KAGALINGAN
SA PAGGAWA
Modyul 10
PRESENTED BY: GROUP 2
Ayon kay Pope John Paul II (1981) sa
kaniyang isinulat na “Laborem
Exercens”
Ang paggawa ay mabuti sa
tao, dahil sa pamamagitan
nito naisasakatuparan niya
ang kaniyang responsibilidad
sa sarili, kapwa at sa Diyos.
Ito ang nagtutulak sa kaniya
upang magkaroon ng
“Kagalingan sa Paggawa”
Mga Katangiang Dapat Taglayin
Upang Maisabuhay ang
Kagalingan sa Paggawa
A. NAGSASABUHAY NG MGA
PAGPAPAHALAGA (VALUES)
B. NAGTATAGLAY NG KAKAILANGANING
KAKAYAHAN
C. NAGPUPURI AT
NAGPAPASALAMAT SA DIYOS
TALAKAYIN
NATIN
Mga Katangiang Dapat Taglayin
Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa
Paggawa
A. NAGSASABUHAY NG MGA
PAGPAPAHALAGA (VALUES)
1. Kasipagan
2. Tiyaga
3. Masigasig
4. Malikhain
5. Disiplina sa Sarili
1. KASIPAGAN. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap
na gawin o tapusin ang isang gawain nang
buong puso at may malinaw na layunin sa
paggawa.
 Ang produkto o gawaing likha ng
isang taong masipag ay bunga ng
kahusayan at buong pagmamahal na
ginagawa. Dahil dito ang nagiging
resulta ng kaniyang pagsasagawa ng
gawain ay maayos, kahanga-hanga at
kapuri-puri.
 May kagalingan ang produkto o
gawain o ang paggawa sa kabuuan
kung ito ay bunga ng pagmamahal at
pagkagustong gawin ito nang buong
2. TIYAGA. Ito ay ang pagpapatuloy sa
paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kanyang paligid.
 Isinasantabi ng taong may tiyaga ang
mga kaisipang makahahadlang sa
paggawa ng isang produkto o gawain
tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara
ng gawain sa likha ng iba, at pag-iisip ng
mga dahilan upang
hindi isagawa ang gawain.
 Ang likha ng taong may kagalingan sa
paggawa ay bunga ng inspirasyon,
turo at
3. MASIGASIG. Ito ay ang
pagkakaroon ng kasiyahan,
pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng
gawain o produkto.
 Ang atensyon o oras niya ay
nakatuon lamang sa produkto o
gawaing kaniyang lilikhain. Sa
pamamagitan nito madali siyang
nakatatapos ng produkto at
gawain nang hindi nakararamdam
nang anumang pagod o
pagkabagot.
4. MALIKHAIN. Ang produkto o gawaing
lilikhain ay bunga ng mayamang pag-
iisip at hindi ng panggagaya o
pangongopya ng gawa ng iba.
 Dapat ay orihinal, bago at kakaiba ang
produkto. Gayundin sa pagbibigay ng
serbisyo o iba pang gawain, hindi
kailangang katulad ito ng iba o ng
nakararami.
 Madaling nakikilala at natatanggap ang
isang produkto o serbisyo kapag bago ito
sa panlasa ng tao. Kung sakaling may
ginaya o kinopya sa naunang likha,
5. DISIPLINA SA SARILI.
Ang taong may disiplina ay
alam ang hangganan ng kanyang
ginagawa at mayroon siyang
paggalang sa ibang tao.
Maaari niyang isantabi ang pansariling kaligayahan
para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng
gawain o produkto ng taong may disiplina sa sarili
ay para sa ikabubuti ng lahat.
Pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-anong mga
pagpapahalaga ang
naisabuhay mo na at
kailangang mo pang
linangin?
2. Anong mga hakbang
ang iyong gagawin upang
ito ay maisakatuparan?
B. NAGTATAGLAY NG MGA
KAKAILANGANING KASANAYAN.
