gumanti o ang galit na iyong nararamdaman sa taong nakasakit o nagtaksil sa iyo.
  • 8.
    Bakit mahalaga namapatawad natin ang taong nakagawa ng pagkakamali sa atin?
  • 9.
    Kahalagahan ng pagpapatawad  Kalayaansa nakaraan May Kalayaan kang magalit at maghiganti o umunawa at magpatawad. Kalayaan mo ring itali ang iyong sarili sa mga hinanakit ng nakaraan at sisihin ang iba sa iyong mga pagdurusa o kalimutan ang mga ito at ipagpatuloy ang buhay nang may kapayapaan at kaginhawaan ng loob.
  • 10.
     Pagpapalaya samga negatibong damdamin. Kapag ikaw ay hindi nagpapatawad, nakararanas ka ng matinding emosyon gaya ng pagdurusa o pighati. Ang pagpapaptawad ay nakapagpapasigla ng damdamin ng isang tao. Tinatanggal nito ang matinding galit, pagkabalisa, depresyon, at pagka- masungit.
  • 11.
     Mabuting kalusugan Maramingnegatibong epekto sa kalusugan ng tao ang pagtatanim ng sama ng loob sa iba. Kabilang na dito ang pagkasakit ng ulo, tiyan, leeg at likod. Ang ibang tao ay nalululong sa alak, droga o sa pagkain nang labis na nagdudulot ng ibat ibang komplikasyon sa kalusugan.
  • 12.
    Ang positibong epektong pagpapatawad ay ang pagtulog ng mahimbing, pagkawala ng sakit ng ulo at tiyan, pagkawala ng matinding kalungkutan at pag-ahon mula sa depresyon.
  • 13.
    Ang hindi nagpapatawaday tanda ng kagustuhan manatiling biktima ng iyong galit. Bilang biktima, isinisisi mo sa iba ang pagsisimula ng gulo at hinihintay mong manggaling sa kanila ang pakikipag-ayos sa halip na isipin mo kung paano mo maisasaayos ang inyong ugnayan.  Kalayaan mula sa kalungkutan
  • 14.
    Pahalagahan at ipanumbalikang uganyan Sikaping matutong magpatawad sa pamamagitan ng pag-unawa na ang lahat ng tao ay nagkakamali. Kapag tinanim mo sa iyong isipan na walang taong perpekto, mas nagiging maunawain ka sa halip na maghiganti sa iba.
  • 15.
    Isa sa mgamabuting epekto ng pagpapatawad sa pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa mga kaibigan ay ang mapayapa, matiwasay at masayang pakiramdam sa iyong puso na dati- rati’y maaaring poot, kahinaan at paghihiganti lamang ang siyang laman.  Pagkaranas ng positibong damdamin
  • 16.
    Pangkatang Gawain Ang bawatpangkat ay kukuha ng salita sa kahon na magagamit nila bilang panimula sa kanilang bubuoin na konsepto bilang sagot sa tanong. Pangkat I at Pangkat II Bakit isang mapagpalaya at mapagpalang karanasan sa maraming tao ang pagpapatawad? Pangatwiranan.
  • 17.
    Pangkat III atPangkat IV Bakit sinasabing ang pagpapatawad ay tanda ng kabutihan at pagmamahal? Pangatwiranan Mga ideyang pagpapapilian  Walang taong perpekto  Ang pagpapatawad ay nakakapagpasigla ng katawan at nakapagpapakalma ng isip.  Nawawala ang pagnanais mo na maghiganti at magtanim ng sama ng loob  Nakapagpapadagdag ng masaya, mapayapa at matiwasay na pakiramdam at pag-iisip.
  • 18.
    Panuto: Piliin angtitik ng tamang sagot. 1. Ang pagpapatawad ay ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng pagkakataong a. Maipaliwanag ang kaniyang ginawa b. Mailabas ang kaniyang mga saloobin c. Ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa d. Mawala ang galit na iyong nararamdaman.
  • 19.
    2. alin samga sumusunod ang maling pananaw ukol sa pagpapatawad? a. Ang pagpapatawad ay mahirap, ngunit hindi imposibleng gawin. b. Ang pagpapatawad ay nagbibigay ng kapayapaan ng damdamin at isipan c. Ang hindi pagpapatawad ay tanda ng kagustuhan mong manatiling biktima ng iyong galit. d. Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng paglimot sa maling aksiyong ginawa sa iyo.
  • 20.
    3. Bakit mahalagaang pagpapatawad? a. Nakararanas ng matinding emosyon gaya ng pagdurusa o pighati b. Ang pagpapatawad ay isang opsiyon na maaaring piliin bukod sa paghihiganti c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal d. Ang pagpapatawad ay ay mahalaga upang patuloy na dumaloy ang pagpapala ng Diyos sa ating buhay.
  • 21.
    4. Lahat aytamang paraan ng tunay na pagpapatawad bukod sa a. Tuluyang pagbalewala sa kamaliang ginawa b. Pagdarasal sa Diyos upang makalaya sa matinding galit c. Pag-amin sa naging kasalanan mo sa kaguluhang nangyari. d. Tanggapin ang sakit at kirot na nangyari s aiyo ngunit huwag mong isantabi ang mga natutuhan mo sa karanasang ito.
  • 22.
    5-10 Bakit mahalagaang pagpapatawad? Ipaliwanag.
  • 23.
    Paano nagiging paraanng pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa ang pagpapatawad? Ipaliwanag.

Editor's Notes

  • #7 Ang pagpapatawad ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan ng damdamin at Kalayaan sa hinanakit
  • #9 Kapag napalaya mo ang iyong sarili sa hinanakit at sa lahat ng malulungkot na alaala, malamang , ikaw ay magiging malakas at mas mapagmahal na tao.
  • #10 Kapag sinaktan ka ng iba sadya man o hindi, maaring magsimula ito ng galit at kapag pinabayaan ay lalaki o lalala ito at lalamunin ka ng sama ng loob.upang maiwasan ang galit, matuto kang magpatawad, huwag hintaying maging miserable ang buhay mo, wakasan agad sa pamamagitan ng pagpapatawad.
  • #11 Upang makalimot sa poot na nararamdaman, ang iba ay nalululong sa alak….
  • #12 Ang pagpapatawad ay nakapagpapasigla ng katawan at nagpapakalma ng isip.
  • #13 Habang patuloy mong sinasariwa ang poot na iyong nararamdaman ay pinapalakas mo rin ang kapangyarihan ng taong nakasakit saiyo na gawing miserable ang buhay mo.
  • #14 In that way binigyan mo ng pagkakataon ang mga taong nakasakit sa iyo upang makapanimula muli ng ugnayan sa iyo batay sa kabutihan at pagmamahal.
  • #15 Nangibabaw sa halip ang kapayapaan sa iyong isip at damdamin.