(PARABULA)
Parabula
• Marami sa atin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at
panitikang galing sa ibang bansa. Isa na rito ang parabula na
nagbigay gabay sa atin para magkaroon tayo ng magandang-
asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa
kulturang pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang
panalangin hanggang sa dumating ang mga dayuhan gaya ng
mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo.
• Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo,
at ngayon marami na silang pinakilalang iba’t ibang uri ng
panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita ang
kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para
magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.
• Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang
mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika ng mga
taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego
na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang
bagay upang pagtularin.
Parabula
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong
patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan
na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang
katangian nito ay pagiging isang kwentong naglalahad o
nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay
sa iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang
nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na
nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng
Diyos.
Parabula
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao.
Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring
may sangkap ng misteryo.
Halimbawa:
Ang Alibughang Anak
• Parabula ng Sampung Dalaga
• Ang Mabuting Samaritano
• Parabula ng Nawawalang Tupa
• Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
• Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
• Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
• Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
ELEMENTO NG PARABULA
1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na
hinango sa Banal na Bibliya na maaaring
makapagbigay ng magandang aral sa
mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring
ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng
kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang
tagpuan ng kuwento o may mga pagkakataong hindi
na ito nababanggit sa parabula.
ELEMENTO NG PARABULA
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod
ng mga pangyayaring naganap sa kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa
matapos
• mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng
parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa
banal na Bibliya
Ano ang Parabula?
• Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng
pagtutulad at metapora upang Mabigyang-
diin ang kahulugan.
• Ang mga halimbawa ng parabula ay ang
mga kuwento na hinango sa banal na
Bibliya.
• Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan
ay nagbibigay ng malalim na kahulugan at
binibigyang - diin ang aral sa kuwento.
Basahin ang parabula sa ibaba na pinamagatang “Ang Matalinong
Haring si Solomon”. Pagkatapos sagutin ang tanong sa bawat
gawain
Ang Matalinong Haring si Solomon
1 Hari 3:3-28; 4:29-34.
Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova
at sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay
Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang
gusto mong ibigay ko sa iyo?”
Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi
ako marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko
ang inyong bayan sa tamang paraan.”Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon.
Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng mahabang
buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinumang tao na
nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.”
Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit
kay Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at
dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya,
samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang
patay na sanggol.”
Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa
kaniya!” Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
Nagpakuha siya ng espada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan
ang mga babae ng tigkakalahati!”
Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata!
Ibigay na lang ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa
amin ay huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.”
Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa
unang babae. Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal
ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae
huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa
pagkakaroon ng gayon katalinong hari.
Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang
pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang
bahay. Sagana sila.
Gawain 1: Pag-ugnayin batay sa naunawaan mong mensahe sa parabula.
Ilahad ang mga bahagi/ pangyayaring nagsasaad ng kabutihan,
katotohanan at kagandahang asal.
Parabula: Ang
Matalinong Haring
si Solomon
Kabutiha
n
Katotoha
nan
Kagandahang
Asal
Gawain 2: Patunayan Mo! Tingnan natin kung ano ang
inyong mga natutuhan sa aralin. Punan ng tamang
salita.
1. Ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang
kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na maaaring
makapagbigay ng magandang aral sa mga mambabasa.
_
2. Ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang
kwento ay .
3. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga
kuwento ay nasa Banal na Kasulatan ay __ .
• 4-5. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole
nanangangahulugang
• _ ang dalawang bagay upang _.
6. Ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay
tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at
panahon
7. Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento
na hinango sa banal na _.
8. Ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring
naganap sa kuwento
9. Isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at
metapora upang Mabigyang- diin ang kahulugan.
10. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at
maaaring may sangkap ng .
Gawain 3: Pag-ugnayin ang mga Pangyayari. Maghanap ng mg
pangyayari sa parabula na pwede mong iugnay sa pangyayaring
naranasan mo sa totoong buhay.
Pangyayaring mula sa
Parabula
Pangyayaring naranasan sa
totoong buhay
Balikan
•Sa nakaraang paksang-aralin ay tinalakay
natin ang tungkol sa parabula at ang mga
elemento na napapaloob sa parabula.
•Ang parabula ay isang kuwento ngunit
gumagamit ito ng pagtutulad at metapora
upang mabigyang diin ang kahulugan.
