Ang kasaysayan ay isang sistematikong pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap. Si Herodotus ang kinikilalang 'ama ng kasaysayan' at ang mga batayan ng pag-aaral nito ay ang mga primarya at sekundarya, pati na rin ang mga oral tradition. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagpo-promote ng nasyonalismo, paggalang sa iba't ibang kultura, at pagkakaroon ng bukas na isipan.