IKALAWANG ARAW
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang Pangnilallaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa
pamayanan.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagkilala sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon o paniniwala
sa pamayanan upang malinang ang pagiging magalang.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Nakapagsasanay sa pagiging magalang sa pamamagitan ng angkop na kilos sa iba’t ibang
gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan
a. Nakakikilala ng mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan
b. Naiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay daan
sa mapayapang pamayanan
c. Naipahahayag ang pagkilala sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon o paniniwala sa
pamayanan
D. Mga Layunin
Naiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay
daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
E. Lilinanging
Pagpapahalaga
Magalang (Respect)
II. NILALAMAN/
PAKSA
Mga Gawaing Panrelihiyon o Paniniwala sa Pamayanan
III. MGA KAGAMITANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO
A. Mga Sanggunian MATATAG GMRC 1 Curriculum Guide
MATATAG Kto10
Kurikulum
Lingguhang Aralin
Paaralan: BALANACAN ELEMENTARY SCHOOL Baitang: 1
Pangalan ng Guro: MARYGIN M. AYANGCO Asignatura: GMRC
Petsa at Oras ng Pagtuturo:
MARCH 4,2025
Markahan at Linggo: Ikaapat na
Markahan / Ikaapat
na Linggo
B. Iba pang Kagamitan
• Meta cards/strips
• Awit
• Kuwento
IV. MGA PAMARAANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO
Bago Ituro ang Aralin
1. Panimulang
Gawain
1.Pagbati:
• Sabihin: Masayang araw sa inyong lahat!
• Bago natin simulan ang ating aralin, tayo ay umawit. (Aawitin muna ng guro at
pagkatapos ay susundan ng mga magaaral. Maaaring awitin
nang may
pagkilos)
Kamusta kamusta kamusta
Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang-tuwa
Masaya't nagagalak
Tralalalalalala
Kamusta kamusta kamusta
Kamusta kayong lahat
Ako'y tuwang-tuwa
Masaya't nagagalak
Tralalalalala
2. Balik-aral: Sabihin:
Natatandaan ba ninyo ang ating aralin kahapon?
Ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin kahapon?
(Gawin ito ng pasalita.
Tumawag ng ilang mga mag aaral na tutugon.)
Mahusay kayo!
Pumalakpak ng sampung beses.
Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima!
Anim! Pito! Walo! Siyam!
Sampu!
3. Pagganyak
Bago natin ipagpatuloy ay alamin natin ang ating pamantayan upang matuto:
• Umupo nang maayos.
• Iwasan muna ang makipag usap sa katabi.
• Makinig nang mahusay sa guro.
• Kung may nais sabihin ay itaas ang kanang kamay.
Handa na ba kayo?
Suriin Mo.
Itanong ang sumusunod at magkaroon ng talakayan:
1. Bakit nagdudulot ng mapayapang pakikipagkapuwa sa pamayanan ang pagkilala
sa iba’t ibang relihiyon o paniniwala?
2. Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga gawain
ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala sa pamayanan kinabibilangan?
. Sabihin sa mga mag-aaral:
Sa araw na ito,
inaasahang maiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala
ay daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
2.Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin
Ipaskil sa pisara/board ang meta card/strip na
may nakasulat na -
Magalang
3.Gawaing Pag-unawa sa mga SusingSalita/Parirala o
Mahahalagang Konsepto sa Aralin
Sabihin sa mga mag-aaral: Basahin ang kuwentong may pamagat na, Araw ng
Pagkakaibigan.
Araw ng Pagkakaibigan Ang Araw ng Pagkakaibigan, ay isang pagkakataon kung saan
ipagdiriwang ang iba’t ibang tradisyon at paniniwala ng bawat isa.
Pinahanda ng guro na si Bb. Santos ang mga bata ng mga kuwento na nais nilang ibahagi
tungkol sa kanilang paniniwala.
Unang nagbahagi si Mark, bilang Kristiyano, siya ay nagkuwento tungkol sa Pasko. Sinabi
niya na sa kanilang pamilya, ang Pasko ay nagpapakita ng pagmamahalan at pagbibigayan
kalakip ang paggunita sa kapanganakan ni Hesus. Ikinuwento rin niya ang pagbibigayan ng
mga regalo at ang pag-aawitan sa harap ng Belen.
