2. Paglaki ng Sukat ng Utak
Ang Karaniwang Sukat ng Utak ng Australopithecus ay 400 hanggang 500 cc. samantala sa mga
unang species ng Homo ang utak ay may volume na 600 hanggang 750 cc. Umabot ito sa higit 1,500
cc sa modernong Homo Sapiens. Nakakatulong ang paglaki ng utak upang harapin ng sinaunang
homid ang mga hamon sa kanyang kapaligiran.
3. Pagbabago sa kamay at
paggawa ng Kagamitang bato
Ang Panahon ng Bato o Stone Age ay isang malawak na kapanahunang prehistoriko kung kailan at
saan gumagamit ang mga tao ng bato para sa paggawa ng kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa
mga dalubhasa sa paksa ito ay nahahati sa tatlo. Ito ay Paleolitiko, Mesolitiko at Neolitiko. Nagmula
ang lithic o litiko mula sa salitang griyego na nangangahulugang “ng bato” at tumutukoy sa mga
materyales na ginagawa sa mga kasangkapan at pagbuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang
ngayon ay mayroon pa ring nga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas
masasabing pagkaroon pa rin ng “panahon ng bato”. Ilan sa mga halimbawa ng aborihines o
Aboriginal ng Australya at ang mga Taong Palumpong ng South Aprika.
4. Ngipin; Paglaki ng Canine at
Pagliit ng Molar
Ang Anyo ng Ngipin ng Homonid ay batay sa mga gamit nito. Kaya ang Anyo o Itsura ng ngipin ay
depende sa kinakain ng mga homonid. Kapansin pansin ang pagkaroon ng matulis at nakausling
canine at premolar at malaking molar ng mga Australopithecus. Malaki ang mga buto ng panga at
Australopithecus Boisei at Australopithecus Rosbustus. Ito ay dahil kailangan nila para hiwain,
nguyain, at duruin ang magaspang, fibrous at minsan matigas na pagkain sa savanna.