Ang GitnangLuzon ay mayaman sa produktong
agrikultural. Ito ay tinaguriang Kamalig ng Bigas ng
Pilipinas dahil malaking produksiyon ng bigas na
nanggagaling sa malawak na kapatagang angkop sa
pagtatanim.
Ang Gitnang Luzon ay nagtataglay ng mga
panngunahing anyong tubig. Sa hilaga dumadaloy
ang Ilog Tarlac.
5.
Ang Ilog Pampangana nagmumula sa
kabundukang Caraballo ay bumabagtas sa
kahabaan ng Nueva Ecija at Pampanga.
7.
Ang Ilog Angatna nagmumula naman sa
kabundukan ng Sierra Madre ay dumadaloy
sa mga bahagi ng lalawigan ng Bulacan at
nagtatapos sa Look ng Maynila.
9.
Sa Nueva Ecijamatatagpuan ang Lawa ng
Pantabangan na nagtutustos sa patubig sa
mga sakahan. Ito ay isa sa pinakamalawak
na lawa sa Timog-silanagang Asya.
11.
Sa pangkalahatan, mainito tuyo ang
panahon ang nararanasan mula buwan ng
Disyembre hanggang Mayo. Ang tag-ulan
ay mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Ang katangiang pisikal at klima ng rehiyon
ay nagkaroon ng malaking papel sa pag-
unlad ng agrikultural na pamumuhay sa
rehiyon.
13.
AURORA
Ang Auroraay isang mabundok
na lalawigan na bahagi ng
kabundukan ng Sierra Madre.
Ito ay dating kabilang sa
Rehiyon IV-A ngunit nalipat sa
Rehiyon III sa bisa ng batas.
Ang lalawigan ay mayaman sa
magagandang baybayin, mga
diving, at surfing spot na
dinarayo ng mga turista. Niyog
at palay ang pangunahing
produkto nito.
15.
BATAAN
Ang lalawiganng Bataan ay
matatagpuan sa kanlurang baybayin ng
Gitnang Luzon. Halos walumpung
porsiyento ng Bataan ay mabundok at
maburol.
Pangingisda ang pangunahing industriya
sa lalawigan sa paggawa ng iba’t ibang
uri ng lambat-pangisda.
Nagtatanim din ang mga tao ng palay,
mais, at mga halamang-ugat. Dahil ang
Bataan ay isang peninsula patuloy ang
pag-unlad bng turismo rito, patunay ay
ang mga resort sa kahabaan ng baybayin
nito.
17.
BULACAN
Ang lalawiganng Bulacan ay humigit kumulang labing-
apat na porsiyento ng buong sukat ng Luzon.
Napaliligiran ito ng mga bulubundukin ng Sierra Madre
sa hilagang-Silangan, mga baybayin, at kapatagan.
Dahil sa malawak na kapatagan at mga baybayin nito
ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao ay
pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, at pangingisda.
19.
BULACAN
Kilala rin anglalawigan na isa
sa mga pangunahing
destinasyon ng mga turista
dahil sa mayamang kultural at
kasaysayan nito. Ang
lalawigang ito ay unti-unti na
ring nakikilala sa mga industriya
tulad ng paggawa ng alahas,
paputok, sitsaron, handicrafts,
at mga kakanin o native
sweets.
21.
NUEVA ECIJA
AngNueva Ecija ang pinakamalawak na lalawigan sa
Gitnang Luzon. Ang lupain nito ay
nagsisimula sa mga latian sa Timog-
kanluran sa hangganan ng lalawigan ng
Pampanga, bulubundukin ng Sierra
Madre sa Silangan, at ang Caraballo at
Cordillera naman sa hilaga.
Ang Nueva Ecija ay tinaguriang Kamalig
ng Bigas ng Gitnang Luzon. Agrikultura
ang pangunahing hanapbuhay ng mga
tao rito. Dito nagmumula ang malaking
produksiyon ng bigas, mais, sibuyas,
bawang, at tubo.
23.
PAMPANGA
Ang Pampangaay may malawak na
kapatagan. Dito rin matatagpuan ang
Bundok Arayat
Ilog Pampanga ang pinakamalaking ilog
sa lalawigan. Sakahan at pangingisda
ang dalawang pangunahing industriya
rito. Kilala rin sa tawag na Culinary Capital
of the Philippines dahil husay ng mga
Kapampangan sa larangan ng pagluluto.
Kilala rin ang lugar sa industriya ng
iskulturang kahoy, paggawa ng muwebles
o kasangkapang gawa sa kahoy at iba
pang produktong gawang kamay tulad
ng mga higante at makukulay na parol.
25.
TARLAC
Ang silangangbahagi ng lalawigan ay
kapatagan at ang kanlurang bahagi
naman ay maburol at bulubundukin.
Pagsasaka ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga tao rito, tubo at
palay ang mga pangunahing
pananim. Ang iba pang mga pananim
ay ang tabako, mais, at niyog.
Ito ay may malawak na Sistema ng
patubig mula sa mga ilog nito.
Mayroon ding industriya ng pagtotroso
mula sa mga kabundukan hanggang
sa hangganan ng lalawigan.
27.
ZAMBALES
Ang lalawiganng Zambales ay
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng
Gitnang Luzon. Ang hilagang bahagi nito
ay latian at dalampasigan at ang
bahaging luoa ay mababa kung saan
matatagpuan ang mga pamayanan.
Kilala ang lalawigan sa dami ng deposito
ng lahar dahil sa pagdaloy nito sanhi ng
pagputok ng Bulkang Pinatubo noon.
Bukod sa pangingisda at pagmimina,
ang kanilang pangunahing mga
produkto ay mangga, palay, mais, at
mga halamang-ugat.
29.
SAGUTIN
HANAY A HANAYB
__1.Aurora a. paggawa ng malalaking parol
__2.Bataan b. pagtatanim ng tubo
__3.Bulacan c. paggawa ng mga lambat-pangida
__4.Nueva Ecija d. pagtatanim ng mangga
__5.Pampanga e. pagtatanim ng sibuyas at palay
__6.Tarlac f. paggawa ng alahas, paputok, at sitsaron
__7.Zambales g. pagtatanim ng niyog at palay