Ang sumunod na nagbahagi ay si Amir, ang kanilang kaklase na Muslim, tungkol sa Eid al-
Fitr, isang espesyal na pagdiriwang
matapos ang Ramadan. Sinabi ni Amir na sa Eid, sila ay nagdarasal at nagsasalu-salo
kasama ang pamilya, at
nagbibigay sila ng Zakat o tulong sa mga
nangangailangan. Naanyayahan si Mark at ang kanilang mga kaklase sa bahay ni Amir
noong isang taon para masaksihan, at natuwa sila sa saya ng kanilang pagdiriwang.
Si Ben, naman ay nagbahagi tungkol sa kanilang pagdiriwang ng Wesak, isang
mahalagang pista sa kanilang paniniwala bilang Buddhist. Ikinuwento ni Ben kung paano
sila nagpapalipad ng mga parol at nag-aalay ng mga bulaklak bilang tanda ng pasasalamat
at pagmamahal sa kanilang pamilya at komunidad. Naalala ni Mark na minsan niyang
nakita ang mga parol sa bahay ni Ben at humanga siya sa kagandahan ng mga ito.
Natuwa ang mga magkakaklase at natutuhan nila ang iba’t ibang tradisyon ng kanilang
mga kaibigan. “Kahit pala iba-iba tayo ng paniniwala, lahat tayo
ay may espesyal na pagdiriwang para sa kabutihan ng bawat isa,” sabi ni Amir.
Masaya ang buong klase, na malaman ang pagkilala at paggalang sa paniniwala ng bawat
isa ay mahalaga upang
magkaroon ng mas masaya at mapayapang pamayanan.
Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Paano ipinagdiriwang ni Mark ang Pasko?
2. Paano ipinagdiriwang ni Amir ang Eid al-Fitr?
3. Paano ipinagdiriwang ni Ben ang Wesak?
4. Bakit mahalaga na igalang ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng ating
kapuwa?
Habang Itinuturo ang Aralin
Pagbasa sa
Mahahalagang
Pag-unawa/ Susing
Ideya
Sabihin sa mga mag-aaral: Narito ang mga salita na may kaugnayan sa ating aralin.
(nakasulat sa meta-strips, babasahin ng guro at pagkatapos ay mga mag-aaral nang
sabayan o isahan)
• Relihiyon
• Gawaing Panrelihiyon
• Gawaing Paggalang Itanong sa mga bata ang ibig sabihin ng mga salita.
Tumawag ng mga mag-aaral na nais sumagot.
Isulat sa chart ang kanilang sagot.
Kumpletuhin ang chart.
Relihiyon Gawaing
Panrelihiyon
Gawaing
Paggalang
Pagkatapos kumpletuhin ang chart basahin ito sa mga magaaral at magkaroon ng
talakayan.
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan sa
Mahahalagang Pag-unawa/Susing
Ideya
Sabihin sa mga mag-aaral:
Ating balikan ang kuwento:
Panuto: Itaas ang kamay kung tama ang aking sasabihin at ibaba kung hindi.
1. Tanda ng paggalang ang pakikinig ng mabuti sa sinabi ni Mark na sa kanilang pamilya,
ang Pasko ay tungkol sa pagmamahalan at pagbibigayan bilang paggunita sa
kapanganakan ni Hesus. Tama o Mali?
2. Tanda ng paggalang ang pagtatanong gamit ng tamang mga salita kay Ben ukol
sa pagpapalipad ng mga parol at pag-aalay ng mga bulaklak.
Tama o Mali?
3. Tanda ng paggalang ang pagtawa sa mga binahagi ni Amir tungkol sa Ramadan.
Tama o Mali?
Magtalakayan tungkol sa mga tamang gawi ng paggalang sa mga gawain ng ibat ibang
relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan.
6. Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan sa
Mahahalagang
Sabihin sa mga mag-aaral:
Humanap ng isang kaklase at ibahagi ang sagot sa sumusunod:
1. Bakit ang pagkilala sa mga paniwala ng ibang relihiyon ay tanda ng panggalang?
2. Paano nagiging mapayapa ang pamayanan?
Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipahayag ang kanilang sagot sa klase.
Mahusay mga bata at naiuugnay ninyo na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang
relihiyon o paniniwala ay daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa
paniniwala ng kapwa.
Pagkatapos Ituro ang Aralin
7. Paglalapat at
Paglalahat
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang pagkilala ko sa __________ ng ibat-ibang relihyon katulad ng _____________ ay
daan sa mapayapang pamayanan at at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa.
Tumawag ng mga mag-aaral na nais ibahagi ang sagot.
