ARALING
PANLIPUNAN
ARALIN 8: ANG PAGLAKAS NG
EUROPA
Guro sa Araling Panlipunan 8
ANG PAGSILANG NG
BOURGEOISE
Nakilala ang pangkat ng bourgeoise o
middle class sa lipunang Europeo noong
mga huling taon ng ika-18 siglo. Ang
pangkat na ito ay tinawag na burgess sa
England, bourgeois sa France, at burger
naman sa Germany.
ANG PAGSILANG NG
BOURGEOISE
Ang bourgeoisie ay tumutukoy sa pangkat ng mga
taong aktibo sa iba't ibang negosyo tulad ng
pangangalakal at artisano. Magkakaiba ang antas ng
buhay na pinagmulan ng mga bourgeoisie. Kasama sa
pangkat na ito ang mayayamang nagmamay-ari ng
mga kompanya gayundin ang maliliit na negosyante o
mangangalakal.
ANG PAGSILANG NG
BOURGEOISE
Sinamahan din sila ng ibang taong simbahan na dati rati'y
ipinaglalaban ang pagiging kasalanan ng pagbebenta ng isang
bagay sa higit na malaking halaga. Sa pagdami ng taong
nagtamo ng yaman at lupain sa pagnenegosyo, ang kahulugan
ng katawagang bourgeoise ay lumawak. Kasapi na rin
sapangkat na ito ang mga taong may kinalaman sa komersiyo,
industriya, at propesyonal tulad ng mga manggagamot,
abogado, at bangkero.
ANG LAYUNIN NG
PANGKAT NG BOURGEOISE
Sa kabila ng pagkakaiba sa yaman o antas ng buhay ng
kasapı Sa pangkat, sila ay may isang layunin-ang
pagsikapang mapalago ang negosyo upang magtamasa ng
yaman. Ang kanilang opinyong pampolitika, pang-
ekonomiya, at panlipunan ay nababatay sa pagpapahalaga sa
kayamanan.Kumbinsido ang mga bourgeoise na ang
pagsisikap sa pagtatrabaho at pagnenegosyo ang mag-aangat
sa antas ng kanilang kabuhayan pati na ng kanilang bayan.
ANG LAYUNIN NG
PANGKAT NG BOURGEOISE
Bunsod ng layuning ito at ang ipinamalas na
pagsisikap sa pagtatamasa ng kaunlaran sa buhay,
naging mataas ang tingin ng lipunan sa mga
bourgeoise. Sila ay pinagkalooban ng hari ng higit na
pabor kaysa mga panginoon ng manor. Ito ay dahil sa
kagustuhan ng hari na makuha ang suporta ng mga ito
sa pamahalaan.
ACTIVITY 1: BOURGEOISE
1. IPALIWANAG ANG
BOURGEOISE.
2. ANO ANG LAYUNIN NG MGA
PANGKAT NG BOURGEOISE?
3. PAANO LUMAWAK ANG
PANGKAT NG MGA BOURGEOISE?
ANG KONTRIBUSYON NG
BOURGEOISE SA DAIGDIG
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoise sa
industriyalisasyon at modernisasyon ng daigdig. Ang mga
bourgeoise ang itinuturing na nagtakda ng pamamalakad ng
produksiyon. Ang kanilang pagsisikap na matamo ang
karangyaan sa buhay ay naging daan sa pagpapasigla ng
ekonomiya. Sa kanilang pag-unlad, ang malilit na bayan at
lungsod ay umunlad din at naging mahahalagang sentro ng
kalakalan at komersiyo.
ANG KONTRIBUSYON NG
BOURGEOISE SA DAIGDIG
Itinaas din nila ang antas ng kabuhayan ng mga pesante na
nagsimulang kumawala sa pagkakatanikala sa lupaing kanilang
sinasaka sa manor at sinubukang mabago ang kanilang buhay sa mga
bayan at lungsod. Ito ay naging malakas na puwersa rin na nagbigay-
daan sa pagpapaunlad ng edukasyon. Ang naglalakihang lungsod ay
nagtatag ng mga unibersidad na naging pusod ng edukasyon. Ito ay
naganap dala ng higit na pangangailangan ng kaalaman sa sistema ng
pananalapi, pagbabangko, at iba pang propesyon na sinimulang
kilalanin noong panahong ito.
