Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo. Ang batas ng demand ay nagsasaad na kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng gustong bilhin, at kapag bumaba ang presyo, tumataas ang dami ng demand. Maraming salik, tulad ng kita at panlasa, ang nakakaapekto sa demand bukod sa presyo.