Balikan
Ang mga halimbawa ng mga parabula ay
ang mga kuwento na hinango sa banal
na Bibliya. Tinalakay din natin ang iba’t
ibang elemento ng parabula. Ito ay ang
mga sumusunod: Tauhan, Tagpuan,
Banghay, Aral o magandang kaisipan
Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
• Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman
na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito
ang kaniyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat
ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko?
Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Alam ko na
ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan!”
• Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.
Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?”
Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.” “Heto ang kasulatan ng
iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo,
• gawin mong limampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw,
gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo
ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
• At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo
ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking
bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong
ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang
para sa inyo?” “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang
panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran
nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng
sabay sa Diyos at sa kayamanan. “Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si
Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng
inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-
suklam sa paningin ng Diyos.”
Suriin
• Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa
isang tao. Kapag ito ay mawala hindi ka na sigurado kung
pagkakatiwalaan ka niyang muli.
• Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na
huwag maging manloloko. Ang kanyang katiwala ay nilustay
ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay pinagdudahan
siya ng kanyang amo.
Suriin
• Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na
kailangan gamitin natin ang ating kayamanan sa tama.
Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid ni
Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang
makamundong gawain kaysa sumunod sa utos ng Diyos.
Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling. Minsan
din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may
tiwala.
• Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa
dalawang amo. Dahil ang isa ay pupurihan niya at ang isa
ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng
pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa
Panginoon. Minsan kasi ang tao ay mas gusto pang kumita
ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Suriin
• Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na
tayong ginagawa. Nasisilaw tayo sa pera kaya minsan
nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa panahon ngayon
mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil
ang iba ay abala sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng kagipitan
lamang tayo tumatawag sa Panginoon.
• Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin
natin nang maayos ang desisyon na ating gagawin dahil
nasa huli ang pagsisi.
GAWAIN 1:
Parabula: Ang Tusong Katiwala
Nagustuhan Hindi
Nagustuhan
Natutuhan
Pagsasalaysayat Pang-ugnay
Mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
• Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
madagdagan o di - kaya ay mapag-iisa ang
pangyayari o mga impormasyon.
• Kabilang din sa pagsasalaysay ang
pagpapahayag ng resulta o maaaring
kinalabasan ng pangyayari
• Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng
mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga
salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya
sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na
cohesive devices ang ganitong salita.
Mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay
Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang
Filipino, tinatawag na pang- ugnay ang mga ito. Sa
pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa
bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang
mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na
pangugnay na ginagamit sa pagsasalaysay.
Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon
tungkol dito upang mabatid kung paano
makatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.
Narito ang mahahalagang gamit nito:
A. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
- Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito
sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng
mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga
salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa
pa, at gayon din.
Narito ang mahahalagang gamit nito:
B. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
-Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng
paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin,
paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng
bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na at
kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging
ito ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya,
kaya naman, tuloy at bunga.
Gawain 2: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa
binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong ang
angkop na pang-ugnay .
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa
palengke. 1.( Noong ito’y, At nang ito’y) kanyang inuwi sa
bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog
ito. 2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay
ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan!
Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan!
3(Gayun pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa
isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, 4. (hindi na,
kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng
babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng
manok.
5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na
baka kapag pinakain niya nang pinakain ang
manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6.
(Dahil sa, Ganoon) nga ang kanyang ginawa.
Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang
sa ito’y mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa),
namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-
sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang 8. (dahil
sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan, ang manok ay
namatay. 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang
nawalan.
Gawain 4: Pumili ng isang paksa na gagamitin sa pagsulat
ng isang sananaysay/ kuwento o pangyayari. Salungguhitan
ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat.
Mga Paksang Pagpipilian:
1. EDUKASYON
2. PAMILYA
3. PANGARAP
4. PROPESYON
Palala: Isulat sa kalahating bahagi ng papel
Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka,
narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at
pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng
bukirin. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi
makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na
nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama
ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Nilagyan ng ama
ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.
Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon.
Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi
nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng
ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa
panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang
maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking
inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon
ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto,
inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak
sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat
ng ama. “Ano ang iyong napuna?”, bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot.
Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at
hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin
niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?”
,nagugulumihanang tanong ng anak. Nagsimulang
magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang
proseso ng carrot,
itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa
kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang
carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag
subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging
malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may
puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa
loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan.
Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa
kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa
kanila? tanong ng ama sa anak. “Ngayon, nais kong ikintal
mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
Gawain 1. Pag-unawa sa Nilalaman: Sagutin
ang mga tanong.
1. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng kuwento?
2. Ang ibinigay na halimbawa ng ama ay nagbigay ng linaw sa bata.
Ihambing sa buhay ng tao ang ibinigay na halimbawa ng ama.
3. Naging malinaw ba sa anak ang ipinaliwanag ng ama tungkol sa
pananaw ng kahirapan na kanilang kinakaharap? Patunayan.
4. Kung umabot man sa iyo ang ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin?
5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng pinakulong tubig sa kuwento.
Gawain 4: Magbigay ng pangyayari sa iyong buhay
na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga
tauhan sa binasang kuwento.
Gumawa ng Photo Collage na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong sa pagiging
matatag. Ipaliwanag nang maayos ang collage. Maaaring gumupit ng mga larawan sa
magazine o kumuha ng larawan sa internet. Gawing batayan ang rubrik sa
pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito.
Rubriks sa Pagmamarka ng Photo Collage
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at paliawanag
ay tumutugma sa paglalalrawan at
konsepto ng isang isyu at hamong
panlipunan
5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang
impormasyon.
3
Organisasyon Kumprehinsibo ang daloy ng pagawa ng
photo collage
3
Pagkamalikhain May istilo sa pagsasaayos ng photo collage.
Gumamit ng mga angkop na desinyo at kulay
upang maging kaayaya ang kaanyuan ng
produkto
4
Kabuuan 15

Filipino 10 : Panitikang MedeterenianUri ng Panitikan: Parabula

  • 1.
  • 2.
    Parabula • Marami saatin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at panitikang galing sa ibang bansa. Isa na rito ang parabula na nagbigay gabay sa atin para magkaroon tayo ng magandang- asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa kulturang pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang panalangin hanggang sa dumating ang mga dayuhan gaya ng mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo. • Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo, at ngayon marami na silang pinakilalang iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita ang kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para magkaroon ng matiwasay na pamumuhay. • Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.
  • 3.
    Parabula Isa itong maiklingsalaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang kwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
  • 4.
    Parabula Ang parabula ayrealistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Halimbawa: Ang Alibughang Anak • Parabula ng Sampung Dalaga • Ang Mabuting Samaritano • Parabula ng Nawawalang Tupa • Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa • Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin • Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano • Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
  • 5.
    ELEMENTO NG PARABULA 1.Tauhan • Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa. 2. Tagpuan • Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. • Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.
  • 6.
    ELEMENTO NG PARABULA 3.Banghay • Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa kuwento 4. Aral o magandang kaisipan • Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos • mabasa ang isang kuwento. • Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya
  • 7.
    Ano ang Parabula? •Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang Mabigyang- diin ang kahulugan. • Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na Bibliya. • Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na kahulugan at binibigyang - diin ang aral sa kuwento.
  • 8.
    Basahin ang parabulasa ibaba na pinamagatang “Ang Matalinong Haring si Solomon”. Pagkatapos sagutin ang tanong sa bawat gawain Ang Matalinong Haring si Solomon 1 Hari 3:3-28; 4:29-34. Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?” Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa tamang paraan.”Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinumang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.” Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya, samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.” Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa kaniya!” Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
  • 9.
    Nagpakuha siya ngespada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang mga babae ng tigkakalahati!” Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa amin ay huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.” Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae. Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari. Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana sila.
  • 10.
    Gawain 1: Pag-ugnayinbatay sa naunawaan mong mensahe sa parabula. Ilahad ang mga bahagi/ pangyayaring nagsasaad ng kabutihan, katotohanan at kagandahang asal. Parabula: Ang Matalinong Haring si Solomon Kabutiha n Katotoha nan Kagandahang Asal
  • 11.
    Gawain 2: PatunayanMo! Tingnan natin kung ano ang inyong mga natutuhan sa aralin. Punan ng tamang salita. 1. Ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mga mambabasa. _ 2. Ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento ay . 3. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan ay __ . • 4-5. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole nanangangahulugang • _ ang dalawang bagay upang _.
  • 12.
    6. Ang pinangyarihanng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon 7. Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na _. 8. Ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento 9. Isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang Mabigyang- diin ang kahulugan. 10. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng .
  • 13.