ANG KONTRIBUSYON NG
BOURGEOISE SA DAIGDIG
Ayon sa pagsusuri ng mga mananalaysay,
ang pag-unlad ng kagustuhan sa karangyaan at
edukasyon na dala ng middle class ang
pangunahing salik na nagbigay-daan sa
paglakas ng pambansang monarkiya at
Renaissance.
ANG MERKANTILISMO
Ang merkantilismo ang pangunahing
kalakarang pang-ekonomiya sa Europa sa pagitan
ng ika-16 at ika-18 siglo. Nang mga panahong ito,
absolutismo ang pangunahing uri ng pamahalaan
sa Europa. Mahigpit ang pangangailangan sa salapi
ng rehimeng ito upang matustusan ang
naglalakihang militar at uri ng pamumuhay.
ANG MERKANTILISMO
Ang merkantilismo ay isang kalakalaran na
nagbibigay-diin sa paniniwalang ang
karangyaan ng isang bansa ay nakabatay sa
reserbang pondo o kapital nitong bullion (ginto
at pilak) na maaaring mapalago sa pamamagitan
ng favorable balance of trade o positibong
pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
ANG MGA PRINSIPYONG
NAPAKALOOB SA MERKANTILISMO
Ang pagtatamo ng kayamanan at
kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa
dami ng ginto at pilak (bullion) na matitipon
nito. Kung kaya't ginawan ng paraan ng mga
pamahalaan sa Europa ang pagtatamo ng ginto
at pilak sa pamamagitan ng kalakalan.
ANG MGA PRINSIPYONG
NAPAKALOOB SA MERKANTILISMO
Ang isang bansa ay makapagtitipon ng malaking pondo ng
ginto at pilak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming
kolonya. Saklaw ng prinsipyong ito ang dalawang bahagi ng
imperyo. Ang kumokontrol na bansa na tinatawag na mother
country at ang bansang kinokontrol nito na kung tawagin ay
mga kolonya. Halimbawa, ang Imperyo ng Britain ang mother
country samantalang ang mga bansang kinontrol nito tulad ng
mga kolonyang America, Australia, at iba pa ay kaniyang mga
kolonya.
ANG MGA PRINSIPYONG
NAPAKALOOB SA MERKANTILISMO
Ginustong palawakin ng Britain ang kaniyang imperyo dahil sa
hangaring makakolekta ng maraming ginto na may kinalaman sa
unang prinsipyo. Sa mga kolonyang ito nagmumula ang mga hilaw
na materyales. Ito rin ang nagsisilbing bagsakan at pamilihan ng
yaring produktong nagmumula sa mother country. Gayundin, upang
magtamo ng malaking pondo ng ginto at pilak, kailangang
isakatuparan ng mother country ang favorable balance of trade. Ibig
sabihin, ang isang bansa ay kinakailangang makapagluwas
(export) ng higit na yaring produkto na may higit na halaga sa
hilaw na materyales na iniangkat (import) mula sa ibang bansa.
ANG MGA PRINSIPYONG
NAPAKALOOB SA MERKANTILISMO
Sa kalakarang ito, kailangang nakahihigit ang presyo o ginto at pilak na
maiuuwi sa mother country sa sandaling mailuwas na ang mga yaring
produkto sa mga kolonya kapalit ng mas maliit na halaga ng mga hilaw na
materyales na nagmumula sa mga kolonya. Sa ganitong paraan, higit ang
kapakinabangang makukuha ng mother country mula sa kaniyang kolonya.
Nakapaloob din sa prinsipyong ito ang mahigpit na pagbabawal sa pagbuo ng
yaring produkto sa bansang kolonya upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kompetisyon sa mga produkto na nagmumula sa mother country at patuloy na
bilhin ng mga mamamayan ng kolonya ang kanilang produkto. Saklaw din ng
prinsipyong ito ang pagbabawal sa mga kolonya na magkalakalan sa isa't isa
upang maiwasan ang kompetisyon ng bansang kolonya at ng mother country.
