Si Crisyl Ramos Sumadsad ay ipinanganak noong Disyembre 18, 1992, sa barangay Kapatalan, Siniloan, Laguna, at pinalaki sa isang masipag na pamilya na may sampung anak. Lumaki siya sa ilalim ng mabuting gabay ng kanyang mga magulang, si Crisencio at Herminigilda, na nagbigay ng tamang disiplina at suporta sa kanilang pag-aaral. Ngayon, nag-aaral siya ng Bachelor of Elementary Education sa Laguna State Polytechnic University, nag-aaral nang mabuti upang makamit ang kanyang mga pangarap at matulungan ang kanyang pamilya sa kabila ng mga pagsubok.