Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagpapahayag ng kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay, na maaaring binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa. Mayroong iba't ibang aspekto ang pandiwa na tumutukoy sa panahon ng pagkaganap ng kilos, gaya ng perpektibo (nakaraan), imperpektibo (kasalukuyan), at kontemplatibo (hinaharap). Ang pagbabanghay ng pandiwa ay maaaring mabago batay sa ginamit na panlaping makadiwa.