9. Yamang Lupa
Isa sa mga mga likas na yaman ng bansa ay ang yamang-
lupa, ito ang mga bagay na makukuha natin sa anyong lupa
(bundok, kapatagan, burol). Mahalaga ito sapagkat ito ang
nagbibigay buhay sa ating pananim, dito rin tayo nakakaani
ng palay, gulay at mga prutas.
Halimbawa:
• Palay
• Gulay
• Prutas
11. Yamang Tubig
Ikalawang pangunahing likas na yaman naman klas
ay ang yamang-tubig, ito ang mga bagay na
nakukuha natin sa anyong tubig( ilog, dagat, golpo).
Mahalaga ang yamang tubig sapagkat dito tayo
kumukuha ng isda, pinagkukunan ng inumin at
ginagawang paliguan.
Halimbawa:
• Isda
• Corales
• Perlas
13. Yamang Mineral
Dito naman tayo sa yamang-mineral. Ito ang mga bagay
na namimina at nakukuha sa kabundukan o ilalim ng
lupa. Mahalaga ang yamang mineral sapagkat
nakatulong ito sa ating pag-unlad.
Halimbawa:
• Ginto
• Bakal
• Tanso
15. Yamang Gubat
Ikaapat na likas na yaman ng bansa ay ang kagubatan.
Ito ang mga bagay o hayop na matatagpuan sa
kagubatan. Mahalaga ang kagubatan dahil nakakatulong
ito sa mga sakuna, tulad na lamang ng baha.
Halimbawa:
• Punong kahoy
• Orkidyas
• Usa