Sabihin sa mga mag-aaral:
Panuto:
Itanong:
1. Ano-ano ang natutuhan mo sa ating gawain?
2. Bakit mahalagang igalang natin ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa
pamayanan?
8. Pagtataya ng
Natutuhan
Ipagawa sa mga mag-aaral:
Gawain
Panuto: Makinig nang mabuti sa bawat pangungusap na babasahin ng guro. Isulat sa iyong
kuwaderno ang tsek
(✔) kung nagpapakita ng paggalang sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala at
ekis (X) kung hindi.
1. Ang pagpikit ng mata ng aking kaklase tuwing nagdarasal ay aking ginangalang sa
pamamagitan ng aking katahimikan.
2. Ang pagluhod ng aking mga kaibigan sa loob ng pookdalanginan ay aking
iginagalng sa pamamagitan ng matahimik na pag obserba.
3. Ang pagtaas ng kamay tuwing umaawit ang aking mga kaklase ay pinagtatawanan
ko.
4. Ang pagsisimba tuwing Martes ng aking mga kaibigan ay aking ginagalang sa
pamamagitan ng pagtigil ng aming laro sa tamang oras.
5. Ang pag-usapan gamit ang masakit na salita ay aking ginanagwa kapag nakikita kong
may belo ang aking mga babaeng kaibigan.
Mga Dagdag na
Gawain para sa
Paglalapat o para sa Remediation (kung
nararapat)
Panuto: Punan ang mga patlang. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Iginagalang ko ang mga _______ ng aking kaibigan bilang tanda ng _________ at para sa
mapayapang
__________.
Mga Tala
Mga paalala:
1. Ang mga gawain ay maaaring ikontexto ayon sa kakayahan ng mag-aaral, kaangkupan
ng mga kagamitang panturo, lugar at iba pang kaugnay nito.
2. Mahalagang malinang ang pagiging magalang.
3. Ang mga pagtatasa/pagtataya ay mabisang gabay upang mapanatili ang kaangkupan ng
aralin/paksa na batay sa mga kasanayang pampagkatuto, pamantayang pangnilalaman
at pagganap.
Repleksiyon
Bilang guro: Natutuhan ko na ___________ Nabatid/narealize ko________ Nadama ko
na_______________ Nagpasya ako na ituon
__________________________ ___

LE_GMRC 1 Q4_W4-D2.documents for grade 1

  • 1.
    IKALAWANG ARAW I. NILALAMAN,MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM A. Pamantayang Pangnilallaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan. B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagkilala sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan upang malinang ang pagiging magalang. C. Mga Kasanayang Pampagkatuto Nakapagsasanay sa pagiging magalang sa pamamagitan ng angkop na kilos sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan a. Nakakikilala ng mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan b. Naiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay daan sa mapayapang pamayanan c. Naipahahayag ang pagkilala sa iba’t ibang gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan D. Mga Layunin Naiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapwa. E. Lilinanging Pagpapahalaga Magalang (Respect) II. NILALAMAN/ PAKSA Mga Gawaing Panrelihiyon o Paniniwala sa Pamayanan III. MGA KAGAMITANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO A. Mga Sanggunian MATATAG GMRC 1 Curriculum Guide MATATAG Kto10 Kurikulum Lingguhang Aralin Paaralan: BALANACAN ELEMENTARY SCHOOL Baitang: 1 Pangalan ng Guro: MARYGIN M. AYANGCO Asignatura: GMRC Petsa at Oras ng Pagtuturo: MARCH 4,2025 Markahan at Linggo: Ikaapat na Markahan / Ikaapat na Linggo
  • 2.
    B. Iba pangKagamitan • Meta cards/strips • Awit • Kuwento IV. MGA PAMARAANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO Bago Ituro ang Aralin 1. Panimulang Gawain 1.Pagbati: • Sabihin: Masayang araw sa inyong lahat! • Bago natin simulan ang ating aralin, tayo ay umawit. (Aawitin muna ng guro at pagkatapos ay susundan ng mga magaaral. Maaaring awitin nang may pagkilos) Kamusta kamusta kamusta Kamusta kayong lahat Ako'y tuwang-tuwa Masaya't nagagalak Tralalalalalala Kamusta kamusta kamusta Kamusta kayong lahat Ako'y tuwang-tuwa Masaya't nagagalak Tralalalalala 2. Balik-aral: Sabihin:
  • 3.
