Ang pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos at binubuo ng salitang ugat at panlapi. May dalawang uri ng pandiwa: katawanin na ganap ang diwa at palipat na nangangailangan ng tagatanggap ng kilos. Ito rin ay may iba't ibang aspekto na nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.