Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Persian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Persian
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Persian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Persian
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Zin Raney Bacus
Tatalakayin dito ang Sumer (at mga ambag nito sa kabihasnan) at ang sumunod na apat na unang imperyo na kinabibilangan ng Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean.
PLEASE LIKE, COMMENT, SHARE AND FOLLOW ME FIRST IF YOU FIND THIS HELPFUL AND ARE PLANNING TO DOWNLOAD THIS PRESENTATION, AND GIVE CREDITS. THANK YOU X
Akkadian Empire- ang pinakaunang naitatag na imperyo.
Araling Panlipunan 8
*This presentation only contains the Akkadian Empire, for other resources please visit another site.*
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Assyrian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Assyrian
Kabihasnang India at ang mga Imperyong Maurya, Gupta at Mughalria de los santos
Pagsibol ng sinaunang kabihasnang India,at ang mga Imperyong Maurya, Gupta at Mughal, Sistemang Caste, maging ang pagbabawal ng pagsasagawa ng suttee sa panahon ni Aurangzeb
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Akkadian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Akkadian
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Zin Raney Bacus
Tatalakayin dito ang Sumer (at mga ambag nito sa kabihasnan) at ang sumunod na apat na unang imperyo na kinabibilangan ng Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean.
PLEASE LIKE, COMMENT, SHARE AND FOLLOW ME FIRST IF YOU FIND THIS HELPFUL AND ARE PLANNING TO DOWNLOAD THIS PRESENTATION, AND GIVE CREDITS. THANK YOU X
Akkadian Empire- ang pinakaunang naitatag na imperyo.
Araling Panlipunan 8
*This presentation only contains the Akkadian Empire, for other resources please visit another site.*
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Assyrian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Assyrian
Kabihasnang India at ang mga Imperyong Maurya, Gupta at Mughalria de los santos
Pagsibol ng sinaunang kabihasnang India,at ang mga Imperyong Maurya, Gupta at Mughal, Sistemang Caste, maging ang pagbabawal ng pagsasagawa ng suttee sa panahon ni Aurangzeb
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Akkadian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Akkadian
Ang kabihasnan ng Mesopotamia ay puno na yaman sa impormasyon at kultura. Alamin natin ang mga kabihasnan na nabuo sa panahon ng mesopotamia. Mula sa mga Sumerian hanggang sa Persian inyo itong matututuhan. Sanay makatulong ito sa inyong pag-aaral at sa kahit ano mang bagay. Maraming maraming salamat.
Abbasid Caliphate
Noong 762, ang kabisera ng imperyong Muslim ay inalis sa Damascus sa Syria. Bilang hudyat ng pagtatag ng Abbasid Caliphate, ang kabisera ay inilipat sa Baghad sa iraq. Subalit hndi naging sapat ang pagkakaroon ng isang panampalataya upang panatilihin ang pagkakaisa ng imperyo.
Malayo sa sakop ng Caliph sa baghad, nangahas ang mga pinunong Muslim sa Spain, Egypt, at iba pang bahagi ng Hilagang Africa na magtayo ng sarili nilang caliphate.
Abbasid Caliphate
v (750-1258 C.E.)
v sentro nito ang Baghdad, Iraq
v tinanghal na “Gintong Pamumuno ng Islam” dahil sa pamumulaklak ng agham, panitikan, at pilosopiyang Islamic
v naging caliph sina Harun al-Rashid (786-809 C.E.) at kanyang anak na si al-Mamun (813-833 C.E.)
v nagtatag ng kolehiyo
v pagtitipon at pagsasalin sa Arabic na mga akdang nakasulat sa wikang Greek, Latin, Hebrew, Sanskrit, at Persian
v lumakas ang kapangyarihang ulama
v matibay na umiral ang batas Sharia sa pamayanang Muslim
Pananalakay ng Mga Turk At Mongol
v napasakamay ng mga Seljuk Turk ang Abassid Caliphate
v mula sa katawagang caliph, pinalitan ang titulo ng mga lider ng Muslim at tinawag na sultan
v ang mga Mongol sa Hilagang Asya ay sumalakay rin sa ilalim ng Abassid
v hindi naglaon, napasailalim ng kapangyarihang Mongol ang halos kabuuan ng rehiyon ng Kanlurang Asya
Ang mga Seljuk Turk
Ang pamumuno ng Imperyong Islam ay nagba-go noong ika-11 na siglo sa paglitaw ng mga Seljuk Turk , isang pangkat ng mga namadiko mula sa Gitnang Asya. Sa ilalim ng kanilang pinunong si Seljuk, sinalakay ang Banghad noong 1055 at inagaw ang Asya Minor mula sa mga haring Byzantine.
