SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Download to read offline
1
ARALING PANLIPUNAN 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN Bilang 1: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Week 1
Mga Palatandaan ng Pag-unlad
PAGSULONG
Mga Salik na Makakatulong sa Ekonomiya ng Bansa
1.Likas na Yaman- Malaki ang naitutulong ng likas na yaman sa bansa sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na
ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis
na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas paggawa. Mas
maraming output ang nalilikha ng isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
3. Kapital – Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit ng episyente ang pinagkukunang
yaman upang mas marami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
PAG-UNLAD
Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga
produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito ginagamit ang GDP, GNP, GDP/GNP per
capita at real GDP/GNP. Ayon kay Fajardo: Ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang
mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi
nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao. Ayon kina Todaro at Smith: ang pag-unald ay isang multidimensiyonal
na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang
institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulongng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-
alis ng kahirapan.
Human Development Index (HDI): Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na
matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Sa Aspektong Pangkalusugan: Ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito
ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan
sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.
Sa Aspekto ng Edukasyon: Ang mean of years of schooling at expected years of schooling ay tinataya ng United
Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa sarbey at sensus
ukol sa antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Ang expected years of schooling ay
natataya base sa bilang ng mga nagaaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected
years of schooling ng UNESCO.
Sa Aspekto ng Antas ng Pamumuhay – Ito ay nasusukat gamit ang gross national income per capita.
Gawain sa Pagkatuto 1: PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA
Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad gamit ang Venn diagram. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad?
2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag.
3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin.
2
ARALIN Bilang 2: Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
Week 2
Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan. Maaaring ang pagbibigay ng
kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan.
Mga Estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng tamang buwis ay makakatulong sa pamahalaan
upang magamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon,murang programang pangkalusugan, at
iba pa.
2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki
sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang
magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi at ang kita ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba.
2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat sikaping maging negosyante
upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi mga dayuhan.
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal,
at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangan
gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang
dayuhang produkto kaya dapat na tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago bumoto at
suriin ang isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri ang kandidatong may malalim na kabatiran sa mga ito.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pag-unlad ay hindi
magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Dapat magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad
upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: IKAMPANYA MO NA!
Bilang isang Pilipino, paano ka makakapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito. Ilahad
ang iyong kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa pagsasagawa ng gawain.
Gawin ito sa short bond paper.
ARALIN Bilang 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
Week 3
ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA
Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Nabibilang sa bansang agrikultural dahil sa lawak at dami
ng lupain na malaking bahagi ay ginagamit sa gawaing pang-agrikultura. Malaking bahagi ng ekonomiya ay
nakadepende sa sektor ng agrikultura. Ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil lahat ng
sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksiyon.
3
• Paghahalaman (farming). Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, manga, tabako at abaka. Ang mga pananim ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng
bansa. Kasama din dito ang produksiyon ng gulay, halamang-gubat, at mga halamang mayaman sa hibla (fiber).
• Panghahayupan (livestock). Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-suplay ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain.
• Pangingisda (fishery). Ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo at isa
pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa.
• Paggugubat (forestry). Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na
nililinang ang ating kagubatan bagaman tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito na
pinagkukunan ng plywood, table, torso at veneer.
Tatlong Uri ng Pangingisda
1. Komersiyal- tumutukoy sa sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa
tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.
2. Munisipal- ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
3. Aquaculture- tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng
tubig pangisdaan- fresh (tabang), brackish (maalat-alat), at marine (maalat).
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulang ng pagkain. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor
sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.
2. Pinagkukunan ng material para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na
sangkap mula sa kagubatan.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga
produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ang karaniwang trabaho ng mga Pilipino ay nabibilang sa
sektor ng agrikultura bilang mga magsasaka, mangingisda, minero o tagapag-alaga sa paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo
sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang
patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay
pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: CONCEPT DEFINITION MAP
Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng Concept Definition Map gamit ang modelo sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
4
ARALIN Bilang 4: Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura
Week 4
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura
Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Ang mga
suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga namumuno ng
bayan gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa.
MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
5
Gawain sa Pagkatuto 4: MANGAMPANYA TAYO!
Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng agrikultura. Gawin ito sa sa pamamagitan ng pagpili
ng isa sa mga sumusunod na gawain.
• Essay writing (short bond paper)
• Poster and Slogan (short bond paper)
• Painting/Drawing (short bond paper)
• Journal Writing (booklet)
• Liham (short bond paper)
Kraytirya o Rubriks sa Paggawa
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Presentasyon o Nilalaman 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
Kabuuan 100%
6
ARALIN Bilang 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA
Week 5
Sektor ng Industriya
Ang sektor ng industriya ay ang sekundaryang sektor ng ekonomiya. Ito ay sekundarya dahil kinakailangan nito ng
mga produktong nagmumula sa iba pang sektor, tulad ng agrikultura, upang makagawa ng mga produkto. Ang sektor
na ito ay mahalaga dahil sa papel na ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng bansa ito ang sektor na nagbibigay ng
malaking ambag sa kalakalang panlabas ng bansa, at nagbibigay ng mga yaring produkto na ginagamit ng mga tao
sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Bahagi ng Sektor ng Industriya
• Pagmimina- ito ay isang gawain na may kinalaman sa pagkuha ng mga mineral sa ilalim ng lupa. Ang mga mineral
na ito ay maaaring maging metal, hindi metal o mahalagang bato. Kasama sa industriya ng pagmimina ang langis,
semento, at graba at iba pang mineral na napapakinabangan ng mga tao.
• Pagmamanupaktura- Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng
mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Inilarawan din ng Australian and New Zealand
Standard Industrial Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga
material o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
• Konstruksiyon – Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land
improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga
mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito na nag probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at
konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan.
• Utilities- Ang bahagi ng utilidad ay isa sa pinakamahalagang industriya ng bansa dahil ito ang nagbibigay ng mga
pangunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig, langis, at telekomunikasyon. Ang mga serbisyong ito ay nagbibigay ng
pangunahing pangangailangan sa mga sambahayan. Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang
mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa.
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Ang industriyalisasyon ay ang paglipat ng batayan ng mga sektor ng ekonomiya mula sa sektor ng ekonomiya mula