Bukod sa mga kasanayan sa basic literacy (tulad ng
pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig,
pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan sa
pagkatuto na may tatlong yugto –
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa
b. Pagkatuto Habang Ginagawa
c. Pagkatuto Pagtapos Gawin ang isang Gawain
TATLONG YUGTO NG PAGKATUTO
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa
Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.
b. Pagkatuto Habang GInagawa
Ito ang yugto ng pagkakilala sa iba’t-ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin
sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong
napili at mga posibleng kahaharaping problema
at solusyon sa mga ito
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin Ang Isang Gawain
Ito ang yugto ng pagtatay sa naging resulta o
kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito,
nalalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat
panatilihin at baguhin.
Ang mga sumusunod na kakayahan ay
makatutulong din upang magkaroon ng
matalinong pag-iisip na kailangang upang
maisabuhay ang kagalingan sa paggawa:
1. PAGIGING PALATANONG - MAUSISA
(CURIOSITA). Siya ay may likas na
inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay
sa kaniyang paligid. Ang taong mausisa ay
maraming tanong na hinahanapan niya ng
kasagutan.
2. PAGSUBOK NG KAALAMAN GAMIT ANG KARANASA, PAGPUPUNYAGI (PERSISTENCE) AT ANG PAGIGING
BUKAS NA MATUTO SA MGA PAGKAKAMALI - DEMONSTRASYON (DIMOSTRAZIONE). Ito ang pagkatuto sa
pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay ay maiwasang
maulit ang anomang pagkakamali.
3. PATULOY NA PAGKATUTO GAMIT ANG
PANLABAS NA PANDAMA BILANG PARAAN
UPANG MABIGYANG-BUHAY ANG KARANASAN
- PANDAMA (SENSAZIONE). Ito ang tamang
paggamit ng mga pandama, sa
pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
4. PAGIGING BUKAS SA MGA PAGDUDUDA, KAWALANG KATIYAKAM - MISTERYO (SFUMATO). Ito ang kakayahang
yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. Ang pagiging bukas ng
isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao
5. ANG KALUSUGAN NG PISIKAL NA
PANGANGATAWAN (CORPORALITA).
Ito ang tamang pangangalaga sa katawan
ng tao upang maging malusog at maiwasan
ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama
dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na
nakasasama sa katawan
6. ANG PAGKAKAUGNAY-UGNAY NG LAHAT NG BAGAY (CONNESIONE). Ito ang pagkakilala at pagbibigay
pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa.
7. SINING AT AGHAM. Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining, katwiran at imahinasyon.
C. NAGPUPURI AT
NAGPAPASALAMAT SA DIYOS
Ang pinakamahalaga sa lahat ng
pagpapahalaga upang masabi na ang
paggawa at kakaiba, may kalidad at
kagalingan ay kung ito ay naaayon sa
kalooban ng Diyos at iniaalay bilang
paraan ng papuri at pasasalamat sa
Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may
kahusayan ay may balik na pagpapala
mula sa Diyos.
Takdang Aralin:
Gumawa ng isang liham
pasasalamat sa Diyos sa
mga kakayahan at
biyayang kanyang
ipinagkaloob upang
magtagumpay sa buhay
para sa sarili, pamilya at
bansa.
INIHANDA NI RALPH LAUREN Z. FLORES
THANK YOU!



400438863-Modyul-10-Kagalingan-Sa-Paggawa.pptx

  • 1.
  • 2.
    Ayon kay PopeJohn Paul II (1981) sa kaniyang isinulat na “Laborem Exercens” Ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kaniyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng “Kagalingan sa Paggawa”
  • 3.
    Mga Katangiang DapatTaglayin Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa A. NAGSASABUHAY NG MGA PAGPAPAHALAGA (VALUES) B. NAGTATAGLAY NG KAKAILANGANING KAKAYAHAN C. NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMAT SA DIYOS
  • 4.
  • 5.
    Mga Katangiang DapatTaglayin Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa A. NAGSASABUHAY NG MGA PAGPAPAHALAGA (VALUES) 1. Kasipagan 2. Tiyaga 3. Masigasig 4. Malikhain 5. Disiplina sa Sarili
  • 6.
