8. Genesis 41:48-49
48 At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong
taon na tinamo sa lupain ng Egipto: at inimbak ang
nangasabing pagkain sa mga bayan; na ang pagkain
sa bukid na nasa palibot ng bawa't bayan ay inimbak
sa bawa't kinauukulan ding bayan.
9. Genesis 41:48-49
49 At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang
buhangin sa dagat, na napakarami hanggang sa hindi
nabilang; sapagka't walang bilang.
10. Genesis 41:53-54
53 At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon
sa lupain ng Egipto ay natapos.
11. Genesis 41:53-54
54 At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang
dumating, ayon sa sinabi ni Jose: at nagkagutom sa
lahat ng lupain; datapuwa't sa buong lupain ng
Egipto ay may tinapay.
13. Genesis 47:20
20 Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng
Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't
isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang
kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain
ay naging kay Faraon.
15. Genesis 47:23-25
23 Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito,
aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y
para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at
inyong hahasikan ang lupa.
16. Genesis 47:23-25
24 At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang
ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi
ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at
sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa
inyong mga bata.
17. Genesis 47:23-25
25 At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming
buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa
paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga
alipin ni Faraon.
18. Kawikaan 21:20
20 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan
ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
27. 2 TESALONICA 3:10
10 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay
aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw
gumawa, ay huwag din namang kumain.
36. 1 Timoteo 6:9
9 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay
nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga
pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa
mga tao sa kapahamakan at kamatayan.