3. Lot11 Gold Street, San Jose
Dasmarinas, Cavite
Setyembre 21, 2015
Mahal kong kaibigan,
Kahit matagal na tayo hindi nagkikita hindi parin ako
nakakalimot sa ating pagkakaibigan,kamusta kana ba?. Ako
pala ay isa ng mangagamot, sana ay maging mabuti ang
iyong buhay.
Nagmamahal,
Arjane
5. 337 A. Bonifacio Ave. San
Jose Quezon City, Manila
January 17, 2010
Kaibigan kong Gemma,
Kumusta ka na? Tagal na natin di nag kikita. Minsan
pumarito ka samin at magsaya tayo gaya ng dati kulitan,
kwentuhan, tambay dito tambay doon. May balita ako para
sayo ako ay naka pasa sa board exam at magiging lawyer na ko.
Sana ikaw rin ay maabot mo na ang iyong mga pangarap.
Iyong Kaibigan,
Tess
7. Poblacion, Bacon Districit
Sorsogon City
Marso 2, 2011
Mahal kong Tita Ana,
Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na
magaganap sa April 6 alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa
kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may
sertipiko at diplomang matatanggap. Inaasahan ko po ang
inyong pagdating.
Nagmamahal,
Fiona
9. 56 A. Mabini St.
Malate, Manila
Oktubre 31,2009
Mahal kong Fiona,
Natanggap ko ang iyong liham paanyaya tungkol
sa iyong pagtatapos. Asahan mo ang aking pagdalo sa iyong
pagtatapos. Ako ay sobrang saya at ipinagmamalaki kita. Mas
galingan mo pa ang iyong pag-aaral.
Nagmamahal,
Tita Ana
11. Poblacion, Bacon District
Sorsogon City
Marso 2, 2011
Mahal kong Ninang Fatima,
Happy Birthday Ninang!. Sana masaya ka ngayong
kaarawan mo. Sa susunod ko na lang po kayo bibigyan ng regalo
pagdalaw ko dyan. Sana maging masaya ang party ninyo.
Ang iyong inaanak,
Samantha
13. 1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992
Mahal kong Christine,
Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong
damit noong magtatapos ako sa elementarya. Ang sabi ng nanay
ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon.
Lalo raw akong nagmukhang dalagita. Hustong-husto iyon sa akin.
Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang
tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.
Nagmamahal,
Vanessa
15. Block 8 Bermuda St.
Las Piñas City
Setyembre 7, 2014
Mahal kong kaibigan,
Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nakapunta
sa iyong kaarawan noong isang linggo. Muli paumanhin sayo.
Ang iyong kaibigan,
Dennise
17. Z#8 Poblacion
Bula, Camarines Sur
Nobyembre 15,2012
Mahal kong kaibigan,
Ako ay nakikiramay sa pagkawala ng iyong tatay noong
nakaraang linggo. Pasensya na kung hindi ako nakapunta sa
burol ng iyong itay kahapon dahil marami akong inasikasong
trabaho sa bahay. Dagdagan pa sana ninyo ang inyong dasal
dahil alam ko na hindi pababayaan ng Diyos ang inyong pamilya.
Ang iyong kaibigan,
Mariz