11. Juan 8:44
Ang diyablo ang inyong ama! At ang
gusto ninyong gawin ay kung ano ang
gusto niya. Sa simula pa lang ay
mamamatay-tao na siya. Hindi siya
pumanig sa katotohanan kailanman,
sapagkat walang puwang sa kanya
ang katotohanan. Kapag nagsasalita
siya ng kasinungalingan, nagsasalita
siya ayon sa kanyang kalikasan
sapagkat siya'y sinungaling, at siya
ang ama ng kasinungalingan.
13. Gen 4:9
Tinanong ni Yahweh si Cain, “Nasaan
ang kapatid mong si Abel?” Sumagot
siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y
tagapag-alaga ng aking ka-patid?”
14. Gawa 5:1-11
Subalit mayroong mag-asawa na
nagbenta ng kanilang ari-arian; Ana-nias
ang pangalan ng lalaki at Safira naman
ang babae. 2 Hindi ibinigay ni Ananias sa
mga apostol ang buong pinagbilhan na
sinang-ayunan naman ng kanyang
asawa. Isang bahagi lamang ang
kanyang ipinagkatiwala sa mga apostol.
3 Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit
ka nagpadala kay Satanas at
nagsinungaling ka sa Espiritu Santo?
Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo
ng lupa?
15. Gawa 5:1-11
4 Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo
iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin
ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin
iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi
sa Diyos.” 5 Nang marinig ito ni Ananias,
siya'y nalagutan ng hininga at bumagsak, at
lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay
pinagharian ng matinding ta-kot. 6 Lumapit
ang ilang binata, binalot ang bangkay, at
siya'y inilibing. 7 Pagkaraan ng may tatlong
oras, dumating naman ang kanyang asawa
na walang kamalay-malay sa nangyari.
16. Gawa 5:1-11
8 Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa
akin, ito nga ba lamang ang kabuuang
halagang pinagbilhan ninyo ng inyong
lupa?”
“Opo, iyan lamang,” sagot ng babae.
9 Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit
nagkaisa kayong subukin ang Espiritu ng
Panginoon? Hayan! Kadarating pa
lamang ng mga naglibing sa iyong
asawa, at ikaw naman ngayon ang
isusunod nila!”
17. Gawa 5:1-11
10 Noon di'y nabuwal si Safira sa paanan
ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga
binata, nakita nilang patay na siya kaya't
inilibing siya sa tabi ng kanyang asawa.
11 Nakadama ng matinding takot ang
buong iglesya at ang lahat ng nakabalita
nito.
18. Kawikaan 6:17-19
Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong
bagay, mga bagay na kanyang
kinasusuklaman:kapalaluan,
kasinungalingan, at mga pumapatay sa
walang kasalanan pusong sa kapwa'y
walang mabuting isipan, mga paang
ubod tulin sa landas ng kasamaan,
saksing sinungaling, mapaglubid ng
buhangin, pag-awayin ang kapwa,
laging gusto niyang gawin.
20. 2 Corinto 10:3-5
3 Kung nabubuhay man kami sa
mundong ito, hindi naman kami
nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng
mundong ito. 4 Ang sandata namin sa
pakikipaglaban ay hindi makamundo,
kundi ang kapangyarihan ng Diyos na
nakakapagpabagsak ng mga kuta.
Sinisira namin ang mga ma-ling
pangangatuwiran, 5 ginagapi namin ang
lahat ng pagmamataas laban sa
kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag
namin ang lahat ng isipan upang
matutong sumunod kay Cristo.
23. 2 Efeso 2:10
10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng
Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay
Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para
sa mabubuting gawa na inihanda niya
noong una pa man upang gawin natin.
24. 2 Corinto 5:17-18
17 Kaya't kung nakipag-isa na kay
Cristo ang isang tao, isa na siyang
bagong nilalang. Wala na ang dati
niyang pagkatao, sa halip, ito'y
napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos
ang gumawa ng lahat ng ito. Sa
pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya
kaming mga kaibigan at hindi na
kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami
upang maglingkod nang sa gayon
ang mga tao ay maging kaibigan rin
niya.
25. Hindi ka pwedeng magpatuloy sa
pagsisinungaling pag si Kristo ay
nasa sa iyong buhay na.
28. Ilapat mo ang iyong isipan sa
Salita ng Diyos. Ang Salita ng
Diyos ay totoo at hayaan mong
mangusap sa iyo.
29. Ang Salita ng Diyos ay bukal ng
katotohanan. Ito ay universal na
katotohanan.
30. 2 Corinto 10:5
5 ginagapi namin ang lahat ng
pagmamataas laban sa kaalaman
tungkol sa Diyos, at binibihag namin
ang lahat ng isipan upang matutong
sumunod kay Cristo.
32. Kawikaan 18:21
Ang buhay at kamatayan ay sa dila
nakasalalay, makikinabang ng bunga
nito ang dito ay nagmamahal.
33. Awit 19:14
Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan,
kaluguran mo, Yahweh, manunubos
ko at kanlungan.
34. Mayroon universal na
katotohanan at ito ay ang Salita
ng Diyos. Magiging matalino ka o
magiging tama ang iyong
ginagawa o si-nasabi kapag
naniniwala ka at bumabatay ka
lagi sa Salita ng Diyos.
40. Ang katotohanan, integridad at
pananampalataya ay
magkakasama.
Ang pinakamatinding
kasinungalingan ay ang hindi
paniniwala sa Salita ng Diyos
sapagkat ang Salita ng Diyos ay
katotohanan.
42. Galacia 2:20
20 Kaya hindi na ako ang nabubuhay
ngayon kundi si Cristo na ang
nabubuhay sa akin. At ang buhay ko
ngayon sa katawan ay ikinabubuhay
ko sa pamamagitan ng
pananampalataya sa Anak ng Diyos
na nagmahal sa akin at naghandog ng
kanyang sarili para sa akin.
43. Filipos 3:13-14
13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay
na nakamit ko na ito. Ngunit isang
bagay ang ginagawa ko: habang
nililimot ko ang nakaraan at sinisikap
na marating ang layuning nais kong
makamtan, 14 nagpupunyagi ako
patun-go sa hangganan upang
makamtan ang gantimpala ng
pagkatawag sa akin ng Diyos sa
pamamagitan ni Cristo Jesus, ang
buhay na nasa langit.
45. 1 Juan 1:6
6 Kung sinasabi nating tayo'y may
pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay
naman tayo sa kadiliman,
nagsisinungaling tayo at hindi
namumuhay ayon sa katotohanan.
46. Dakipin natin ang ating mga
maling kaisipan sa paglapat ng
ating isipan sa Salita ng Diyos