10. Introduksyon tungkol sa pag aaral wikang pambansa
Ang pag-aaral ng isang wika ay madali sa ilang tao at napakahirap sa iba. Sino ang
nahihirapan at sino ang nadadalian?
Ang nahihirapan ay mga taong mahiyain at mahina ang loob. Ayaw nilang magbukas ng
bibig dahil natatakot magkamali. Ayaw nilang mapintasan ang maling pagbigkas o maling
pagsasamasama ng salita. Hindi sila magsasalita hangga't sa palagay nila ay tamang-tama na
ang sasabihin nila.
Ang nadadalian ay ang hindi nahihiyang magkamali. Kahi't balu-baluktot, pinipilit nilang
magsalita. Malakas ang kanilang loob.
Madali ring matuto ang mga taong mahilig makipagkaibigan. Dahil gusto nilang
makipagkaibigan sa mga mamamayan ng bayang kanilang binibisita, nagsasalita sila sa
salitang banyaga. Kahit a la "ako Tarzan, ikaw Jane."
Anong uri ng mag-aaral (estudyante) kayo?