Sa kabanatang ito, si Juli ay nagpunta sa mahal na birhen upang humingi ng himala ng salapi, subalit nabigo siya. Sa kabila ng Pasko, siya ay nahirapang batiin ang kanyang mga kamag-anak dahil sa pagkakapipi ni Tandang Selo, na simbolo ng pagkawala ng boses ng mga Pilipino. Ipinapakita nito ang pagkaka-alis ng mga tao ng kakayahang magpahayag ng kanilang saloobin at ang paniniwala sa himala.