sa sektor ng agrikultura papunta sa sektor ng industriya. Ayon sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao
et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung
magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa pagiging rural, agrikultural, atrasado, at mapamahiin
patungong urban, industriyal, progresibo, at moderno. Narito ang ilan sa mga kahalagahan at papel na
ginagamapanan ng sektor ng industriya.
1. Tagaproseso ng Hilaw na Materyales
Kung ang sektor ng agrikultura ang tagapagbigay ng hilaw na materyales, ang sektor ng industriya naman ang
tagaproseso nito. Ginagamit ng sektor ng industriya ang mga hilaw na materyales para makagawa ng produkto.
Ngunit hindi lahat ng mga hilaw na materyales ay nagmumula sa sektor ng agrikultura dahil maaari din itong magmula
sa minahan na bahagi ng sektor ng industriya.
2. Nagsusuplay ng mga Yaring Produkto
Lahat ng mga yari at tapos na produkto ay nanggagaling sa sektor ng industriya. Ito ang nagbibigay ng suplay sa mga
sambahayan upang magamit at masiguro ang maayos na pamumuhay ng mga tao. Mahalagang gampanin ng sektor
na ito ang pagsisiguro na mayroong yaring produkto na maibebenta sa pamilihan. Dapat na masiguro na ang mga
produkto ay ligtas, mataas ang kalidad, malinis, at may kapakinabangan sa mga tao.
3. Tagapasok ng dolyar
Ang sektor ng industriya ay tagapagpasok ng dolyar sa bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat ng mga hilaw na
materyales mula sa ibang bansa. Ang mga produkto ng sektor na ito ay ikinakalakal sa iba’t ibang bansa at siya
naming nagdudulot sa pagpasok ng dolyar sa Pilipinas.
4. Nagkakaloob ng Hanapbuhay
Ayon sa pinakahuling datos ng PSA noong 2016, ang sektor ng industriya ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa 16. 7
porsiyento ng mga manggagawa sa bansa. Habang sa loob bg sektor na ito, ang mga manggagawa sa
pagmamanupaktura ay binubuo ng 49.2 porsiyento, at ang bahagi naman ng kontruksiyon ay binubuo ng 45.5
porsiyento na mga manggagawa. Ang natitirang mga bahagi nman ay pinaghahatian ng utilidad at pagmimina.
7
5. Tagapagtaguyod ng Makabagong Teknolohiya
Ang sektor ng industriya ay isa sa mga sektor na nakagagawa at gumagamit ng makabagong teknolohiya. Dulot ng
teknolohiya, mas napabibilis ang paggawa ng mga produkto na maaaring ibenta. Ang sektor na ito ay isa sa mga
nagsisimula sa inobasyon sa teknolohiya sa mga produkto bago pa man ito mahawakan o magamit ng mga
konsyumer. Ang inobasyon sa teknolohiya ay mahalaga upang makasabay sa mga pagbabago sa lipunan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: TAMA o MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung
ang pahayag ay di-wasto.
1. Ang sektor ng industriya ang tagaproseso ng mga hilaw na materyales na ginagamit upang makagawa ng iba’t
ibang produkto.
2. Ang sektor ng industriya ay pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga tao para sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
3. Malaki ang naiaambag ng sektor ng industriya sa kalakalang panlabas ng bansa sa pamamagitan ng pa-aangkat
ng mga produkto.
4. Ang sektor ng industriya ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga manggagawa ng bansa.
5. Mahalaga ang inobasyon upang mapaunlad ang sektor ng industriya.
6. Mayroong apat na bahagi ang sektor ng industriya: Pagawaan o pagmamanupaktura, konstruksiyon, utilidad, at
pagmimina.
7. Ang pagmimina ay isang gawain na may kinalaman sa pagkuha ng mga hilaw na materyales sa
kabundukan.
8. Dapat na magkaroon ng pagbabago sa polisiya patungkol sa mga imprastruktura at iba structural
policies upang mapaunald ang sektor ng industriya.
9. Ang sektor ng industriya ang pangunahing tagapagtustos ng mga pangangailangan ng sambahayan.
10. Ang konstruksiyon ay ang pagkuha ng mga mineral sa ilalim ng lupa.
Aralin Bilang 4: Ang Sektor ng Paglilingkod
Week 6
Ang sektor ng paglilingkod ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang mga serbisyong ito ay
nakatutulong upang masiguro ang maayos na pagganap ng mga mamamayan sa pagpapaunald ng bansa. Ito ay ang
sektor ng na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi,
paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon,
distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng bansa.
Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo tulad ng serbisyong
propesyonal ng mga doktor, abogado, guro, arkitekto, inhenyero,nars at iba pang gawain.
Mga Pormal na Industriyang bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod
• Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan- binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng
publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
• Kalakalan- mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod.
• Pananalapi- kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansyal tulad ng mga
bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers, iba pa.
• Paupahang bahay at Real Estate- mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town
house at condominium.
• Paglilingkod ng Pampribado- lahat ng mga panglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito.
• Paglilingkod ng Pampubliko- lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Mga Ahensyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod
• Department of Labor and Employment (DOLE) – nagsusulongng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,
humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, at
nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa ng bansa.
• Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)- ahensya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga
Overseas Filipino Workers.
• Philippine Overseass Employment Administration (POEA)- itinatag sa bisa ng Executice Order 797 noong 1982 na
may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan
ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
• Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- itinatag sa bisa
ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya,
paggawa, mga local na pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang
kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
8
• Professional Regulation Commission (PRC)- nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga mangagawang
propesyoanl upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyunal ng bansa.
• Commission on Higher Education (CHED)- nangangasiwa sa gawain ng mga Pamantasan at kolehiyo sa bansa
upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: TULONG PAGLILINGKOD
Batay sa iyong binasang teksto, kumpletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang bansa?
2. Alin sa mga ahensya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga manggagawang Pilipino?
3. Bakit kailangang siguruhin ang kapakapanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa?
ARALIN Bilang 5: ANG IMPORMAL NA SEKTOR:
Week 7
MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA
ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG
Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng
impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang
(developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya.
Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong
1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing
pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang
uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinangayunan ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang
isinagawang First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon,
nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.
Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng
pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th International Conference of
Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay
nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at
serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga
gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at
pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon
sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga
patakarang itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito
ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na
mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor.
Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong
katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng taong ding iyon (Abril 2008), lumabas na
mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator.
Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35
gulang pataas. Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and
Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the
Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang
9
impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay
nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong
tutugon sa ating mga pangangailangan. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross
Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.
Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and
Budget Department (House of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share
in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007.
Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol
sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo
na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon
ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang
kahirapan
ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito
Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang
bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground
economy o hidden economy. Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga nagtitinda sa
kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong
sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon,
ilegal
na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD)
at digital video disc (DVD).
Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor:
 Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
 Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
 Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
Dahilan ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang impormal na
