3. KATANGIANG PISIKAL NG KANLURANG ASYA
Sa pananaw ng Eurosentriko, tradisyonal na
tinatawag ang kanlurang asya na Gitnang
Silangan (Middle East) dahil ang rehiyong ito
ng asya ay gumigitna sa tatlong
mahahalagang kontinente – ang asya, europa
at africa.
Tinawag din nila itong Malapit na Silangan
(Near East) dahil tanging Medeterranian Sea
lamang ang naghihiwalay sa karamihan ng
mga bansa rito sa Europa.
4. KATANGIANG PISIKAL NG KANLURANG ASYA
Islam ang relihiyon ng kalakhang bahagi ng
rehiyon kung kaya tinagurian itong “ Mundo
ng mga Muslim.”
Nababalutan ng disyerto ang malaking
bahagi ng Kanlurang Asya kung kaya
tinawag din itong “Arid Asia.”
Gayunpaman nahahati sa tatlong dibisyong
heograpikal ang rehiyon : Northern Tier,
Arabian Peninsula, Fertile Crescent.
5. NORTHERN TIER
Ang hilagang rehiyon ng Kanlurang Asya
ay tinatawag na northern Tier na
nagtataglay ng mga kabundukan at
talampas.
Bahagi ito ng mga bansang Turkey, at
Iran sa kasalukuyan.
Dalawang pangunahing talampas ang
nakalatag ditto – ang Anatolian Plateau
at ang Iranian Plateau sa Iran.
IRAN
6. ANATOLIAN PLATEAU
Ito ay isang malaking tangway na nag-
uugnay sa Asya at Europa.
Pinalilibutan ito ng kabundukan ng Pontic
sa hilaga at kabundukan ng Taurus sa
katumugan.
Mataba ang lupa rito na angkop sa
pagsasaka kung kaya maraming
naninrahan ditto.
7.
8. IRANIAN PLATEAU
Ang Iranian Plateau sa Silangan
ay naliligiran ng Alborz
Mountains at Zagros Mountains.
Kalakhang bahagi nito ay tuyong
lupain kaya kaunti lamang ang
populasyon.
9.
10. ARABIAN PENINSULA
Ito ay isang malawak na tangway na naliligiran ng mga anyong tubig
tulad ng Persian Gulf, Arabian Sea at Red Sea.
Malaking bahagi ng lupaing ito ay dsisyerto kung kaya kaunti lamang
ang populasyon nito.
Gayunpaman, ito ay tinawag na “Dagat ng Langis” dahil nagtataglay
ito ng malaking deposito ng langis kung kaya narito ang ilang
mayayamang bansa.
Dahil sa kasalatan sa tubig, karaniwang naninirahan malapit sa Oasis –
ito ay bahagi ng disyerto na may matabang lupa at sapat na suplay ng
tubig para sa mga hayop at halaman ang mga mamamayan ditto.
Malaking bahagi ng Rub’al Khali Desert ang pinakamalawak na
mabuhanging disyerto sa buong mundo, ay nasa Arabian Peninsula.
11.
12. FERTILE CRESCENT
Nakalatag ito mula silangang Mediteranya
kaagapay ng kambal ilog ng Tigris at
Euphrates hanggang sa Persian Gulf.
Ito ang sentro ng populasyon ng
Kanlurang Asya dahil taglay nito ang
matatabang lupain at sapat na suplay ng
tubig.
Dito sumibol ang pinakaunang sibilisasyon
sa mundo – ang Sumeria sa Mesopotamia
(Lupain sa pagitan ng dalawang ilog)
13.
14. MGA BANSA SAKANLURANG
ASYA
•Armenia
• Azerbaijan
• Bahrain
• Cyprus
• Georgia
• Iran
• Iraq
• Israel
• Jordan
• Kuwait
• Lebanon
• Oman
• Qatar
• Saudi Arabia
• Syria
• Turkey
• U.A.E
•Yemen
15. ARMENIA
CAPITAL : YEREVAN
• Ito ay bansang landlocked sa South Caucasus sa pagitan ng
Black sea at Caspian Sea.
• Nahahangganan ito ng Georgia at Azerbaijan sa Hilaga at
silangan, at Turkey at Iran sa Timog at Kanluran.
• Ang pangkalahatang lawak nito ay 29,750 sq. km.
• Ang kalakhang lupain nito ay ay karaniwang talampas at
mabundok kung kaya tinawag itong “Bubong ng Asia
Minor”
16.
17. AZERBAIJAN
CAPITAL: BAKU
• Ito ay nakalatag sa timog-silangang bahagi ng South Caucasus.
• Nahahangganan ito ng Russia sa hilaga, Georgia sa hilagang-kanluran, Iran sa
timog, Armenia sa Kanluran at Turkey sa pinakatimog-kanluran.
• Ang pangkalahatang lawak nito ay 86,600 sq.km.
•Ang kalupaan ng Azerbaijan ay binubuo ng iba’t – ibang anyong lupa tulad
ng mountain ridges, plains and lowlands.
