This document presents 6 scenarios involving smoking in public or private places and asks what someone in each situation should do. The scenarios include a driver smoking in a car with students, someone smoking next to someone waiting for a bus, someone smoking at an outdoor restaurant table, an aunt smoking in a home where smoking is not allowed, a child worried about staying with a friend whose family smokes, and a child who doesn't like the smell of his uncle smoking while watching TV together. It concludes with a reference to the image sources.
The document discusses Hellen Keller, who was born deaf and blind but overcame her disabilities with the help of her teacher Anne Sullivan. It provides a brief biography of Keller, noting that she was born in 1880 and became deaf and blind at 19 months old. It also lists some of the books about Keller and her accomplishments in working to help others who are blind or deaf.
This document presents 6 scenarios involving smoking in public or private places and asks what someone in each situation should do. The scenarios include a driver smoking in a car with students, someone smoking next to someone waiting for a bus, someone smoking at an outdoor restaurant table, an aunt smoking in a home where smoking is not allowed, a child worried about staying with a friend whose family smokes, and a child who doesn't like the smell of his uncle smoking while watching TV together. It concludes with a reference to the image sources.
The document discusses Hellen Keller, who was born deaf and blind but overcame her disabilities with the help of her teacher Anne Sullivan. It provides a brief biography of Keller, noting that she was born in 1880 and became deaf and blind at 19 months old. It also lists some of the books about Keller and her accomplishments in working to help others who are blind or deaf.
Rajit gives some boys drugs during their school break, telling them it will help relax them. The boys start acting strangely, and some girls discover what happened. They try to help the boys come down from their high. When confronted, Rajit admits he uses drugs to deal with school pressures. The girls and boys come together to support Rajit and help him find healthier ways to cope with stress. The story aims to teach teenagers to say no to drugs.
This document summarizes the characters and first two scenes of William Shakespeare's play "A Midsummer Night's Dream." It introduces the main characters including Theseus, Hippolyta, Hermia, Lysander, Demetrius, Helena, and Nick Bottom. In scene one, Hermia's father demands she marry Demetrius, but she wishes to marry Lysander. In scene two, Nick Bottom and other craftsmen discuss performing a play for the upcoming wedding of Theseus and Hippolyta. Bottom wants to play a role that allows ranting and raving.
Rajit gives some boys drugs during their school break, telling them it will help relax them. The boys start acting strangely, and some girls discover what happened. They try to help the boys come down from their high. When confronted, Rajit admits he uses drugs to deal with school pressures. The girls and boys come together to support Rajit and help him find healthier ways to cope with stress. The story aims to teach teenagers to say no to drugs.
This document summarizes the characters and first two scenes of William Shakespeare's play "A Midsummer Night's Dream." It introduces the main characters including Theseus, Hippolyta, Hermia, Lysander, Demetrius, Helena, and Nick Bottom. In scene one, Hermia's father demands she marry Demetrius, but she wishes to marry Lysander. In scene two, Nick Bottom and other craftsmen discuss performing a play for the upcoming wedding of Theseus and Hippolyta. Bottom wants to play a role that allows ranting and raving.
1. 1
#6
Cruz, Ma. Ellaine M.
TA 4-A
Dula
Storyline
Kaanu-ano ko kayo?
1. Sa isang kwarto, nakaupo si Ben at tumitingin ng photo album.
2. Papasok ang nanay nyang si Teresa at magkakaroon ng usapan ang mag-ina.
3. Lalabas si Ben at maiiwan ang kanyang ina sa kwarto.
4. Tahimik na may malalim na iniisip si Teresa papunta sa isang sulok. Kukuha ng ng
notebook at ballpen, uupo, at magsusulat.
5. Maririnig niya na may paparating kaya’t ililipat sa ibang pahina ang notebook at magsusulat
ulit.
6. Papasok ang kanyang anak, ang asawa na si Benito at isa pang kasama, ang ama ni Ben.
7. Mapapatayo si Teresa, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at kaba. Gayon din ang
reaksyon ng kasama ng kanyang asawa at anak.
8. Kukunin nya ang nakaipit na punit na larawan sa pahinang unang sinulatan, tinitigan ito at
ibinalik ang tingin sa kasama ng anak at ama na si Mang Benjamin.