sektor sa iba’t ibang bansa. Sa pangkalahatan, sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na
pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya.
Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas
tungkol sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor.
Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012)
nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga
mamamayaan sa impormal na sektor:
 Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
 Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang
tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan;
 Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad
nang maayos;
 Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; at
 Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba pang malalaking
lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal na sektor.
10
Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng
ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang
pagiging matatag laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin,kawalan ng trabaho,
maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: TEKSTO-SURI
Batay sa tekstong iyong binasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto?
2. Isa-isahin ang mga dahilang kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor.
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng
impormal na sekto? Bakit?
Aralin Bilang 6: Ang Pilipinas at ang Kalakalang Panlabas
Week 8
Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN
Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang
panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal
kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng
edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon.
Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o
sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”.
Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging
ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong
palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas. Ilan sa mga samahang pandaigdigang
pang-ekonomiko na kabilang ang ating
bansa ay ang sumusunod:
WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO)
Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit
ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin
sa Uruguay Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech, Morroco noong Abril 15,
1944.
Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong
nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura.
Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.Ito ay kinikilala bilang samahang
namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga
kasaping estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga problema,
usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado.
Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o
pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi
ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga
patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon
sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi
maging aspektong pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa isang
kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang kasaping bansa.
Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization (WTO) ay ang sumusunod:
 Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa
kalakalan (trade barriers);
 Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay
para sa mga papaunlad na bansa (developing countries).
 Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction
laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng
maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay
magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang
magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito.
11
Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon
“nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang sistema ng pakikipagkalakalan
ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo:
 Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon.
 Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga
hadlang-pangkalakalan;
 Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak ang mga dayuhang
kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pang-ekonomiko at manatiling bukas ang pamilihan;
 Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo;
 Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad.
 Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang, hindi-kabilang, observer status, at mga
bansang nasa representasyon ng European Union sa WTO.
ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (APEC)
Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-
Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Ang mga bansang nasa rehiyon ng
Pasipiko ay nagkakaroon ng ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng kaunlarang
pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan. Ito ay itinatag noong Nobyembre 1989 at ang punong
himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore.
Ang ating bansa ay isa sa mga orihinal na kasapi nito kabilang ang Australia, Brunei, Canada, Indonesia, Japan,
South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore,Thailand, at United States. Samantala, noong Nobyembre 1991 ay
sumapi rin ang China, Hongkong, at Taiwan. Noong Nobyembre 1993, ang Mexico at Papua New Guinea ay
nakabilang din. Ang bansang Chile ay sumali noong Nobyembre 1994 at ang Peru, Russia, at Vietnam naman ay
noong Nobyembre 1998. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 21 bansa.
Ang samahang ito ay nagsasagawa ng taunang pagpupulong o economic forum upang pag-usapan ang iba’t ibang
isyu partikular na ang kalakalan at pamumuhunan. Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong
pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa mga isyu o usapin ay ibinabatay
ayon sa consensus.Kaugnay nito, ang kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting ay isinagawa noong1993 sa Blake
Island, Washington D.C. sa pangunguna ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton na kung saan ay
nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng
taripa at quota.Ang taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal samantalang ang quota ay ang takdang
dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa.
Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang samahang ito ay mayroong tinatawag
na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod;
 Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang
pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa.
 Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng itatayong imprastrukturang kailangan sa
pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat
gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa
magiging epekto nito tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at pagkakaroon ng mas
malawak na pamilihan.
 Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang
malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping kasaping bansa.
ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN)
Pinagkunan:http://en.wikipedia.org/wiki/Association_of_Southeast_Asian_Nations#mediaviewer/
File:Seal_of_ASEAN.svg Retrieved on November 7, 2014
Matapos mabigo ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asia (ASA),ito ay nagbigay daan para magsimula ang
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin
ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay binuo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas,
Singapore, at Thailand na kinilala bilang mga Founding Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok
Declaration. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam.
12
Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa sa
Timog-Silangang Asya.
Idagdag pa rito ang pagnanais na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang
pangekonomiko. Ang punong-himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Upangmas mapaghusay at
tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng tatlong
community na binubuo ng ASEAN Political-Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio-
Cultural Community.Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang
malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Kabilang sa dialogue
partners nito ay ang Australia, China, Estados Unidos, European Union, Japan, New Zealand, Russia, at South
Korea. Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade
Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992, sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common
Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging
ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Kung kaya’t sa larangan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa economic bloc batay sa inilabas na datos ng
Philippine Statistical Authority (PSA), ang ASEAN ay pangalawa sa may naitalang $770.46 milyon para sa June 2014.
Ito ay isang pagpapatunay na mas pinaiigting ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang kanilang ugnayan pagdating sa
kalakalan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: PHILIPPINE ECONOMIC TIES: Logo Natin, Alamin at Talakayin
Mula sa tekstong iyong nabasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba. Pagkatapos nito ay punan mo
ng impormasyon ang dayagram bilang pagbubuod.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing diwa o mensahe ng iyong binasang teksto?
2. Mula sa iyong binasa, bakit nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga samahang pandaigdig?
3.Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng mahahalagang impormasyon ang dayagram na nasa ibaba
upang maikompara ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga samahang pandaigdig. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Sanggunian:
Ekonomiks,Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral nina; Balitao, Buising, Garcia,et al.
Ekonomiks, Araling Panlipunan, Gabay sa Pagtuturo nina; Balitao, Buising, Garcia et al.
13