Katulad ng mga naunang Caliphate, tinupad ng mga Seljuk Turk ang tungklin nito bilang tagapagtanggol ng banal na lungsod ng Jerusalem. Ito ang naging dahilan upang maglunsad ng Krusada ang mga kristiyanong hari sa Europe upang bawiin ang Jerusalem mula sa Seljuk Turk.
Mga Mongol
Noong 1200, bumagsak ang kapingyarihan ng Seljuk Turk sa bagsik ng pakikipagdigma ng mga mongol. Ang mga Mongol ay mula sa kasalukuyang Mongolia. Sila ay ang mga namadiko na nagaalaga ng tupa at kabayo. Mahusay sila sa pangangabayo at paggamit ng pana.
Noong 1206 pinagbuklod ni Genghis Khan ang mga angkang Mongol at nag lunsad ng kampanyang lupigin ang mga kalapit na kahariaan at imperyo. Subalit wala silang konsepto ng estado ng politikal na pagkakaisa. Hindi nagtatagal at nawala rin sa kanilang kamay ang mga lupaing nasakop.
The End
Salamat Po sa Pakikinig
Jean Raven Avila ))
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
3. Ang pangunahing imperyong itinatag ng mga
Persyano sa pamumuno ni Achaemenes ay kilala
bilang Imperyong Achaemenid.
Nasa Talampas ng Persia (Iran) ang sentro
ng Imperyong ito.
4. 550 BCE
Sa ilalim ni Cyrus the Great, sinimulang
sakupin ng mga Persyano ang mga Medes at
Chaldean ng Mesopotamia. Magkakasunod na
sinakop ni Cyrus the Great ang Babilonya,
Palestina, Syria, at ang buong Anatolia
525 BCE
Idinagdag ang Ehipto sa Imperyong Achaemenid
ng anak niyang si Cambyses.
5. Sa ilalim naman ng pamumuno ni Darius the Great,
naabot ng Imperyong Achaemenid ang pinakamalawak
nitong sakop nang maisama ang isang bahagi ng India rito.
Ipinagpatuloy ni Xerxes ang kampanyang militar sa
Greece subalit nabigo ang mga Persyano.
6. Tumagal ang Imperyong Achaemenid nang
mahigit sa 200 taon dahil na rin sa kahusayan ng mga
unang pinunong Achaemenid sa pagtatatag ng mga
imprastuktura sa pangangasiwa sa pamahalaan.
Ang isa pang sanhi ng pagtagal ng imperyong ito
ang pagiging maliliksi at mahuhusay na mandirgma ng
mga Achaemenid. Ang mga pinuno nito ay walang
kapaguran sa pagsakop sa mga lupain at kung mayroon
mang mga pag-aalsa, agad nilang pinupuksa ang mga ito.
Karagdagan pa, ipinalaganap din nila ang makatuwirang
katarungan para sa kanilang mga nasasakupan.
7. Ang mahusay at mabuting pangangasiwa ng mga pinunong
kahusayan sa administrasyon. Hinati nila ang nasakupang
lupain sa mga satrapy o lalawigan na pinamumunuan ng
satrap o gobernador.
Mayroon silang tungkulin na mangulekta ng tributo,
panatilihin ang kaayusan, at pigilin ang mga grupong
barbaro na salakayin ang kanilang teritoryo.
Mga Persian Satrap
8. Nagpagawa ang mga satrap ng isang royal road o
daang maharlika na may habang halos 1,200 milya mula
Sardis hanggang sa Susa kung saan matatagpuan ang sentro
ng imperyo.
Sa kahabaan ng naturang daan, may humigit kumulang
80 istasyon kung saan maaaring magpalit ng kabayo ang mga
sugo.