    Natatandaan ba ninyoang ating aralin kahapon? Ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin kahapon? (Gawin ito ng pasalita. Tumawag ng ilang mga mag aaral na tutugon.) Mahusay kayo! Pumalakpak ng sampung beses. Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima! Anim! Pito! Walo! Siyam! Sampu! 3. Pagganyak Bago natin ipagpatuloy ay alamin natin ang ating pamantayan upang matuto: • Umupo nang maayos. • Iwasan muna ang makipag usap sa katabi. • Makinig nang mahusay sa guro. • Kung may nais sabihin ay itaas ang kanang kamay. Handa na ba kayo? Suriin Mo. Itanong ang sumusunod at magkaroon ng talakayan: 1. Bakit nagdudulot ng mapayapang pakikipagkapuwa sa pamayanan ang pagkilala
  • 4.
    sa iba’t ibangrelihiyon o paniniwala? 2. Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala sa pamayanan kinabibilangan? . Sabihin sa mga mag-aaral: Sa araw na ito, inaasahang maiuugnay na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapwa. 2.Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ipaskil sa pisara/board ang meta card/strip na may nakasulat na - Magalang
  • 5.
    3.Gawaing Pag-unawa samga SusingSalita/Parirala o Mahahalagang Konsepto sa Aralin Sabihin sa mga mag-aaral: Basahin ang kuwentong may pamagat na, Araw ng Pagkakaibigan. Araw ng Pagkakaibigan Ang Araw ng Pagkakaibigan, ay isang pagkakataon kung saan ipagdiriwang ang iba’t ibang tradisyon at paniniwala ng bawat isa. Pinahanda ng guro na si Bb. Santos ang mga bata ng mga kuwento na nais nilang ibahagi tungkol sa kanilang paniniwala. Unang nagbahagi si Mark, bilang Kristiyano, siya ay nagkuwento tungkol sa Pasko. Sinabi niya na sa kanilang pamilya, ang Pasko ay nagpapakita ng pagmamahalan at pagbibigayan kalakip ang paggunita sa kapanganakan ni Hesus. Ikinuwento rin niya ang pagbibigayan ng mga regalo at ang pag-aawitan sa harap ng Belen. Ang sumunod na nagbahagi ay si Amir, ang kanilang kaklase na Muslim, tungkol sa Eid al- Fitr, isang espesyal na pagdiriwang matapos ang Ramadan. Sinabi ni Amir na sa Eid, sila ay nagdarasal at nagsasalu-salo kasama ang pamilya, at
  • 6.
    nagbibigay sila ngZakat o tulong sa mga nangangailangan. Naanyayahan si Mark at ang kanilang mga kaklase sa bahay ni Amir noong isang taon para masaksihan, at natuwa sila sa saya ng kanilang pagdiriwang. Si Ben, naman ay nagbahagi tungkol sa kanilang pagdiriwang ng Wesak, isang mahalagang pista sa kanilang paniniwala bilang Buddhist. Ikinuwento ni Ben kung paano sila nagpapalipad ng mga parol at nag-aalay ng mga bulaklak bilang tanda ng pasasalamat at pagmamahal sa kanilang pamilya at komunidad. Naalala ni Mark na minsan niyang nakita ang mga parol sa bahay ni Ben at humanga siya sa kagandahan ng mga ito. Natuwa ang mga magkakaklase at natutuhan nila ang iba’t ibang tradisyon ng kanilang mga kaibigan. “Kahit pala iba-iba tayo ng paniniwala, lahat tayo ay may espesyal na pagdiriwang para sa kabutihan ng bawat isa,” sabi ni Amir. Masaya ang buong klase, na malaman ang pagkilala at paggalang sa paniniwala ng bawat isa ay mahalaga upang
  • 7.
    magkaroon ng masmasaya at mapayapang pamayanan. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Paano ipinagdiriwang ni Mark ang Pasko? 2. Paano ipinagdiriwang ni Amir ang Eid al-Fitr? 3. Paano ipinagdiriwang ni Ben ang Wesak? 4. Bakit mahalaga na igalang ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng ating kapuwa? Habang Itinuturo ang Aralin Pagbasa sa Mahahalagang Pag-unawa/ Susing Ideya Sabihin sa mga mag-aaral: Narito ang mga salita na may kaugnayan sa ating aralin. (nakasulat sa meta-strips, babasahin ng guro at pagkatapos ay mga mag-aaral nang sabayan o isahan) • Relihiyon • Gawaing Panrelihiyon • Gawaing Paggalang Itanong sa mga bata ang ibig sabihin ng mga salita. Tumawag ng mga mag-aaral na nais sumagot. Isulat sa chart ang kanilang sagot. Kumpletuhin ang chart. Relihiyon Gawaing Panrelihiyon Gawaing Paggalang
  • 8.