    1. KASIPAGAN. Itoay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.  Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa. Dahil dito ang nagiging resulta ng kaniyang pagsasagawa ng gawain ay maayos, kahanga-hanga at kapuri-puri.  May kagalingan ang produkto o gawain o ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito nang buong
  • 7.
    2. TIYAGA. Itoay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.  Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba, at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain.  Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at
  • 8.
    3. MASIGASIG. Itoay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.  Ang atensyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang nakatatapos ng produkto at gawain nang hindi nakararamdam nang anumang pagod o pagkabagot.
  • 9.
    4. MALIKHAIN. Angprodukto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag- iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.  Dapat ay orihinal, bago at kakaiba ang produkto. Gayundin sa pagbibigay ng serbisyo o iba pang gawain, hindi kailangang katulad ito ng iba o ng nakararami.  Madaling nakikilala at natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito sa panlasa ng tao. Kung sakaling may ginaya o kinopya sa naunang likha,
  • 10.
    5. DISIPLINA SASARILI. Ang taong may disiplina ay alam ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. Maaari niyang isantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain o produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para sa ikabubuti ng lahat.
  • 11.
    Pag-isipan at sagutinang mga sumusunod: 1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangang mo pang linangin? 2. Anong mga hakbang ang iyong gagawin upang ito ay maisakatuparan?
  • 12.
    B. NAGTATAGLAY NGMGA KAKAILANGANING KASANAYAN. Bukod sa mga kasanayan sa basic literacy (tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugto – a. Pagkatuto Bago ang Paggawa b. Pagkatuto Habang Ginagawa c. Pagkatuto Pagtapos Gawin ang isang Gawain
  • 13.
    TATLONG YUGTO NGPAGKATUTO a. Pagkatuto Bago ang Paggawa Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto. b. Pagkatuto Habang GInagawa Ito ang yugto ng pagkakilala sa iba’t-ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong
  • 14.
    napili at mgaposibleng kahaharaping problema at solusyon sa mga ito c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin Ang Isang Gawain Ito ang yugto ng pagtatay sa naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, nalalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.
  • 15.
    Ang mga sumusunodna kakayahan ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na kailangang upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa: 1. PAGIGING PALATANONG - MAUSISA (CURIOSITA). Siya ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan.
  • 16.
    2. PAGSUBOK NGKAALAMAN GAMIT ANG KARANASA, PAGPUPUNYAGI (PERSISTENCE) AT ANG PAGIGING BUKAS NA MATUTO SA MGA PAGKAKAMALI - DEMONSTRASYON (DIMOSTRAZIONE). Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay ay maiwasang maulit ang anomang pagkakamali.
  • 17.
    3. PATULOY NAPAGKATUTO GAMIT ANG PANLABAS NA PANDAMA BILANG PARAAN UPANG MABIGYANG-BUHAY ANG KARANASAN - PANDAMA (SENSAZIONE). Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
  • 18.
    4. PAGIGING BUKASSA MGA PAGDUDUDA, KAWALANG KATIYAKAM - MISTERYO (SFUMATO). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. Ang pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao
  • 19.
    5. ANG KALUSUGANNG PISIKAL NA PANGANGATAWAN (CORPORALITA). Ito ang tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan
  • 20.
    6. ANG PAGKAKAUGNAY-UGNAYNG LAHAT NG BAGAY (CONNESIONE). Ito ang pagkakilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa. 7. SINING AT AGHAM. Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining, katwiran at imahinasyon.
  • 21.
    C. NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMATSA DIYOS Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa at kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa Diyos.
  • 22.
    Takdang Aralin: Gumawa ngisang liham pasasalamat sa Diyos sa mga kakayahan at biyayang kanyang ipinagkaloob upang magtagumpay sa buhay para sa sarili, pamilya at bansa.
  • 23.
    INIHANDA NI RALPHLAUREN Z. FLORES THANK YOU!  