3. BHUTANESE
Ang mamayan ng Bhutan ay maaaring hatiin sa tatlong pangkat etniko –
Ngalops, Sharchops at Lhotsampas. Ang Ngalops ang bumubuo sa malaking bahagdan
ng populasyon ng Bhutan, karaniwan silang naninirahan sa gitna at kanlurang bahagi
ng bansa. Ang mga Ngalops ay pinaninimulang nagmula sa Tibet na nakarating sa
Bhutan nuong ika-walo (8) hanggang siyam(9) na siglo. Sa ilang mga babasahin kilala
angmga Ngalops bilang “Bhote” (mamamayan ng Bhotia/Bhutia o Tibet). Ang Ngalops
ang nagdala ng kulturang Tibetan at Buddhismo sa Bhutan na hanggang sa
kasalukuyang panahon ay umiiral sa bansa. Ang kanilang wikang Dzongkha ang
pabansang wika sa Bhutan.
Karaniwan sa mga Ngalops ay nag-aalaga ng baka at nagsasaka.
Pangunahing pananim ay palay, patatas at barley. Ang kanilang tahanan ay yari sa
table, bato, putik at luwad. Kilala din sila sa pagtatayo ng mga malalaking templo na
tinatawag na dzongs.