More Related Content

What's hot

Aralin 19 patakaran ng pananalapi
Aralin 19 patakaran ng pananalapiAralin 19 patakaran ng pananalapi
Aralin 19 patakaran ng pananalapiRivera Arnel
 
Ang patakarang pisikal ng pamahalaan
Ang patakarang pisikal ng pamahalaanAng patakarang pisikal ng pamahalaan
Ang patakarang pisikal ng pamahalaanEsteves Paolo Santos
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkodedmond84
 
Karapatan ng mamimili
Karapatan ng mamimiliKarapatan ng mamimili
Karapatan ng mamimiliMarie Cabelin
 
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorMELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorRivera Arnel
 
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaYunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaThelma Singson
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiRivera Arnel
 
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasMELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasRivera Arnel
 
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura Aralin 2 Sektor sa Agrikultura
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura edmond84
 
Aralin 17 inflation
Aralin 17 inflationAralin 17 inflation
Aralin 17 inflationRivera Arnel
 
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterAP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterCj Obando
 
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptx
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptxG9-Sektor-ng-paglilingkod.pptx
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptxJenniferApollo
 
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaMELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaRivera Arnel
 
Paikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
Paikot na Daloy ng Pambansang EkonomiyaPaikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
Paikot na Daloy ng Pambansang EkonomiyaRhine Ayson, LPT
 
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaMELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaRivera Arnel
 
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng EkonomiyaAralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiyaedmond84
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaRivera Arnel
 
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng EkonomiyaMakroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng EkonomiyaAntonio Delgado
 