    Pagkatapos kumpletuhin angchart basahin ito sa mga magaaral at magkaroon ng talakayan. Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan sa Mahahalagang Pag-unawa/Susing Ideya Sabihin sa mga mag-aaral: Ating balikan ang kuwento: Panuto: Itaas ang kamay kung tama ang aking sasabihin at ibaba kung hindi. 1. Tanda ng paggalang ang pakikinig ng mabuti sa sinabi ni Mark na sa kanilang pamilya, ang Pasko ay tungkol sa pagmamahalan at pagbibigayan bilang paggunita sa kapanganakan ni Hesus. Tama o Mali? 2. Tanda ng paggalang ang pagtatanong gamit ng tamang mga salita kay Ben ukol sa pagpapalipad ng mga parol at pag-aalay ng mga bulaklak. Tama o Mali? 3. Tanda ng paggalang ang pagtawa sa mga binahagi ni Amir tungkol sa Ramadan. Tama o Mali? Magtalakayan tungkol sa mga tamang gawi ng paggalang sa mga gawain ng ibat ibang relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan. 6. Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan sa Mahahalagang Sabihin sa mga mag-aaral: Humanap ng isang kaklase at ibahagi ang sagot sa sumusunod:
  • 9.
    1. Bakit angpagkilala sa mga paniwala ng ibang relihiyon ay tanda ng panggalang? 2. Paano nagiging mapayapa ang pamayanan? Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipahayag ang kanilang sagot sa klase. Mahusay mga bata at naiuugnay ninyo na ang pagkilala sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala ay daan sa mapayapang pamayanan at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapwa. Pagkatapos Ituro ang Aralin 7. Paglalapat at Paglalahat Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Ang pagkilala ko sa __________ ng ibat-ibang relihyon katulad ng _____________ ay daan sa mapayapang pamayanan at at tanda ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa. Tumawag ng mga mag-aaral na nais ibahagi ang sagot. Sabihin sa mga mag-aaral: Panuto: Itanong: 1. Ano-ano ang natutuhan mo sa ating gawain?
  • 10.
    2. Bakit mahalagangigalang natin ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala sa pamayanan? 8. Pagtataya ng Natutuhan Ipagawa sa mga mag-aaral: Gawain Panuto: Makinig nang mabuti sa bawat pangungusap na babasahin ng guro. Isulat sa iyong kuwaderno ang tsek (✔) kung nagpapakita ng paggalang sa mga gawain ng iba’t ibang relihiyon o paniniwala at ekis (X) kung hindi. 1. Ang pagpikit ng mata ng aking kaklase tuwing nagdarasal ay aking ginangalang sa pamamagitan ng aking katahimikan. 2. Ang pagluhod ng aking mga kaibigan sa loob ng pookdalanginan ay aking iginagalng sa pamamagitan ng matahimik na pag obserba. 3. Ang pagtaas ng kamay tuwing umaawit ang aking mga kaklase ay pinagtatawanan ko. 4. Ang pagsisimba tuwing Martes ng aking mga kaibigan ay aking ginagalang sa pamamagitan ng pagtigil ng aming laro sa tamang oras. 5. Ang pag-usapan gamit ang masakit na salita ay aking ginanagwa kapag nakikita kong may belo ang aking mga babaeng kaibigan. Mga Dagdag na Gawain para sa Paglalapat o para sa Remediation (kung nararapat) Panuto: Punan ang mga patlang. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Iginagalang ko ang mga _______ ng aking kaibigan bilang tanda ng _________ at para sa mapayapang __________. Mga Tala Mga paalala: 1. Ang mga gawain ay maaaring ikontexto ayon sa kakayahan ng mag-aaral, kaangkupan ng mga kagamitang panturo, lugar at iba pang kaugnay nito. 2. Mahalagang malinang ang pagiging magalang. 3. Ang mga pagtatasa/pagtataya ay mabisang gabay upang mapanatili ang kaangkupan ng aralin/paksa na batay sa mga kasanayang pampagkatuto, pamantayang pangnilalaman at pagganap.
  • 11.
    Repleksiyon Bilang guro: Natutuhanko na ___________ Nabatid/narealize ko________ Nadama ko na_______________ Nagpasya ako na ituon __________________________ ___