Si Crisanto ay nasa ikalawang baitang pa lamang sa Paaralang Elementarya ng Lerma. Isang araw, sa kaniyang pag-uwi, nakakita siya ng batang pulubi at kapatid nito na mas bata pa sa kaniya na nais tumawid. “Tulungan natin sila, Nanay,” pakiusap ni Crisanto sa ina. “Halikayo at sasamahan namin kayong tumawid,” sabi niya sa pulubi at sa kapatid nito. Awang-awa siya nang malamang hindi pa kumakain ang dalawa. Dinala ni Crisanto at ng nanay niya ang magkapatid sa isang karinderya. Umorder sila ng tokwa at lugaw at ipinakain sa mga bata. Natuwa ang magkapatid at nagpasalamat sila sa mag-ina. “Napakabuti po ninyo. Salamat po,” ang sabi ng mga bata. Matamis na ngiti ang isinukli ng mag-ina.