What's hot (20)

Aralin 19 patakaran ng pananalapi
Aralin 19 patakaran ng pananalapiAralin 19 patakaran ng pananalapi
Aralin 19 patakaran ng pananalapi
 
Ang patakarang pisikal ng pamahalaan
Ang patakarang pisikal ng pamahalaanAng patakarang pisikal ng pamahalaan
Ang patakarang pisikal ng pamahalaan
 
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng PaglilingkodAralin 4 Sektor ng Paglilingkod
Aralin 4 Sektor ng Paglilingkod
 
Karapatan ng mamimili
Karapatan ng mamimiliKarapatan ng mamimili
Karapatan ng mamimili
 
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorMELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
 
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikulturaYunit 4 aralin 2 agrikultura
Yunit 4 aralin 2 agrikultura
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
 
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasMELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
 
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura Aralin 2 Sektor sa Agrikultura
Aralin 2 Sektor sa Agrikultura
 
Aralin 17 inflation
Aralin 17 inflationAralin 17 inflation
Aralin 17 inflation
 
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth QuarterAP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
AP Aralin 2 (Sektor ng Agrikultura) Fourth Quarter
 
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptx
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptxG9-Sektor-ng-paglilingkod.pptx
G9-Sektor-ng-paglilingkod.pptx
 
BUWIS
BUWISBUWIS
BUWIS
 
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaMELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
 
Paikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
Paikot na Daloy ng Pambansang EkonomiyaPaikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
Paikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
 
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng AgrikulturaMELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
MELC_Aralin 19-Sektor ng Agrikultura
 
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng EkonomiyaAralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 
Mga Salik Pamproduksyon na Nakakaapekto sa Suplay
Mga Salik Pamproduksyon na Nakakaapekto sa SuplayMga Salik Pamproduksyon na Nakakaapekto sa Suplay
Mga Salik Pamproduksyon na Nakakaapekto sa Suplay
 
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng EkonomiyaMELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
MELC_Aralin 12-Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng EkonomiyaMakroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Makroekonomiks at Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
 

Similar to AP WEEK 1-8 Q4.pdf

Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxValDarylAnhao2
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAasa net
 
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptxAP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptxJoyLedda3
 
Sektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxSektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxRoldanBantayan2
 
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...RonalynGatelaCajudo
 
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdf
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdfMELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdf
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdfMarAngeloTangcangco
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakdionesioable
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranRivera Arnel
 
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxQ1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxAnaMarieTobias
 
Aralin 19 ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansa
Aralin 19  ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansaAralin 19  ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansa
Aralin 19 ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansaAlice Bernardo
 
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Department of Education-Philippines
 
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxFor sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxGEMMASAMONTE5
 
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).ppt
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).pptmelcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).ppt
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).pptpastorpantemg
 
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptx
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptxKONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptx
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptxRamosanavanesa
 
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptsektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptMariaRuffaDulayIrinc
 
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptsektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptMariaRuffaDulayIrinc
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Byahero
 

Similar to AP WEEK 1-8 Q4.pdf (20)

Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
 
Panitikan.pptx
Panitikan.pptxPanitikan.pptx
Panitikan.pptx
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
 
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptxAP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
AP 9 Q4 L1 araling panlipunannnnnnn.pptx
 
Sektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptxSektor ng Agrikultura.pptx
Sektor ng Agrikultura.pptx
 
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...
vdocuments.mx_k-12-aralin-20-konsepto-at-palatandaan-ng-pambansang-kaunlaran-...
 
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdf
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdfMELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdf
MELC_Aralin-18-Konsepto-at-Palatandaan-ng-Pambansang-Kaunlaran-1.pdf
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
 
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptxQ1-W3-ALOKASYON-1.pptx
Q1-W3-ALOKASYON-1.pptx
 
Aralin 19 ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansa
Aralin 19  ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansaAralin 19  ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansa
Aralin 19 ang pagtataguyod sa kaunlaran ng isang bansa
 
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
 
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxFor sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
 
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).ppt
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).pptmelcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).ppt
melcaralin18-konseptoatpalatandaanngpambansangkaunlaran-210510111730 (3).ppt
 
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptx
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptxKONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptx
KONSEPTO AT PALATANDAAN PAG UNLAND GRADE 9.pptx
 
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptsektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
 
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].pptsektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
sektorngagrikultura-150428220308-conversion-gate02 [Autosaved].ppt
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
 

