5. Mayroon na ba kayong nabasang
kuwento?Ano ang pamagat?
Maaari niyo ba ibahagi sa klase.
6. Mahalaga sa iyong pagbabasa ng
teksto, talata o kuwento na makuha
ang pangunahing diwa nito. Ito ang
pinakabuod ng mga pangyayari.
7. Sa pagbuo ng pamagat, kailangang gumamit
ng malaking letra sa mahahalagang salita sa
pamagat. Ang unang letra ng salita sa
pamagat ay sinisimulan din at isinusulat sa
malaking titik. Upang maibigay mo ang
angkop na pamagat ng teskto, talata o
kuwento, tandaan ang mga pangunahing
layunin nito:
8. 1. Mas simple ang nilalaman ngunit detalyado.
2. Nakapupukaw ng atensyon sa mambabasa.
3. Ipinahahayag ang pagiging katangi-tangi.
9. Ang maikling kuwento ay
kathang pampanitikan na
nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay na may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari at
may isang kakintalan.
10. Ang talata ay binubuo ng isang
pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad
ng bahagi ng buong
pagkukuro, palagay o
paksang-diwa.
11. Ang teksto ay babasahin na
naglalaman ng mga ideya tungkol sa
iba’t ibang tao o impormasyon tungkol
sa mga bagay-bagay. Ito rin ay
nagbibigay ng mensahe o damdamin
ng sinuman sa paraang pasulat o
nakalimbag.
12. Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata, kailangan
kong
malaman ang (1)________. Ang mga katangian ng isang
pamagat ay (2)_______, (3)_______, at (4)__________.'
13. Upang maibigay mo ang angkop na pamagat ng
teskto, talata o kuwento, tandaan ang mga
pangunahing layunin nito:
1. Mas simple ang nilalaman ngunit detalyado.
2. Nakapupukaw ng atensyon sa mambabasa.
3. Ipinahahayag ang pagiging katangi-tangi.
14. Panuto: Basahin ang
bawat talata. Hanapin sa
kahon ang angkop na
pamagat. Isulat sa inyong
sagutang papel ang
tamang sagot.
15. 1. Ang niyog ay may
karaniwang taas na 6 na
metro o higit
pa. Natatangi ito sa lahat
ng mga puno sapagkat
bawat
bahagi nito ay maaari ring
sangkap sa paggawa ng
sabon,
shampoo, at iba pa. Puno
ng buhay ang taguri dito.
16. 2. Napakahalaga ng bitamina
A sa ating katawan. Ito ang
tumutulong upang lalong
luminaw ang ating mga mata.
Ang kakulangan sa bitaminang
ito ay maaaring magdulot ng
paglabo ng ating paningin.
Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay
atay (manok o baka) itlog,
gatas, keso, mga luntian at
dilaw na gulay at prutas.
17. 3. Nagmamadaling
umuwi si Joyce dahil
nanalo siya sa
paligsahan sa kanilang
paaralan. Pagpasok niya
sa kanilang
bahay ay nakita niya ang
isang bagong sapatos.
18. 4. Sa loob ng silid-aralan,
madalas na makikitang
naglilinis si Leo. Maaga
siyang pumapasok
upang makapagwalis at
makapaglampaso.
Namana niya ang
kaniyang kasipagan sa
kaniyang tatay.
19. 5. Lumaki si Rosa sa
piling ng kaniyang Lola
Ising. Bata pa lamang
siya nang maulila.
Lumaking mabuting bata
si Rosa. Hindi niya
binibigyan ng sama ng
loob ang kaniyang lola
pagkat mahal na mahal
niya ito.