ACTIVITY 2
ACTIVITY 2
ACTIVITY 2

AP-3RD-PRELIMSpptjskdkdkdkdkdkkkdkdkdkdk

  • 1.
    ARALING PANLIPUNAN ARALIN 8: ANGPAGLAKAS NG EUROPA Guro sa Araling Panlipunan 8
  • 2.
    ANG PAGSILANG NG BOURGEOISE Nakilalaang pangkat ng bourgeoise o middle class sa lipunang Europeo noong mga huling taon ng ika-18 siglo. Ang pangkat na ito ay tinawag na burgess sa England, bourgeois sa France, at burger naman sa Germany.
  • 3.
    ANG PAGSILANG NG BOURGEOISE Angbourgeoisie ay tumutukoy sa pangkat ng mga taong aktibo sa iba't ibang negosyo tulad ng pangangalakal at artisano. Magkakaiba ang antas ng buhay na pinagmulan ng mga bourgeoisie. Kasama sa pangkat na ito ang mayayamang nagmamay-ari ng mga kompanya gayundin ang maliliit na negosyante o mangangalakal.
  • 4.
    ANG PAGSILANG NG BOURGEOISE Sinamahandin sila ng ibang taong simbahan na dati rati'y ipinaglalaban ang pagiging kasalanan ng pagbebenta ng isang bagay sa higit na malaking halaga. Sa pagdami ng taong nagtamo ng yaman at lupain sa pagnenegosyo, ang kahulugan ng katawagang bourgeoise ay lumawak. Kasapi na rin sapangkat na ito ang mga taong may kinalaman sa komersiyo, industriya, at propesyonal tulad ng mga manggagamot, abogado, at bangkero.
  • 5.
    ANG LAYUNIN NG PANGKATNG BOURGEOISE Sa kabila ng pagkakaiba sa yaman o antas ng buhay ng kasapı Sa pangkat, sila ay may isang layunin-ang pagsikapang mapalago ang negosyo upang magtamasa ng yaman. Ang kanilang opinyong pampolitika, pang- ekonomiya, at panlipunan ay nababatay sa pagpapahalaga sa kayamanan.Kumbinsido ang mga bourgeoise na ang pagsisikap sa pagtatrabaho at pagnenegosyo ang mag-aangat sa antas ng kanilang kabuhayan pati na ng kanilang bayan.
  • 6.
    ANG LAYUNIN NG PANGKATNG BOURGEOISE Bunsod ng layuning ito at ang ipinamalas na pagsisikap sa pagtatamasa ng kaunlaran sa buhay, naging mataas ang tingin ng lipunan sa mga bourgeoise. Sila ay pinagkalooban ng hari ng higit na pabor kaysa mga panginoon ng manor. Ito ay dahil sa kagustuhan ng hari na makuha ang suporta ng mga ito sa pamahalaan.
  • 7.
    ACTIVITY 1: BOURGEOISE 1.IPALIWANAG ANG BOURGEOISE. 2. ANO ANG LAYUNIN NG MGA PANGKAT NG BOURGEOISE? 3. PAANO LUMAWAK ANG PANGKAT NG MGA BOURGEOISE?
  • 8.
    ANG KONTRIBUSYON NG BOURGEOISESA DAIGDIG Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoise sa industriyalisasyon at modernisasyon ng daigdig. Ang mga bourgeoise ang itinuturing na nagtakda ng pamamalakad ng produksiyon. Ang kanilang pagsisikap na matamo ang karangyaan sa buhay ay naging daan sa pagpapasigla ng ekonomiya. Sa kanilang pag-unlad, ang malilit na bayan at lungsod ay umunlad din at naging mahahalagang sentro ng kalakalan at komersiyo.
  • 9.
    ANG KONTRIBUSYON NG BOURGEOISESA DAIGDIG Itinaas din nila ang antas ng kabuhayan ng mga pesante na nagsimulang kumawala sa pagkakatanikala sa lupaing kanilang sinasaka sa manor at sinubukang mabago ang kanilang buhay sa mga bayan at lungsod. Ito ay naging malakas na puwersa rin na nagbigay- daan sa pagpapaunlad ng edukasyon. Ang naglalakihang lungsod ay nagtatag ng mga unibersidad na naging pusod ng edukasyon. Ito ay naganap dala ng higit na pangangailangan ng kaalaman sa sistema ng pananalapi, pagbabangko, at iba pang propesyon na sinimulang kilalanin noong panahong ito.