AP WEEK 1-8 Q4.pdf

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN 9 IKAAPAT NA MARKAHAN ARALIN Bilang 1: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran Week 1 Mga Palatandaan ng Pag-unlad PAGSULONG Mga Salik na Makakatulong sa Ekonomiya ng Bansa 1.Likas na Yaman- Malaki ang naitutulong ng likas na yaman sa bansa sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa. 2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas paggawa. Mas maraming output ang nalilikha ng isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito. 3. Kapital – Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. 4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit ng episyente ang pinagkukunang yaman upang mas marami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo. PAG-UNLAD Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito ginagamit ang GDP, GNP, GDP/GNP per capita at real GDP/GNP. Ayon kay Fajardo: Ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao. Ayon kina Todaro at Smith: ang pag-unald ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulongng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag- alis ng kahirapan. Human Development Index (HDI): Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Sa Aspektong Pangkalusugan: Ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay. Sa Aspekto ng Edukasyon: Ang mean of years of schooling at expected years of schooling ay tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa sarbey at sensus ukol sa antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Ang expected years of schooling ay natataya base sa bilang ng mga nagaaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO. Sa Aspekto ng Antas ng Pamumuhay – Ito ay nasusukat gamit ang gross national income per capita. Gawain sa Pagkatuto 1: PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad gamit ang Venn diagram. Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad? 2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag. 3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin.
  • 2. 2 ARALIN Bilang 2: Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran Week 2 Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Mga Estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa: MAPANAGUTAN 1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng tamang buwis ay makakatulong sa pamahalaan upang magamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon,murang programang pangkalusugan, at iba pa. 2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. MAABILIDAD 1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi at ang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. 2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat sikaping maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi mga dayuhan. MAKABANSA 1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangan gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. 2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto kaya dapat na tangkilikin ang mga produktong Pilipino. MAALAM 1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago bumoto at suriin ang isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri ang kandidatong may malalim na kabatiran sa mga ito. 2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Dapat magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: IKAMPANYA MO NA! Bilang isang Pilipino, paano ka makakapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito. Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa pagsasagawa ng gawain. Gawin ito sa short bond paper. ARALIN Bilang 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA Week 3 ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Nabibilang sa bansang agrikultural dahil sa lawak at dami ng lupain na malaking bahagi ay ginagamit sa gawaing pang-agrikultura. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
  • 3. 3 • Paghahalaman (farming). Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, manga, tabako at abaka. Ang mga pananim ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Kasama din dito ang produksiyon ng gulay, halamang-gubat, at mga halamang mayaman sa hibla (fiber). • Panghahayupan (livestock). Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-suplay ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. • Pangingisda (fishery). Ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo at isa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. • Paggugubat (forestry). Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating kagubatan bagaman tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito na pinagkukunan ng plywood, table, torso at veneer. Tatlong Uri ng Pangingisda 1. Komersiyal- tumutukoy sa sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. 2. Munisipal- ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. 3. Aquaculture- tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan- fresh (tabang), brackish (maalat-alat), at marine (maalat). KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA 1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulang ng pagkain. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan. 2. Pinagkukunan ng material para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan. 3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. 4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ang karaniwang trabaho ng mga Pilipino ay nabibilang sa sektor ng agrikultura bilang mga magsasaka, mangingisda, minero o tagapag-alaga sa paghahayupan. 5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: CONCEPT DEFINITION MAP Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng Concept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura? 2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
  • 4. 4 ARALIN Bilang 4: Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura Week 4 Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga namumuno ng bayan gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa. MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
  • 5. 5 Gawain sa Pagkatuto 4: MANGAMPANYA TAYO! Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng agrikultura. Gawin ito sa sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga sumusunod na gawain. • Essay writing (short bond paper) • Poster and Slogan (short bond paper) • Painting/Drawing (short bond paper) • Journal Writing (booklet) • Liham (short bond paper) Kraytirya o Rubriks sa Paggawa a. Angkop sa Paksa 40% b. Presentasyon o Nilalaman 30% c. Orihinalidad 20% d. Kalinisan 10% Kabuuan 100%