9. Biglang tumakbo palabas nang kwarto si Teresa, nalaglag ang hawak na litrato. Mapapansin
at pupulutin ito ng kanyang anak.
10. Susundan ni Benito si Teresa palabas ng bahay ngunit pipgilan ito ng kanyang ama at
ipapakita sa kanya ng anak ang hawak na litrato at mapapansing may kakaiba sa litrato na
ito.
11. Mamumukhaan ang nasa litrato at ihaharap sa kanyang ama, makikita at mababasa ang
nakasulat sa likod ng itrato.
12. May maririnig na hiyaw at pagbangga mula sa labas.
13. Mag-iiba ang timpla ng kanyang mukha. Lalapit sa isang drawer at kukunin ang isang
bagay, baril.
14. Itututok ang baril sa umiiyak na anak at nagmamakaawang ama.
15. Magkakaroon ng sagutan ang mag-ama at ipuputok nang apat na beses ang baril.
16. Papasok sa loob ng silid si Teresa. Lalapitan ang anak.
17. Magmamakaawa sa asawang nawalan na ng bait.
18. Magtatalo ang dalawa.
19. Babarilin ang asawa
20. Magbabaril sa sarili.
2. 2
Cruz, Ma. Ellaine M.
TA-4A
Dula
Dulang Kagyat
Kaanu-ano ko kayo?
TERESA, 32, asawa ni Ben Jr.
BENJAMIN, 56, tatay ni Ben Jr.
BENITO. , 33, baog na asawa ni Teresa
BEN, 7, anak nina Ben Jr. at Teresa
TAGPUAN: Study Room
PANAHON: Kasalukuyan
Sa kanang bahagi ng silid ay may hanay ng isang cabinet na puno ng libro at photo album. Sa
ibabaw ng cabinet ay dalawang larawang naka—kwadro. Larawan ng mag-asawang sina
Teresa at Benito at solong larawan ni Ben, Makikita sa kaliwang bahagi ay mesang may drawer,
at upuan. Sa ibabaw ng mesa ay patong ng limang notebook, at tusukan ng mga panulat. Sa
gitnang bahagi ng pader ng silid ay nakasabit ang naka-kwadrong larawan ng buong pamilya.
Unang Tagpo
(Tumitingin ng mga larawan sa photo album si Ben, may pagtataka at may halong ngiti ang
makikita sa kanyang mga mata at labi)
Ben: Ako. Si nanay. Si Tatay. SI Lola.. Bakit kaya wala si lolo? Ayaw kaya nya sa akin?
(Ililipat ang pahina ng photo album). Si Nanay. Si Tatay. Si Lola. Si lolo…wala ulit?
(Magtataka)
Papasok si Teresa.
Teresa: Ben, anak. Anong ginagawa mo? (Makikitang hawak ni Ben ang photo album). Ah!
Tumitingin ka pala ng mga pictures natin. Baby ka pa dyan, ngayon ang laki-laki mo na. Pogi-
pogi ng baby ko. Hmmmp. (Yayakapin nang may gigil ang anak).
Ben: Mommy, bakit wala si lolo sa mga pictures? Ayaw nya po ba sa akin? Galit po ba sila ni
daddy? (Ititigal ang paglipat ng pahina ng photo album)
3. 3
Teresa: Anak, kasi ganito ‘yun. Si Lolo, nasa.. malayong lugar. Malayung-malayo. Iniwan kasi
ni lolo sila daddy at lola mo, nung eight years old pa lang ang daddy mo. May dahilan siguro si
lolo mo nung umalis siya. Kahit nga si mommy, hindi pa nakikita si lolo mo e. At saka anak,
hindi nya ayaw sa’yo at hindi rin sila galit ni daddy. Okay baby?
Ben: Ah. E ilan taon na po si daddy ngayon? Hindi na po niya hinanap si lolo?
Teresa: Thirty three years old na si daddy mo. (Habang nagsasalita, ililipat muli ni Ben ang
pahina ng photo album). Hinahanap rin nya si lolo mo, magdadalawang linggo na rin. Syempre,
gusto nyang makasama at makita ang lolo mo, at ipakilala ka. Matutuwa yun panigurado dahil
may apo na sya na kamukhang kamukha ng anak nya.
