6. SALAMAT O DIYOS
SA PAGMAMAHAL MO SA AKIN
“Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay.
Hindi ko hinanap ngunit aking natagpuan.
Hindi ko hiniling ngunit ipinagkaloob sa akin
Hindi pa man nasasambit ng aking mga
labi, mga panalangin ko ay agad na dininig.
7. Kapag nagkamali laging handang
patawarin
Naligaw man ng landas, sa isang pag
tawag ko agad akong sasaklolohan
Kahit sa paningin ko hindi ako
karapat-dapat,
Biyaya at pagmamahal laging higit sa
sapat.
8. O Diyos na dakila, sino pa ba ang
hihigit sa Inyo?
Taglay ninyong kapangyarihan tunay
na walang hanggan.
Pag-ibig Ninyo sa amin ay walang
katapusan!
Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa
akin, buhay ko ngayon ay may
kabuluhan.”
10. Isipin mong mabuti. Kapag
ikaw ay nagkamali,
pinagsasabihan ka ng iyong
mga magulang. Bakit nila ito
ginagawa? Itinatama lamang
nila ang iyong maling kilos at
gawi. Ipinauunawa nila sa iyo
ito upang hindi ka na ulit
magkamali.
11. Ang pagmamahal ng Diyos ay
wagas at hindi nagbabago
kailanman at kanino man. Mula
sa ating pagkasilang hanggang
sa tayo ay bawian ng buhay,
hindi tayo iniiwan ng Diyos,
maging sa panahon ng
kalungkutan o mga suliranin.