Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
FILIPINO-wastong-gamit-ng-mga-salita.pptx
1.
2. 1. Ang Pinto (door) ay bahugi ng bahay. Ito'y
isinasara at ibinubukas.
Halimbawa:
Ang pinto ng kanilang bahay ay yari sa nara
Ang Pintuan (doorway) ay ang kinatatayuan
ng into na siyang dinaraanan, papasok o
palabas.
Halimbawa:
Maraming sagabal sa pintuan.
2. Ang Hagdan (stairs) ay bahagi ng bahay na
inaakyatan. Ito'y may mga baytang na tatlo o
lima o higit pa.
Halimawa:
Malapad ang hagdan ng kanilang bahay.
Ang Hagdanan (stairway) naman ay ang
kinatatayuan ng hagdan.
Halimbawa:
Maluwang ang hagdanan kaya't hindi umangkop ang
hagdan
3. Ang Pahirin (to wipe) ay
nangangahulugang alisin sá
pamamagitan ng pagpunas ng dumi.
Halimbawa:
Pahirin mo ang putik sa iyong
sapatos.
Ang Pahiran (to apply) ay
ginagamit para maglagay sa
pamamagitan ng pagpunas
Halimbawa:
Pahiran mo ng floor wax ang sahig.
3. 4. Ang Subukin (to try) ay nangangahulugung tingnan,
tikman o kilatisin.
Halimbawa:
Subukin mong patakbuhin ang motor niya.
Ang Subukan (to spy) ay nangangahulugan namung
subuybayan o alamin nang palihim.
Halimbawa:
Sinusubukain niyang alamin ang tinitirhan ng
kanyang bagong kaibigan.
5. Ang Kong (possessive pronoun) ay buhat sa
panghalip na ko na nilalagyan ng pang-angkop na
ng.
Halimbawa:
Ang bago kong damit ay regalo niya.
Ang Kung (if) naman ay ginagamit na pangatnig.
Halimbawa:
Sasama ako kung papayag ang aking ina.
4. 6. Ang Ooperahin ay nangangahulugan
ng pag- alis ng isang bahagi sa
katawan ng tao
Halimbawa:
Ooperahin sa puso ang aking tiyo.
Ooperahan naman ay ginagamit kung
tumutukoy sa tao at hindi sa bahagi ng
katawan ng tao.
Halimbawa:
Ooperahan si Mark sa Lunes ng
umaga.
7. Ang Ng ay pang-ukol na
nagpapakilala ng pangngalang paari
Halimbawa:
Nasira ang pinto ng kotse.
Ang Nang ay nangangabulugang noon
o isang pang-ugnay (conjunction).
Halimbawa:
Natutulog ako nang tumunog ang
telepono, Nang dumating ako, wala si
Inay sa bahay
8. Ang Walisin ay tumutukoy sa
bagay na aalisin.
Halimbawva:
Walisin mo ang mga nagkalat na
papel sa sahig.
Ang Walisan naman ay tumutukoy
sa lugar na dapat linisin.
Halimbawa:
Walisan mo ang harap ng bahay
mo araw-araw.
9. Ang Dingas ay tumutukoy sa apoy.
Halimbawa:
Ang dingas ng kalan ay nakaluluto.
Ang Ningas naman ay
nagpapahiwatig ng lakas ng dingas
o apoy.
Halimbawa:
Bawasan mo ang ningas ng kalan
5. 10.Ang Ikit ay pagligid na paloob o mula sa labas ng kabilugan patungo
sa loob.
Halimbawa:
Ang ikot ng sinulid ang siyang nagpasama ng takbo ng makina.
Ang Ikot naman ay ang pagligid na palabas o mula sa
loob patungong labas.
Halimbawa:
Umikot-ikot muna siya sa mall bago lumabas.