•Iba’t – iba naman ang klima dito tulad ng cold climate, cold dry winters,
moderately hot climate, semi-desert at mountainous covers.
18.
19. BAHRAIN
CAPITAL: MANAMA
•Ito ay tinatawag na “Kingdom of the Two Seas.”
•Ang pangkalahatang lawak nito ay 750 sq.km.
•Ito ay isang bansang archipelago na binubuo ng 37 na pulo sa
Persian Gulf na nakalatag malapit sa silangang baybayin ng Saudi
Arabia at Qatar sa Arabian Peninsula.
•Ang pinakamalaking isla nito ay ang Bahrain Island (Al Bahrayn) na
sumasaklaw sa halos 83% ng kabuuang sukat ng archipelago.
20.
21. CYPRUS
CAPITAL: NICOSIA
•Ang napakagandang islang Cyprus ay ang ang maalamat na lupaing
sinilangan ni Aphrodite – ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig sa
mitolohiyang Griyego.
•Ito ay bansang isla sa silangan ng Mediterranean Sea at nasa timog ng
Turkey.
•Dahil sa lapit at malaking impluwensya ng mga Europeo sa bansang ito
lalong-lalo na sa Greece, may mga pagkakataong itinuturing itong
bahagi ng Europa.
22.
23. GEORGIA
CAPITAL: TBILISI
•Nasa rehiyong Euroasia ang Georgia na nasa pagitan ng Kanlurang
Asya at Silangang Europa, at sa pagitan ng Black Sea at Caspian Sea.
•Karaniwang sinasama ito bilang bahagi ng Europa.
•Marami mang paliwanag ukol sa pinagmulan ng pangalang Georgia,
naniniwala ang mga modernong iskolar na ito ay hiniram sa
terminong Persiano na Gorgan na nangangahulugang “land of
wolves.”
24.
25. IRAN
CAPITAL: TEHRAN
•Ito ay tradisyonal na tinatawag bilang Persia – ang sentro ng dating
malawak at makapangyarihang Imperyong Persiano.
•Ang ibig sabihin ng terminong Iran ay : lupain ng mga Aryan” dahil sila ang
mga unang mamamayang nanirahan dito at ito ang lahing kanilang
pinagmulan.
•Ito ay nagsisilbing hangganan ng Caspian Sea, Persian Gulf, at Gulf of
Oman.
•Ang kabundukan nito ay may malaking papel sa paghubog ng kasaysayang
political at pang-ekonomiya ng bansa sa loob ng ilang siglo.
26.
27. IRAQ
CAPITAL: BAGHDAD
•Ito ay bansang nakalatag sa lupaing tradisyonal na tinatawag
na Mesopotamia, terminong Griyego na nangangahulugang
“lupain ng dalawang ilog” – ang Tigris at Euphrates.
•Sinasaklaw nito ang silangang bahagi ng rehiyong Fertile
Cresent na may matabang lupain sa gitna ng tuyong rehiyon
ng kanlurang asya at hilagang Africa kung kaya akma ito para
sa pagsasaka.
28.
29. ISRAEL
CAPITAL: JERUSALEM
•Ang “Promise Land” ay lupaing ipinangako ni Yahweh sa mga Israelita na mga
inapo ni Jacob mula kay Isaac mula kay Abraham batay sa Tanakh – ang banal na
kasulatan ng mga Hudyo.
•Ang lupang pangako ay iniuugnay sa ngayon na bansang Israel na bahagi na
lamang ng lupain dahil sa ngayon, dito ang panirahan ng mga Hudyo(Israelita).
•Nasa dulong silangan ng Mediterranean Sea ang Israel.
•Nahahangganan ito ng Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at
West Bank sa Silangan at Egypt sa timog-kanluran.
30. The Sea of Galilee, seen from Tiberius
at dusk.
31. JORDAN
CAPITAL: AMMAN
•Ang lupain sa paligid ng Jordan River at kapatagan ng Dead Seas ay
ipinapalagay ng mga Hudyo, Kristiyano at Muslim na banal.
•Tinawag ito sa Lumang Tipan na :Garden of the Lord” at sa Banal na
Qur’an na lupaing pinagpala ng Panginoon “para sa lahat ng
sangkatauhan”
•Kalahati ng sangkatauhan ay itinuturing ang lupain ng Jordan River
bilang Heograpikal at espiritwal na pusod ng paniniwala.
32.
33. KUW AIT
CAPITAL: KUWAIT CITY
•Nagmula ang pangalang Kuwait sa terminong Arabic na kuwayt na
nangangahulugang “fortress” o “muog”
•Nahahangganan ito ng Iraq sa hilaga at kanluran, at ng Saudi
Arabia sa kanluran at timog.
•Ito ay isa sa pinakamaliit na bansa sa buong mundo.
•Ito ay kilala sa topograpiya nitong patag at bahagyang pantay na
disyerto.
34.
35. LEBANON
CAPITAL: BEIRUT
•Binansagan ito bilang “ Perlas ng Gitnang Silangan”dahil sa
estratehikong lokasyon nito sa dulong silangan ng
Mediterranean Sea.