  • 6. 6 ARALIN Bilang 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA Week 5 Sektor ng Industriya Ang sektor ng industriya ay ang sekundaryang sektor ng ekonomiya. Ito ay sekundarya dahil kinakailangan nito ng mga produktong nagmumula sa iba pang sektor, tulad ng agrikultura, upang makagawa ng mga produkto. Ang sektor na ito ay mahalaga dahil sa papel na ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng bansa ito ang sektor na nagbibigay ng malaking ambag sa kalakalang panlabas ng bansa, at nagbibigay ng mga yaring produkto na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mga Bahagi ng Sektor ng Industriya • Pagmimina- ito ay isang gawain na may kinalaman sa pagkuha ng mga mineral sa ilalim ng lupa. Ang mga mineral na ito ay maaaring maging metal, hindi metal o mahalagang bato. Kasama sa industriya ng pagmimina ang langis, semento, at graba at iba pang mineral na napapakinabangan ng mga tao. • Pagmamanupaktura- Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Inilarawan din ng Australian and New Zealand Standard Industrial Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga material o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto. • Konstruksiyon – Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito na nag probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan. • Utilities- Ang bahagi ng utilidad ay isa sa pinakamahalagang industriya ng bansa dahil ito ang nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente, tubig, langis, at telekomunikasyon. Ang mga serbisyong ito ay nagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa mga sambahayan. Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa. Kahalagahan ng Sektor ng Industriya Ang industriyalisasyon ay ang paglipat ng batayan ng mga sektor ng ekonomiya mula sa sektor ng ekonomiya mula sa sektor ng agrikultura papunta sa sektor ng industriya. Ayon sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa pagiging rural, agrikultural, atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at moderno. Narito ang ilan sa mga kahalagahan at papel na ginagamapanan ng sektor ng industriya. 1. Tagaproseso ng Hilaw na Materyales Kung ang sektor ng agrikultura ang tagapagbigay ng hilaw na materyales, ang sektor ng industriya naman ang tagaproseso nito. Ginagamit ng sektor ng industriya ang mga hilaw na materyales para makagawa ng produkto. Ngunit hindi lahat ng mga hilaw na materyales ay nagmumula sa sektor ng agrikultura dahil maaari din itong magmula sa minahan na bahagi ng sektor ng industriya. 2. Nagsusuplay ng mga Yaring Produkto Lahat ng mga yari at tapos na produkto ay nanggagaling sa sektor ng industriya. Ito ang nagbibigay ng suplay sa mga sambahayan upang magamit at masiguro ang maayos na pamumuhay ng mga tao. Mahalagang gampanin ng sektor na ito ang pagsisiguro na mayroong yaring produkto na maibebenta sa pamilihan. Dapat na masiguro na ang mga produkto ay ligtas, mataas ang kalidad, malinis, at may kapakinabangan sa mga tao. 3. Tagapasok ng dolyar Ang sektor ng industriya ay tagapagpasok ng dolyar sa bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa. Ang mga produkto ng sektor na ito ay ikinakalakal sa iba’t ibang bansa at siya naming nagdudulot sa pagpasok ng dolyar sa Pilipinas. 4. Nagkakaloob ng Hanapbuhay Ayon sa pinakahuling datos ng PSA noong 2016, ang sektor ng industriya ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa 16. 7 porsiyento ng mga manggagawa sa bansa. Habang sa loob bg sektor na ito, ang mga manggagawa sa pagmamanupaktura ay binubuo ng 49.2 porsiyento, at ang bahagi naman ng kontruksiyon ay binubuo ng 45.5 porsiyento na mga manggagawa. Ang natitirang mga bahagi nman ay pinaghahatian ng utilidad at pagmimina.
  • 7. 7 5. Tagapagtaguyod ng Makabagong Teknolohiya Ang sektor ng industriya ay isa sa mga sektor na nakagagawa at gumagamit ng makabagong teknolohiya. Dulot ng teknolohiya, mas napabibilis ang paggawa ng mga produkto na maaaring ibenta. Ang sektor na ito ay isa sa mga nagsisimula sa inobasyon sa teknolohiya sa mga produkto bago pa man ito mahawakan o magamit ng mga konsyumer. Ang inobasyon sa teknolohiya ay mahalaga upang makasabay sa mga pagbabago sa lipunan. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: TAMA o MALI. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay di-wasto. 1. Ang sektor ng industriya ang tagaproseso ng mga hilaw na materyales na ginagamit upang makagawa ng iba’t ibang produkto. 2. Ang sektor ng industriya ay pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga tao para sa pang- araw-araw na pamumuhay. 3. Malaki ang naiaambag ng sektor ng industriya sa kalakalang panlabas ng bansa sa pamamagitan ng pa-aangkat ng mga produkto. 4. Ang sektor ng industriya ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga manggagawa ng bansa. 5. Mahalaga ang inobasyon upang mapaunlad ang sektor ng industriya. 6. Mayroong apat na bahagi ang sektor ng industriya: Pagawaan o pagmamanupaktura, konstruksiyon, utilidad, at pagmimina. 7. Ang pagmimina ay isang gawain na may kinalaman sa pagkuha ng mga hilaw na materyales sa kabundukan. 8. Dapat na magkaroon ng pagbabago sa polisiya patungkol sa mga imprastruktura at iba structural policies upang mapaunald ang sektor ng industriya. 9. Ang sektor ng industriya ang pangunahing tagapagtustos ng mga pangangailangan ng sambahayan. 10. Ang konstruksiyon ay ang pagkuha ng mga mineral sa ilalim ng lupa. Aralin Bilang 4: Ang Sektor ng Paglilingkod Week 6 Ang sektor ng paglilingkod ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang mga serbisyong ito ay nakatutulong upang masiguro ang maayos na pagganap ng mga mamamayan sa pagpapaunald ng bansa. Ito ay ang sektor ng na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay na nagbibigay serbisyo tulad ng serbisyong propesyonal ng mga doktor, abogado, guro, arkitekto, inhenyero,nars at iba pang gawain. Mga Pormal na Industriyang bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod • Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan- binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega. • Kalakalan- mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod. • Pananalapi- kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers, iba pa. • Paupahang bahay at Real Estate- mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house at condominium. • Paglilingkod ng Pampribado- lahat ng mga panglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito. • Paglilingkod ng Pampubliko- lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan. Mga Ahensyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod • Department of Labor and Employment (DOLE) – nagsusulongng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa ng bansa. • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)- ahensya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers. • Philippine Overseass Employment Administration (POEA)- itinatag sa bisa ng Executice Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers. • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga local na pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
  • 8. 8 • Professional Regulation Commission (PRC)- nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga mangagawang propesyoanl upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyunal ng bansa. • Commission on Higher Education (CHED)- nangangasiwa sa gawain ng mga Pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: TULONG PAGLILINGKOD Batay sa iyong binasang teksto, kumpletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang bansa? 2. Alin sa mga ahensya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga manggagawang Pilipino? 3. Bakit kailangang siguruhin ang kapakapanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa? ARALIN Bilang 5: ANG IMPORMAL NA SEKTOR: Week 7 MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinangayunan ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas. Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan. Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng taong ding iyon (Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas. Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang
  • 9. 9 impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007. Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy. Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc (DVD). Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor:  Hindi nakarehistro sa pamahalaan;  Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;  Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo. Dahilan ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang impormal na sektor sa iba’t ibang bansa. Sa pangkalahatan, sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor. Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga mamamayaan sa impormal na sektor:  Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;  Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan;  Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos;  Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; at  Mapangibabawan ang matinding kahirapan. Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal na sektor.
  • 10. 10 Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin,kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon. Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: TEKSTO-SURI Batay sa tekstong iyong binasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. 1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto? 2. Isa-isahin ang mga dahilang kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor. 3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sekto? Bakit? Aralin Bilang 6: Ang Pilipinas at ang Kalakalang Panlabas Week 8 Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”. Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas. Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod: WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech, Morroco noong Abril 15, 1944. Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura. Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi maging aspektong pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa isang kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang kasaping bansa. Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization (WTO) ay ang sumusunod:  Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);  Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries).  Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan; Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito.
  • 11. 11 Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon “nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang sistema ng pakikipagkalakalan ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo:  Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon.  Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hadlang-pangkalakalan;  Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak ang mga dayuhang kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pang-ekonomiko at manatiling bukas ang pamilihan;  Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo;  Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad.  Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang, hindi-kabilang, observer status, at mga bansang nasa representasyon ng European Union sa WTO. ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (APEC) Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia- Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Ang mga bansang nasa rehiyon ng Pasipiko ay nagkakaroon ng ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng kaunlarang pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan. Ito ay itinatag noong Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore. Ang ating bansa ay isa sa mga orihinal na kasapi nito kabilang ang Australia, Brunei, Canada, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore,Thailand, at United States. Samantala, noong Nobyembre 1991 ay sumapi rin ang China, Hongkong, at Taiwan. Noong Nobyembre 1993, ang Mexico at Papua New Guinea ay nakabilang din. Ang bansang Chile ay sumali noong Nobyembre 1994 at ang Peru, Russia, at Vietnam naman ay noong Nobyembre 1998. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 21 bansa. Ang samahang ito ay nagsasagawa ng taunang pagpupulong o economic forum upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu partikular na ang kalakalan at pamumuhunan. Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa mga isyu o usapin ay ibinabatay ayon sa consensus.Kaugnay nito, ang kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting ay isinagawa noong1993 sa Blake Island, Washington D.C. sa pangunguna ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton na kung saan ay nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng taripa at quota.Ang taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal samantalang ang quota ay ang takdang dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa. Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang samahang ito ay mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod;  Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa.  Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa magiging epekto nito tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan.  Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping kasaping bansa. ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN) Pinagkunan:http://en.wikipedia.org/wiki/Association_of_Southeast_Asian_Nations#mediaviewer/ File:Seal_of_ASEAN.svg Retrieved on November 7, 2014 Matapos mabigo ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asia (ASA),ito ay nagbigay daan para magsimula ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay binuo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand na kinilala bilang mga Founding Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok Declaration. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam.
  • 12. 12 Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Idagdag pa rito ang pagnanais na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang pangekonomiko. Ang punong-himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Upangmas mapaghusay at tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng tatlong community na binubuo ng ASEAN Political-Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio- Cultural Community.Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Kabilang sa dialogue partners nito ay ang Australia, China, Estados Unidos, European Union, Japan, New Zealand, Russia, at South Korea. Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992, sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN. Kung kaya’t sa larangan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa economic bloc batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), ang ASEAN ay pangalawa sa may naitalang $770.46 milyon para sa June 2014. Ito ay isang pagpapatunay na mas pinaiigting ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang kanilang ugnayan pagdating sa kalakalan. Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: PHILIPPINE ECONOMIC TIES: Logo Natin, Alamin at Talakayin Mula sa tekstong iyong nabasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba. Pagkatapos nito ay punan mo ng impormasyon ang dayagram bilang pagbubuod. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing diwa o mensahe ng iyong binasang teksto? 2. Mula sa iyong binasa, bakit nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga samahang pandaigdig? 3.Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng mahahalagang impormasyon ang dayagram na nasa ibaba upang maikompara ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga samahang pandaigdig. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sanggunian: Ekonomiks,Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral nina; Balitao, Buising, Garcia,et al. Ekonomiks, Araling Panlipunan, Gabay sa Pagtuturo nina; Balitao, Buising, Garcia et al.
  • 13. 13