Layunin ng proyektong ito na mapabilis ang
paglalakbay ng mga opisyal, mga inspektor, mga mensahero,
pati na rin ang mga mangangalakal.
Royal Road
9. Bigyang-halaga rin ng mga pinunong Achaemenid ang
pagkakaroon ng isang mabisang sistema ng komunikasyon.
Pinag-ugnay-ugnay nila ang mga lupaing nasasakop nila sa
pamamagitan ng mga hanay ng kalye na ginagamit ng mga
tiga-ulat ng hari.
Nakatulong din ng malaki ang mga kalyeng ito sa
pagpapadali ng kilos ng mga kawal upang supilin ang mga
pagaalsang nagaganap sa iba’t-ibang bahaging imperyo.
Dagdag pang ang Sistema ng koreo ay pinatatag para
sa mabilisang paghahatid ng komunikasyon mula sa sentro
patungong probinsya.
10. Ang wikang ginagamit sa pagnenegosyo at sa estado
ay Aramaic.
Ipinatupad sa loob ng imperyo ang paggamit ng mga
barya sa pagbili ng mga produkto. Naging pare-pareho rin
ang yunit na pagsukat at pagtimbang.
Naging ambag din ng mga Persyano ang court
etiquette o kasalan sa loob ng palasyo ng emperador.
Naging batayan ito ng mga kahariang umusbong sa Asya at
Europa.
11. Sa panahon ng pamamayagpag ng Imperyong Persian
(Achaemenid), may isang ispiritwal na guro na kilala bilang
Zarathustra (at Zoroaster sa wikang Griyego), ang
nagsimulang mangaral sa mga magsasaka at
malasendetaryong pastol na nakatira sa bahaging timog ng
Dagat Aral sa silangang bahagi ng Iran.
Ang tradisyunal na hangganang ito sa pagitan ng
sendentaryong Persia at ng nomadikong grupo ng steppe ng
Gitnang Asya ay madalas na entablado ng mga
pandarambong at digmaan. Kaya naman, naging madali sa
mga ito ang pagtanggap sa mga aral ni Zoroaster sapagkat
nais na nilang magbago.
Ang Zoroastrianismo
13. Ang imperyo ni Alexander the Great ang isa sa
pinakamalakas na imperyong nakilala sa buong mundo. Higit
itong malawak kaysa sa Imperyong Achaemenid.
Nang mapasailalim na sa kapangyarihan ni Alexander
the Great ang Gresya, binigyang-pansin niya paghihiganti sa
Imperyong Persyano.
Ang pananakop ni Alexander the Great (336
BCE-323 BCE)
14. Pinangunahan ni Alexander the Great ang isang
hukbo na binubuo ng 35,000 na kawal upang tawirin ang
Hellespont mula sa Europa patungong Asya. Sa lugar na ito,
sinalubong sila ng hukbong Persyano at naganap ang isang
labanan sa Ilog Granicus. Nagapi ng pwersa ni Alexander
ang mga Persyano at ang tagumpay na ito ang nagbukas sa
Asya para kay Alaxander the Great.
334 BCE
333 BCE
Narating ni Alexander ang dalampasigan ng Syria.
15. Pagbagsak ng Tyre pagkatapos ng 7 buwang
pagkubkob. Gumamit ang hukbo ni Alexander ng mga
sandatang tulad ng battering ram at catapult na
nagpakilala ng panibagong panahon at taktika sa
pakikidigma.
332 BCE
16. Sa Labanan ng Gaugamela, nagwagi ang hukbo ni
Alejandro ang Dakila laban sa mga Persyano sa ilalim ng
pamumuno ni Dario III, ang pinakahuling hari sa panahong
Achaemenid. Dito nagawakas ang 200-taong pamamayani ng
mga Persyan sa Kanlurang Asya at sa Ehipto.
Naging simula na ito ng pagsasailalim ng Imperyong
Achaemenid sa Imperyong Helenistiko na nilalayong itatag
ni Alexander the Great. Ang pagsalakay na ito ni Alexander
at ang pagpasok ng mga Griyego sa Kanlurang Asya, sa
Hilagang Asya at sa hilagang bahagi ng India ang nagbigay-
daan sa pagusbong ng kalinangan Helenistiko.
331 BCE