Ang artikulong ito ay kontribusyon mula sa University of the Philippines College of Dentistry sa pangunguna ni Dr. Ian Ermita, isa sa mga propesor ng Oral Surgery Section, at sa tulong ng ilang mga mag-aaral at Alumni ng UPCD. Ito ay bahagi ng Oral Cancer Screening Project ng Kolehiyo na bahagi naman ng selebrasyon ng ika 100 Anibersaryo ng University of the Philippines College of Dentistry.
1. Smokeless tobacco keratosis
Tabako at
Kanser sa
Bibig
Gayumpaman, ang proporsyon ng lalaki sa babae sa pagkakaroo ng kanser ay bumaba na mula sa
6:1 noong 1950 hanggan sa 2:1 sa kasalukuyan. Tinatayang 95% ng mga may kanser sa bibig na
nasa edad 40 pataas. Mahalagang malaman na ang kanser sa bibig ay mabisyong pamumuhay,
kaya kadalasan ay paninigarilyo at pag-inom ng alak ang nagiging sanhi ng sakit na ito.
Inulat ng World Health Organization (WHO) na umaabot ng 4
na milyon ang namamatay sa isang taon dahil sa paninigarilyo.
Higit na mas madami ito kung ikukumpara sa mga namamatay
dahil sa pinagsamang paggamit ng bawal ng gamot at pag-inom
ng alak. Ang bilang ng mga namamatay ay inaasahang tataas pa
sa 10 milyon kada taon sa dulo ng 2020 o umpisa ng 2032, at 7
milyon dito ay mula sa mga bansang nagsisimulang umunlad. Stomatitis Nicotina
Ang pinagsamang pag-inom ng alak at paninigarilyo ang
itinuturing pangunahing sanhi ng kanser sa bibig. Ang
lahat ng uri ng sigarilyo, kabilang na ang pipe tobacco at
cigar, pati na ang pagnguya nito. Ang sigarilyo ay na-
kakasira ng mga cells sa loob ng bibig at lalamunan na
nagdudulot ng mas mabilis na paglaki at pagdami ng mga
cells kumpara sa pagpapagaling ng mga nasirang cells.
Ang tinuturing na dahilan ng ganitong pangyayari ay ang
mga kemikal na nasa loob ng sigarilyo o tabako.
Sino ang kadalasang biktima ng
kanser sa bibig dahil sa tabako?
Lalaki at babae
Higit sa 40 ang edad
Naninigarilyo at umiinom ng alak
Sa susunod na oras, 50 na katao
ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
Itinuturing na sanhi ng halos 25 na sakit
ang sigarilyo, habang ang naidudulot nito
sa kalusugan ay natukoy na, ang epekto
nito sa pandaigdigang anta sang hindi
pa gaanong nabibigyang pansin.
The Problem and Disease. Retrieved January 2014 from Oral Cancer Foundation Website: http://oralcancerfoundation.org/tobacco/problem_tobacco.htm
Global Data of Incidence of Oral Cancer. 2005. World Health Organization
Dubai to Help Smokers. (October 3, 2012) Blog posted on Maintain Your Health Account Website: http://myhealthaccount.wordpress.com/
Canker Sore on Tongue. Diseases Pictures Website: http://diseasespictures.com/canker-sore-on-tongue/
Chewing-tobacco-pictures. Mouth Cancer Pictures. The Quit.org Website http://www.thequit.org/tools-resources/motivation-pictures-stories/cancer-pictures/
Stomatitis nicotina palate Tobacco associated mucosal lesions. International Agency for Research on Cancer Website: http://screening.iarc.fr/atlasoral_detail.php?flag=0&lang=1&Id=F1500015&cat=F15