  • 10.
    ANG KONTRIBUSYON NG BOURGEOISESA DAIGDIG Ayon sa pagsusuri ng mga mananalaysay, ang pag-unlad ng kagustuhan sa karangyaan at edukasyon na dala ng middle class ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng pambansang monarkiya at Renaissance.
  • 11.
    ANG MERKANTILISMO Ang merkantilismoang pangunahing kalakarang pang-ekonomiya sa Europa sa pagitan ng ika-16 at ika-18 siglo. Nang mga panahong ito, absolutismo ang pangunahing uri ng pamahalaan sa Europa. Mahigpit ang pangangailangan sa salapi ng rehimeng ito upang matustusan ang naglalakihang militar at uri ng pamumuhay.
  • 12.
    ANG MERKANTILISMO Ang merkantilismoay isang kalakalaran na nagbibigay-diin sa paniniwalang ang karangyaan ng isang bansa ay nakabatay sa reserbang pondo o kapital nitong bullion (ginto at pilak) na maaaring mapalago sa pamamagitan ng favorable balance of trade o positibong pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
  • 13.
    ANG MGA PRINSIPYONG NAPAKALOOBSA MERKANTILISMO Ang pagtatamo ng kayamanan at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak (bullion) na matitipon nito. Kung kaya't ginawan ng paraan ng mga pamahalaan sa Europa ang pagtatamo ng ginto at pilak sa pamamagitan ng kalakalan.
  • 14.
    ANG MGA PRINSIPYONG NAPAKALOOBSA MERKANTILISMO Ang isang bansa ay makapagtitipon ng malaking pondo ng ginto at pilak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kolonya. Saklaw ng prinsipyong ito ang dalawang bahagi ng imperyo. Ang kumokontrol na bansa na tinatawag na mother country at ang bansang kinokontrol nito na kung tawagin ay mga kolonya. Halimbawa, ang Imperyo ng Britain ang mother country samantalang ang mga bansang kinontrol nito tulad ng mga kolonyang America, Australia, at iba pa ay kaniyang mga kolonya.
  • 15.
    ANG MGA PRINSIPYONG NAPAKALOOBSA MERKANTILISMO Ginustong palawakin ng Britain ang kaniyang imperyo dahil sa hangaring makakolekta ng maraming ginto na may kinalaman sa unang prinsipyo. Sa mga kolonyang ito nagmumula ang mga hilaw na materyales. Ito rin ang nagsisilbing bagsakan at pamilihan ng yaring produktong nagmumula sa mother country. Gayundin, upang magtamo ng malaking pondo ng ginto at pilak, kailangang isakatuparan ng mother country ang favorable balance of trade. Ibig sabihin, ang isang bansa ay kinakailangang makapagluwas (export) ng higit na yaring produkto na may higit na halaga sa hilaw na materyales na iniangkat (import) mula sa ibang bansa.
  • 16.
    ANG MGA PRINSIPYONG NAPAKALOOBSA MERKANTILISMO Sa kalakarang ito, kailangang nakahihigit ang presyo o ginto at pilak na maiuuwi sa mother country sa sandaling mailuwas na ang mga yaring produkto sa mga kolonya kapalit ng mas maliit na halaga ng mga hilaw na materyales na nagmumula sa mga kolonya. Sa ganitong paraan, higit ang kapakinabangang makukuha ng mother country mula sa kaniyang kolonya. Nakapaloob din sa prinsipyong ito ang mahigpit na pagbabawal sa pagbuo ng yaring produkto sa bansang kolonya upang maiwasan ang pagkakaroon ng kompetisyon sa mga produkto na nagmumula sa mother country at patuloy na bilhin ng mga mamamayan ng kolonya ang kanilang produkto. Saklaw din ng prinsipyong ito ang pagbabawal sa mga kolonya na magkalakalan sa isa't isa upang maiwasan ang kompetisyon ng bansang kolonya at ng mother country.
  • 17.
  • 18.
  • 19.