2. Gawaing-Bahay #2:Submission: Sa inyong kuwaderno, magbigay ng 3 katangian ng Planetang Daigdig na meron ito at wala ang ibang planeta sa Sistemang Solar (Solar System). Sagutin: Ano ang tunay na hugis ng Planetang Daigdig? Anu-ano ang mga bahagi ng ibabaw ng Daigdig? Magbigay ng halimbawa ng bawat isa. Sanggunian: Makabayang Lahi 4 pp. 1 – 12
3. Aralin 1 – Ang Daigdig na Ating Tahanan Paghandaan: Ang daigdig ay lugar na ating tirahan. Maraming maling akala o paniniwala tungkol dito. Noong una’y pinaniniwalaang ang daigdig ay isang patag na kalupaan. Tanong: Paano nabago ang paniniwalang ito?
4. Gawaing-Upuan #2: Sagutin sa inyong aklat ang mga sumusunod: (pahina 2 – 3) Punan ang mga patlang sa pamamagitan ng pagpili ng tamang salita na bubuo sa ideya nito mula sa kahon: 2. Iguhit sa ibaba ang nabuo mong paglalarawan sa daigdig. Kulayan ang iyong ginawa. alagaan matatagpuan tirahan hangin mabuhay yaman tahanan
5. Tanong: Anu-ano ang mga katangian ng Planetang Daigdig bilang isang planeta na naiiba sa ibang planeta sa Sistemang Solar?