    Gawain 3: Pag-ugnayinang mga Pangyayari. Maghanap ng mg pangyayari sa parabula na pwede mong iugnay sa pangyayaring naranasan mo sa totoong buhay. Pangyayaring mula sa Parabula Pangyayaring naranasan sa totoong buhay
  • 14.
    Balikan •Sa nakaraang paksang-aralinay tinalakay natin ang tungkol sa parabula at ang mga elemento na napapaloob sa parabula. •Ang parabula ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang mabigyang diin ang kahulugan.
  • 15.
    Balikan Ang mga halimbawang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na Bibliya. Tinalakay din natin ang iba’t ibang elemento ng parabula. Ito ay ang mga sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Aral o magandang kaisipan
  • 16.
    Ang Tusong Katiwala (Lukas16:1-15) Philippine Bible Society • Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan!” • Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?” Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo,
  • 17.
    • gawin monglimampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito. • At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. “Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam- suklam sa paningin ng Diyos.”
  • 18.
    Suriin • Ang pagtitiwalaang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay mawala hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli. • Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging manloloko. Ang kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay pinagdudahan siya ng kanyang amo.
  • 19.
    Suriin • Ipinakita niHesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin ang ating kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid ni Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain kaysa sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling. Minsan din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala. • Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa ay pupurihan niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao ay mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
  • 20.
    Suriin • Kapag panahonna ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa. Nasisilaw tayo sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa panahon ngayon mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba ay abala sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng kagipitan lamang tayo tumatawag sa Panginoon. • Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.
  • 21.
    GAWAIN 1: Parabula: AngTusong Katiwala Nagustuhan Hindi Nagustuhan Natutuhan
  • 22.
    Pagsasalaysayat Pang-ugnay Mga pilingpang-ugnay sa pagsasalaysay • Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang madagdagan o di - kaya ay mapag-iisa ang pangyayari o mga impormasyon. • Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari • Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita.
  • 23.
    Mga piling pang-ugnaysa pagsasalaysay Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang- ugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pangugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.
  • 24.
    Narito ang mahahalaganggamit nito: A. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon - Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
  • 25.
    Narito ang mahahalaganggamit nito: B. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal -Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
  • 26.
    Gawain 2: Basahinang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay . May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1.( Noong ito’y, At nang ito’y) kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. 2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! 3(Gayun pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, 4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok.
  • 27.
    5. (Upang, Nang)makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon) nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok. Sising- sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang 8. (dahil sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.
  • 28.
    Gawain 4: Pumiling isang paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang sananaysay/ kuwento o pangyayari. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat. Mga Paksang Pagpipilian: 1. EDUKASYON 2. PAMILYA 3. PANGARAP 4. PROPESYON Palala: Isulat sa kalahating bahagi ng papel
  • 29.
    Mensahe ng Butilng Kape “The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean” (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo ) Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
  • 30.
    Makalipas ang dalawampungminuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?”, bulong ng ama. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” ,nagugulumihanang tanong ng anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,
  • 31.
    itlog, at butilng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak. “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
  • 32.
    Gawain 1. Pag-unawasa Nilalaman: Sagutin ang mga tanong. 1. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng kuwento? 2. Ang ibinigay na halimbawa ng ama ay nagbigay ng linaw sa bata. Ihambing sa buhay ng tao ang ibinigay na halimbawa ng ama. 3. Naging malinaw ba sa anak ang ipinaliwanag ng ama tungkol sa pananaw ng kahirapan na kanilang kinakaharap? Patunayan. 4. Kung umabot man sa iyo ang ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? 5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng pinakulong tubig sa kuwento.
  • 33.
    Gawain 4: Magbigayng pangyayari sa iyong buhay na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento.
  • 34.
    Gumawa ng PhotoCollage na nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong sa pagiging matatag. Ipaliwanag nang maayos ang collage. Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o kumuha ng larawan sa internet. Gawing batayan ang rubrik sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing ito. Rubriks sa Pagmamarka ng Photo Collage Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at paliawanag ay tumutugma sa paglalalrawan at konsepto ng isang isyu at hamong panlipunan 5 Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. 3 Organisasyon Kumprehinsibo ang daloy ng pagawa ng photo collage 3 Pagkamalikhain May istilo sa pagsasaayos ng photo collage. Gumamit ng mga angkop na desinyo at kulay upang maging kaayaya ang kaanyuan ng produkto 4 Kabuuan 15