2. 5 May ilang tao namang nag-uusap tungkol sa Templo. Pinag-uusapan nila ang
naglalakihan at magagandang batong ginamit dito at ang mga palamuting
inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus,
3. 6 “Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at
walang matitirang magkakapatong na mga bato.”
4. 7 Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari iyon? At ano ang
magiging palatandaang iyon ay magaganap na?”
5. 8 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman!
Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at,
‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila.
6. 9 Huwag kayong matatakot kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga
himagsikan. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi kaagad
darating ang wakas.”
7. 10 At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian.
8. 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang
dako. May lilitaw na mga kakaibang bagay at mga kakila-kilabot na
kababalaghan buhat sa langit.
9. 12 “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo'y dadakpin at uusigin. Kayo'y
lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin,
isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador.
10. 13 Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin.
11. 14 Ipagpasya ninyo na huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol
ang inyong sarili,
12. 15 sapagkat bibigyan ko kayo ng pananalita at karunungang hindi kayang
tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.
13. 16 Ipagkakanulo kayo kahit ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga
kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo.
18. 19 Darating ang araw na gaya ng isang nagbabagang hurno, tutupukin ang mga
palalo at masasama gaya ng dayami at walang matitira sa kanila,” sabi ni
Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
19. 20 “Ngunit sa inyo na nagpaparangal sa akin ay sisikat ang aking katarungan
na tulad ng araw, at ang sinag nito’y magpapagaling sa inyo. Lulundag kayo sa
tuwa na parang mga guying pinalaya sa kulungan.