Titigil si Ben sa ginagawa.
Ben: Sana makita na ni daddy si lolo, para makita ko na rin sya. Si lola lang po kasi ang laging
nakikipaglaro sa akin e. Sabi po kasi ng mga kaklase ko, masaya rin ang may lolo. (Matatahimik
habang nakatitig ang inang si Teresa na may ngiti sa mga labi habang inaayos ang buhok ng
anak)
Babagsak ang mukha na parang may gusto pang itanong sa ina.
Ben: Mommy, may kuya po kayo?
Teresa: Hmm. Oo. May ate ako saka kuya. Bakit mo natanong, anak?
Ben: Wala naman po. Bakit ako po walang kuya?
Maba-blangko ang mukha ni Teresa, balisang tatayo at mag-aayos kunwari ng mga bagay-
bagay sa loob ng silid.
Teresa: (Balissa). Ah, anak, kasi. Hmm. Hirap magkababy sina mommy at daddy. Sabi nga ng
doktor, hindi kami magkakaanak, kaya sobrang saya namin nung dumating ka sa buhay namin.
(Kakalma). Kami na ata ang pinakamasayang mommy at daddy sa buong mundo.
Mauupo sa upuan si Teresa.
Teresa: Halika ka nga rito.
Lalapit si Ben sa ina.
Ben: Ganun po ba, mommy? Ako naman po ang pinakamasayang anak sa buong mundo. I love
you, mommy. (Magyayakapan ang mag-ina)
Teresa: Mahal din kita, anak. Mahal na mahal. O sige na,
punta ka muna sa room mo, play ka muna dun, may gagawin lang si mommy.
4. 4
Lalabas si Ben.
Ikalawang Tagpo
Hahanapin ni Teresa ang isang notebook na kabilang sa mga notebook na nakasalansan sa
ibabaw ng mesa. Kukuha ng isang panulat.
Teresa: (Magsisimulang magsulat sa kanyang notebook) Pitong taon na ang lumipas mula nang
kalimutan ko ang nangyari sa aking nakaraan. Malaki na si Ben ko. Pero bakit bumalik na naman
ang mga ala-alang hindi ko na gustong maalala pa. Hindi namin anak ng asawa ko si Ben. Baog
ang asawa ko. Marumi akong babae. Pinagsamantalahan ng gagong lasing, ginahasa ako at
nabuo si Ben. Masama akong tao dahil hindi ko sinabi sa asawa ko ang nangyari. Hindi dahil sa
gusto ko siyang lokohin, kundi dahil gusto kong isipin niyang amin ang dinadala kong bata, kahit
na alam naming baog siya. Gusto kong isipin at maramdaman naming kahit papaano ay may pag-
asang magkaanak kami. Pinalaki namin ng buong pagmamahal si Ben. Kitang-kita ko kung
paano arugain at kalingain ng asawa ko ang anak na akala niya ay sa kanya. Maswerte ako at
habang lumalaki si Ben ay medyo hawig nito ang kanyang ama.
Kukunin ang nakaipit na litrato sa notebook.
(Sa litrato habang sinusulat sa likod). Hayop ka! Binaboy mo ako at nabuntis ako! Oo! Ikaw ang
ama ng anak ko! Pero salamat na rin sa bata at ngayon ay may itinuturing na anak ang asawa ko!
Mula sa likod ay maririnig ang boses ng dumating na asawa. Maririnig ni Teresang kausap ni
Benito ang anak. Madaling iiipit ang litrato at ililipat ang pahina ng notebook. Ililigpit ang mga
nakalabas na photo album at babalik sa kinauupuan.
Benito: Teresa! Ben, anak ko! May surprise si daddy!
Benito: Ben, anak. Siya ang daddy ni daddy, si lolo mo, si Lolo Benjamin.
Ben: (Sabik) (kay Benjamin) Hi Lolo Benjamin! Kamusta po kayo? (kay Benito)Daddy! Ang
bait naman po ni Lord, nahanap ninyo na po si Lolo. Hinahanap ko po siya kay mommy kanina
e. Tara po, ipakilala po natin siya kay mommy. Nandoon po siya sa study room.
