Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo mula sa pag-ibig at pag-aasawa ng isang lalaki at babae. Ito ang pundasyon ng lipunan na nagbibigay ng edukasyon, pagmamahal, at paggabay sa mga indibidwal, at may mahalagang papel sa paghubog ng mga kabataan. Ang pamilya bilang likas na institusyon ay may panlipunan at pampolitikal na gampanin na kinakailangan upang mapanatili ang maayos na pamumuhay.