2. Kayo ba ay naninigarilyo o
may kilala ba kayong
naninigarilyo? Kung oo,
pakinggan n’yong mabuti ang
sasabihin ko.
3. Alam n’yo ba?
Ang paninigarilyo ang nangungunang dahilan ng sakit
na maaring maiwasan at kamatayan sa buong mundo?
Kada taon ay may namamatay na 393,000 tao dito sa
Amerika dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo.
4. Ano ba ang meron sa usok ng
sigarilyo?
Ang usok ng sigarilyo ay naglalaman ng pitong libong
mga kemikal. Animnapu’t siyam (69) sa mga kemikal
na iyon ay kilalang dahilan ng pagkakaroon ng kanser.
5. Ano ba ang mga sakit na
makukuha sa paninigarilyo?
Sakit sa baga (lung cancer)
Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)
sakit na ikinamatay ng “King of Comedy” na si Dolphy
Bronchitis
Emphysema
Pneumonia
At marami pang iba!
7. Kahit ang mga hindi
naninigarilyo ay naaapektuhan
Second hand smoke ang tawag sa usok ng sigarilyo na
nalalanghap o naamoy ng mga taong nasa paligid nila.
Maraming dahilan kung bakit masama ang second
hand smoke.
8. Ang second-hand smoke sa
Amerika ay responsable sa:
• Pagkamatay ng 42,000 na tao dahil sa sakit sa puso
kahit hindi sila naninigarilyo
• Pagkamatay ng 3,400 taong hindi naninigarilyo dahil sa
kanser sa baga.
• Paglala ng hika (asthma) ng isang milyong mga bata.
9. Aksyon
Kung may mga kilala kayong mga naninigarilyo,
hikayatin n’yo silang huminto. Hindi lang buhay nila
ang inyong sasagipin, kundi maging ang buhay ng mga
minamahal nila at ng mga taong nasa kanilang paligid.