Ikatlong Tagpo
Nakayuko at nagsusulat ng mga bayarin si Teresa sa parehong notebook ngunit sa ibang pahina.
Benito: (May labis na kaligayahan at pananabik. Papasok sina Ben, Benito at Mang Benjamin)
Teresa. Ang tatay natagpuan ko na.
Teresa: Talaga Benito? (Titigil sa pagsulat at iaangat ang mukha nang nakangiti. Magugulat at
mapapatitig sa kasama ng asawa. Yuyuko at hahanapin ang inipit na litaratong hawak kanina.
Tititigan ang litrato at ibabalik ang tingin sa kasama ni Benito)
5. 5
(Tatayo at lalapit kay Benito) Ba.. bakit mo kasama ang hayop na yan?!
(Kay Benjamain) Hayop ka!? Baboy ka!(Paulit-ulit ang sigaw. Lalapit at susuntukin si Mang
Benjamin sa dibdib.)
Iiyak si Ben pero aaluhin ito ni Benjamin. Kita sa mukha ni Mang Benjamin ang gulat at kaba
habang nakatitig sa nagsisisigaw na si Teresa.
Benito: (Hahawakan ang asawa sa balikat) Teresa! Ano ba ang nangyayari sa’yo?! Siya ang
tatay na matagal ko nang hinahanap! Teresa!
Tatakbo si Teresa palabas ng silid at ng buong bahay. Hindi mapapansing nalalag ang hawak
na litrato. Mapapansin ito g umiiyak na si Ben at pupulutin.
Ikaapat na Tagpo
Mang Benjamin: (Hahawakan sa braso ang patakbong si Benito. Yuyuko) Anak, patawarin mo
ako. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyo. Sa iyo.
Benito: Tay, wala ho kayong kasalanan. Hindi ko ho alam kung anong mayroon sa asawa ko
para masabi ang mga bagay na ‘yun. Paumanhin ho. (Hawak at tinitignan ni Ben ang hawak na
litrato)
Ben: Daddy! Nahulog ni mommy!(Hawak ang likurang bahagi ng damit ni Banito, iaabot ang
hawak na larawan)
Kukunin ni Benito ang litrato. Tititigan at magtataka.
Benito: (Hawak ang litrato. Nagtataka at kinakabahan) Tay, ikaw ‘to hindi ba? Bakit mayroon
si Teresa ng litrato ninyo? (Ihaharap sa ama, kaya makikita ang nakasulat sa likod. Kukunot-noo
at unti-unting maluluha) Anong ibig sabihin nito?! Anong.. anong anak ng nasa litratong ito ang
anak ko?! Ikaw ‘to, hindi ba?! Tay!! (Tutulo ang mga luha)
May maririnig na sigaw.
Teresa! May sasakyan!
Magugulat ang tatlo sa loob ng silid dahil sa malakas na pagbangga. Lalakas ang iyak ni Ben.
Mang Benjamin: (Nangingig at umiiyak) Pa-patawarin mo ako, anak. Hindi ko alam na siya ay
asawa mo. Pitong taon na ang nakaraan. Sirang-sira ang buhay ko mula nang iwan ako ng
babaeng ipinalit ko sa inyo ng ina mo. Walan tigil sa pag-inom. Nagsimula akong gumamit ng
droga. Isang gabing nalasing ako, may nakita akong babae, pinagsamantalahan ko. Pero hindi ko
alam na nabuntis ko ang babaeng ‘yo na asawa pala ng anak ko. At siyang anak mong si Ben
pala, ang apo ako, ang bunga ng pangwawalanghiyang nagawa ko noon.
6. 6
Nakayuko, tahimik at nakakuyom ang nanginginig na kamao, Dahan-dahang lumapit sa mesa.
Binuksan ang drawer at kinuha ang baril.
Nanginginig, umiiyak at takot na takot umatras si Mang Benjamin habang yakap si Ben.
Benito: (Itinutok niya ang baril sa dalawa. Galit na galit at walang tigil ang pagtulo ng mga
luha.) MGA PUTANG INA NYO!
Ben: (Walang igil sa pag-iyak at pagsigaw) Mommy! Mommy! Daddy, tama na, daddy!
Moommmyy!!