•Ito ay tinawag na Phoenicia sa sinaunang panahon.
•Ang mga mangangalakal dito ay tradisyonal na nagluluwas
ng langis, buti, tela, kagamitang metal, mga paso, at iba pang
kauri nito sa pamamagitan ng mga daungang lungsod
patungong kanlurang pamilihan.
36.
37. OMAN
CAPITAL: MUSCAT
•Nakilala ito noong unang panahon dahil sa pangangalakal
nito ng insenso kung kaya binansagan ito bialng “Land of
Frankincense”
•Ito ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Arabian
Peninsula
•Nagsisilbing likas na hangganan ng Sultanato sa ibang
mga bansa sa rehiyon ang nakapaligid ditong Gulf of
Oman, Arabian Sea,at Rub’al Khali Desert.
38.
39. QATAR
CAPITAL: DOHA
• Ito ay isang maliit na disyertong tangway na tila hugis
hinlalaki sa silangan ng Arabian Peninsula.
• Tanging hangganang panlipa nito ang Saudi Arabia sa
timog at ang kalakhang bahagi nito ay napapaligiran
ng Persian Gulf.
• Isang kipot sa Persian Gulf ang naghihiwalay sa Qatar
sa kalapit nitong islang kaharian ng Bahrain.
40.
41. SAUDI ARABIA
CAPITAL: RIYADH
Ang “Land of Tawheed” ay katagang naglalarawan sa Saudi Arabia na lugar ng
monoteismo.
Dito ipinanganak at inilibing si Propeta Muhammad.
Narito rin ang sagradong tahanan ng kanilang panginoon – ang Ka’bah sa Mecca
at ang sagradong moske ng propeta – ang Medina.
Sinasaklaw nito ang malaking bahagi ng Arabian Peninsula.
Nahahangganan ito ng Jordan, Iraq, at Kuwait sa hilaga’ Persian Gulf, Qatar, UAE,
at Oman sa silangan; ilang bahagi ng Oman sa timog-kanluran; Yemen sa timog at
timog-kanluran; ast Red Sea at Aqaba Gulf sa kanluran.
Ang kalakhang bahagi nito ay talampas na may dagliang pagtaas mula sa Red Sea
at unti-unting pagbaba sa Persian Gulf.
42.
43. SYRIA
CAPITAL: DAMASCUS
•Tradisyonal na bahagi ng Syria ang Jordan, Israel, at Lebanon kabilang
ang ngayon ay lupaing tinatawag na Syria.
•Itinuturing itong isa sa mga duyan ng sibilisasyon dahil karamihan sa
mga kasalukuyang sibilisasyon ng sangkatauhan ay nagmula sa Syria.
•Ito ay tinaguriang “Sinaunang Perlas ng Mundo.”
•Ang lupain ng Syria ay nakalatag sa hilagang Arabian Peninsula at sa
dulong silangan ng Mediterranean Saea.
•Nahahangganan ito ng Turkey sa Hilaga, Lebanon at Israel sa
kanluran, Iraq sa silangan, at Jordan sa Timog.
44.
45. TUR K EY
CAPITAL :ANKARA
•Ito ay isang malaking tangway na nag-uugnay sa Asya at Europa.
•Nakalatag ito sa Anatolian Plateau at Balkan Peninsula.
•Napapalibutan ng dagat ang tatlong bahagi ng Turkey: sa hilaga,
hinahangganan nito ang Black Sea sa pagitan ng Georgia at Bulgaria;
at sa timog at kanluran, hinahangganan nito ang Mediterranean Sea at
Aegean Seasa pagitan ng Greece at Syria.
•Ito rin ay kilala sa tawag na Asia Minir
46.
47. U.A.E.
CAPITAL: ABU DHABI
•Ito ay nagtataglay ng magkakaibang katangiang pangkapaligiran tulad
ng mabatong disyerto, kapatagang kostal at basang lupain, at tigang
na kabundukan.
•Ito ay nahahangganan ng Qatar sa hilagang-kanluran, Saudi Arabia sa
kanluran at timog, at Oman sa silangan at hilagang-silangan.
•Malaking bahagi ng bansa ay disyerto na kinalalatagan ng malalawak
na lupaing nababalutan ng buhangin.
•Matatagpuan dito ang pinakamalawak na tuloy-tuloy na buhanginan
sa mundo na bahagi ng Rub’al Khali Desert.
48.
49. YEMEN
CAPITAL: SANAA
•Nakalatag ang lupain ng Yemen sa pinakadulong timog ng
Arabian Peninsula sa pagitan ng Oman at Saudi Arabia.
•Pinag-ugnay nito ang Red Sea at Indian Ocean kung kaya isa ito
sa pinakaaktibo at estratehikong daungan sa mundo.
•Ang rehiyong mabundok ng Yemen ay napaliligiran ng
makikitid na kapatagang kostal sa kanluran, timog at silangan at
ng mataas na disyerto sa hilaga na hangganan ng Yemen at
Saudi Arabia.