Mang Benjamin: (Lumuhod) Anak, ibaba mo ang baril. Patawarin ninyo ako. Aalis ako at hindi
na magpapakita pa. Nakikiusap ako, anak, ibaba mo yan. Lalayuan ko ang asawa at anak mo.
Benito: (Mas lalong gigil ang hawak sa nakatutok na baril sa ama at sa anak) Hindi ko anak
ang batang ‘yan! (Ipuputok ang baril kay Ben) Itinatakwil kita bilang ama ko! (Ipuputok ang
baril kay Mang Benjamin) Hayop! (Ipuputok ang baril kay Mang Benjamin) Magsama kayo sa
impyerno ng anak mo! (Ipuputok ang baril kay Ben)
Ikalimang Tagpo
Papasok sa silid si Teresa at mabibigla sa makikita.
Teresa: (Tatakbo at yayakapin an katawan ng anak na wala nang buhay) Ben! Anak ko! (Aagos
ang luha, punung-puno ng hinagpis ang mukha)
Itataas ang mukha at titingin sa asawa, may nangungusap at nagmamakaawang mga mata.
Teresa: Benito! Parang awa mo na! Tigilan mo na ‘to! Ibaba mo ang baril. Nagmamakaawa ako
sa’yo.
Benito: (Nanghihina pero nakatutok ang baril kay Teresa. Lumuluha) Pinagmukha mo akong
tanga! Pitong taon.. Pitong taon mo akong pinagmukhang tanga at ginawang ama sa batang hindi
ko anak! Batang bunga ng pananamantala ng salaula kong ama!
Teresa: (Dahan-dahang tatayo at lalapit sa asawa) Oo. Pitong taon kong itinago ang lahat
sa’yo. Ginahasa ako ng ama mo! Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Gusto kong ibigay kung
ano ang makakapagpasaya sa’yo. Itinuring ko si Ben bilang isang biyaya mula sa Panginoon
kaya inilihim ko ang nakaraan! (Magtataas ng boses). Inilihim ko sa’yo dahil ayokong ibaon mo
dyan sa kokote mong ...
Benito: Ano!? Sabihin mo kung ano?!
Teresa: (Matatauhang may nasabing hindi maganda) Benito.. itigil mo na ‘to. Patawarin mo
ako. Patawarin mo ako, Benito. (Hahagulgol)
7. 7
Benito: (Nakatingin sa larawan ng kanilang pamilay na naka-kwadro na nakasabit sa gitnang
pader.) Ano?! Ano?! Inilihim mo sa akin dahil ayaw mong ibaon ko sa kokote ko ang ano?!
(Haharap kay Teresa at itututok ang baril.) Sabihin mo!? (Ibabaling ang baril sa larawang
nakasabit at ipuputok.) Ano!?
Teresa: Na baog ka! Hindi ka magkakaanak! Baog ka! At ‘yung ang katotohanang hindi na
mababago pa! (Iiyak)
Benito: Tama na! (Ipuputok ang baril kay Teresa). Tama na! (Ipuputok ulit ang baril). Tama na!
Oo, baog ako! Inutil ako. Pero niloko ninyo ako. Mga hayop kayo! Magsama-sama kayo!
(Ipuputok ulit ang baril)
Manghhina si Benito. Ibaba ang braso uupo sa upuan. Iiyak at sasapuhin ang iyuyukong ulo.
Mapapansin ang nakabukas na pahina ng notebook na sinulatan ni Teresa. Babasahin ang
nakasulat.
Benito: Gigil. Titigin kay Mang Benjamin. Siya ang ama ko! Ibabaling ang tingin kay Teresa.
Ikaw ang mahal kong ginahasa at pinagsamantalahan ng ama ko. Itutuont kay Ben ang matang
puno ng luha. At ikaw Ben ang bunga ng kahayupang ‘yon. Anong itatawag ko sa’yo? Kaanu-
ano kita…? Kaanu-ano ko kayo…?
Lalakas ang pag-iyak at ililibot ang tingin sa mga mahal sa buhay na wala nang hininga.
Hahawakan muli ang baril. Titignan ito. Iyuyuko ang ulo at ikakalang sa baril na nakatutok sa
gitna ng noo.
Magsasara ang telon.
May maririnig na putok ng baril.
Wakas.